Chapter SEVEN

71 5 1
                                    

Bloody hell, but she's beautiful.

Hindi nakontrol ni Eric ang naisip na iyon habang pinanonood ang pagbaba ni Lara sa grand staircase patungo sa kanya.

Nakasuot ito ng dark red, halter-top mini-gown at isang pares ng itim, sexy, high-heeled, strappy sandals. Dahil sa kulay ay nagmistulang perlas sa puti ang kutis nito. As if that wasn't enough, she had done something to her hair that made it look like a softly flowing waterfall down her elegant shoulders. Ang make-up nito ay na-concentrate sa mga mata at sa mapupulang mga labi... so effective na kahit sandali lang siyang napatitig sa mga matang iyon, pakiramdam ni Eric ay nahuhulog siya sa balong malalim.

He had to look away. Mayroon silang pinagsaluhan sa sandaling titigang iyon. He was sure she saw. At hindi na niya alam kung hanggang kailan pa siya makapagtitimpi.

Mind games... this isn't a mind game anymore. It's just a waiting game and she's been ahead of me all along. His sweet, innocent, lovely, crafty little sexy brat. She's been stringing him all along.

Sa halip ay natawa pa siya matapos yumuko, napapailing. Pareho silang nagnanasa nang higit pa. Hindi na halos niya kayang iwasan pa o i-postpone iyon. They had given it time, they'd sweated and hurt. It's going to be unfair to keep this stupid game up.

Hindi siya nakatiis at ibinalik niya ang titig niya rito. Kailangan niya itong makita. Nagugutom ang kanyang mga mata sa imahe nito, sa bawat detalye ng kagandahan nito. Wala itong ibang suot na jewelry kundi malaking ruby ring sa ring finger ng kaliwang kamay, obserba niya. He watched her, didn't take his eyes off her as she got closer. He had to see everything, anyway, sakaling nakatingin man ang ibang mga guwardiya. As her bodyguard—as her shield, too—he had to know everything about her that he could.

Natapos ang ensemble sa isang makislap na beaded black purse, ang silver niyong chain ay nakasukbit sa isang balikat... na sobrang delectable at nakatutuksong halikan.

Damn it, man. Concentrate.

Kumunot ang kanyang noo nang makitang nangingiti ito habang nakatitig sa kanya, pinanood siya.

Damn it to hell, and she knew it, too. Oh god, I really am in so much trouble now, he thought, smiling.

Umiwas ito ng tingin sandali, saka umiling. bahagya itong nakangiti noong muling inangat ang mga mata sa kanya. Bago nito hinayaang makita niya ang lagnat ng pagnanasa at paghanga nito sa kanya sa mga iyon.

Nagdiwang ang kanyang puso. At last! Hindi nasayang ang effort na binigay niya sa kanyang gayak.

Oh, he was equally gorgeous. Bukod pa sa nakita na niya kanina, may ginawa ito sa buhok nito at bahagya iyong basa at malinis ang pagkakasuklay palayo sa mukha nito. Ang epekto ay mas nagmukha itong gwapo sa pinakamisteryoso at swabeng paraang nakita na niya rito.

At ang bango nito—my god...!—magkahalong bagong ligong kapreskuhan, aftershave, at men's cologne na ang sexy sa amoy. Nakakagigil. She wanted to hug and just smell him. He was simply the most gorgeous, sexiest man right then.

Nakatingin na itong muli sa kanya at blangko na ang gwapo nitong mukha, pero alam na niya. Bistado na niya ito. At alam niyang nakikita nito iyon sa matamis na ngiti sa mga labi niya.

"Ready?" tanong nito sa kanya. Hah! Paos na naman ang boses. She'd aroused him. Yes!

"Yes," ulit niya, sa mabining tinig.

Uncomfortable itong nakatayo roon. "Wala ka bang shawl? Baka ka lamigin," anito.

Hindi na niya napigilang matawa. "Really, Eric? Ang trabaho mo lang ay bantayan ako sa mga kidnappers, hindi sa sipon. Tayo na, okay? Hinihintay na tayo nina Phoebe."

My Sweet Innocent Lovely BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon