Chapter FIFTEEN

51 4 0
                                    

Sa tabi ng backdoor, nakangiting lumayo si Ricardo Mataimtim.

Hindi nga siya nagkamali sa kanyang ginawa, naisip niya habang paakyat siya sa kanyang kwarto. Hindi na siya malulungkot kapag napanaginipan niya ulit ang asawa niya, nasa mga ulap at nakapameywang. He always had that dream whenever he'd done something he wasn't sure was good for their daughter or her mother would approve of. Pero kapag tama pala siya, laking luwag ng dibdib at saya ang nararamdaman niya.

And this was important to her, itong pagpili ng lalaking nababagay na makasama ng kanilang unica hija.

Halos madurog ang puso niya noong maulinigan niya ang pag-uusap nina Eric at Lara noong umagang iyon na napagbuksan niya ang mga ito ng pinto habang naghahalikan.

The fact was he wasn't even surprised. Matagal na niyang halatang higit pa sa pagiging bodyguard ng anak niya ang dahilan kung bakit hindi umaalis si Eric. Matagal na rin niyang halata na kahit ilag at nahihiya ang anak niya kay Eric, pinakapalagay ang loob nito kapag naroon ang binata sa kanilang bahay. She's being extra careful, extra poised, extra pretty, and she wasn't rebelling—not really—on staying home so much was because he was there.

Hindi na siya nagtaka na noong matagal na hindi nagkita ang mga ito ay sobra ang passion ni Eric sa paghahanap sa salarin ng death threats at pagtatangka sa buhay ng kanyang anak habang noon lang niya nakitang sobrang balisa si Lara.

Being away from each other made them both miserable and driven.

Inasahan niyang kapag nakasunod sa kanila si Eric dito sa Baguio, hindi magtatagal ay aamin na ang mga ito sa isa't isa. Kaya siya sumunod kay Eric sa taas noong matanawan niya itong nagluluto ng breakfast sa kusina, kinutuban siyang nangyari na ang inaasahan niya.

Tama siya. He and his friend, Eric's father, could finally lay their suspicions to rest.

Of course, tinaboy ng ama nito si Eric dito para makilala si Lara. Siya naman, matagal nang nag-aalala sa binata pagkatapos mamatay ni Ashley at stint nito sa digmaan. He was such a strong, brave, well-put man. He wanted no one less for his daughter who was as strong, as good, as loving. Gaya ng ama ni Eric, nag-asam siya na magkaroon ng positibong resulta ang pagkikilala ng dalawa. Noong naggigirian pa lamang ang mga ito, he was willing to wait. He loved watching the blossoming attraction between the young couple.

Pero noong narinig niyang malungkot at nag-iisa ang pakiramdam ng anak niya sa buhay nilang magkasamang mag-ama, nataranta siya. Idagdag na dalawang beses itong muntik nang mawala sa kanya, at hindi pa tapos ang peligro, ang naging goal lang niya ay masigurong naipasa niya ito sa pangangalaga ni Eric para anuman ang mangyari ay alam niyang ligtas ito at, sa wakas, ay mabubuhay nang masaya.

Noong nasa kwarto na niya siya, kinuha niya ang naka-frame na picture ng asawa sa ibabaw ng nightstand at dinala sa kama noong naupo siya roon.

"I did good, didn't I? I've never seen our daughter as happy as I saw her just now. I did good, sweetheart ko," sabi niya rito.

Nakangiti si Cielito niya sa larawan. Pero kung hindi siya nagkakamali, lalong naging masuyo ang ngiting iyon habang napupuno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

Nagbuntunghininga siyang muli, saka malungkot naman ngayong hinubad ang kanyang mga sapatos at nahiga sa magkakapatong na mga unan.

Naiisip niya si Karlo Esteban.

Hindi niya nakakalimutan ang desperasyon sa mukha nito noong huli niya itong makita. Hindi pala takot sa pagkatalo lang ang dahilan niyon.

He was going to lose his family. He did lose his family.

Mahina niyang kinuwento sa kanyang Cielito ang tungkol kay Karlo Esteban.

"Buhay ang kanyang mag-ina. There's still hope na mabuo ang pamilya niya. Baka meron pa akong magagawa para makatulong sa kanya, mommy..."

My Sweet Innocent Lovely BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon