Kumakabog ang dibdib ni Lara.
Ramdam niya bawat pintig na pumupulso sa buong katawan niya mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga toes.
Nasa banyo siya, naghahanda sa unang gabi nila ni Eric. Tapos na ang kwentuhan nila ng kanyang mga kaibigan at ang masayang dinner nilang lahat. Nasa kwarto na ang mga ito, maagang nagpapahinga dahil bibiyahe ang mga ito pababa sa Manila right after midnight. Hindi na raw siya gigisingin ng mga ito bago umalis kasi baka by that time ay 'busy' pa sila ng asawa, since it was their first night together.
Nasa kwarto si Eric, naghihintay sa kanyang makatapos sa banyo.
My god... I'm so nervous.
Napalunok siya habang nakatitig sa namumutla niyang mukha sa salamin. Bakit ganito? It was Eric, and she was happy with him. Komportable siya rito sa paraang hindi niya naranasan o naramdaman sa kahit sinong lalaki.
Kahit kanina, noong umakyat na sila sa kwarto at tinuloy ang paglalandiang nagsimula sa veranda, hindi siya nakadama ng hiya maliban sa ilang mga sandali na may ginawa ito sa kanya sa unang pagkakataon at nagulat siya sa result.
All good.
Gaga. Anong all good lang? She hadn't ever imagined she could experience something like that. Ni hindi pa siya nakarating sa orgasm kanina. Although she might have felt a few mini-orgasms just because he had kissed her and touched her in strategic places...
Wala siyang duda na mapapasaya siya ng kanyang asawa sa kama.
Ang kinatatakot niya, paano naman ito? Mapapasaya kaya niya ito when she barely knew what to do?
Napalunok siya. Still, iyong pamumula naman ngayon sa mukha niya ay indikasyon ng sobrang excitement para sa gabing ito. He told her that she shouldn't worry about anything. Idinaing niya kasi kaninang hapon, sa isang baliw na sandali, na gusto niyang gawin ang ganito o ganyan pero hindi niya magagawa kasi ang ganoong klase ng exertion ay hindi pa pwede sa kanyang sugat.
Err....
Siguro may pagkaloka rin siya kasi the more na nakikita niyang natutulala ito sa mga suggestions niya (na pinagkukuha lang naman niya sa mga napanood niya sa soft porn noong curious siya kung anong ginagawa ng isang babae at lalaki sa kama kapag sinasabing nagse-sex ang mga ito), ay lalo pa niyang inigihan ang pagkukuwento rito ng kanyang mga nai-imagine na masarap gawin dito.
Nakakaawa sana ito kasi noong tinawag ito ng ama dahil may video call ang mga ito sa mga taga-NBI, nangangatal pa ito nang konti.
She already knew her husband desired her. But she knew nothing else! Gusto rin niyang mapaligaya ito, syempre.
Napapitlag siya sa katok sa pinto.
"Lara? Hey... are you alright?" tanong ng nag-aalala nitong tinig sa kabila ng pinto.
She felt guilty locking the door. She never locked her bedroom door since he started working for her. Walang lumalapit sa kanyang pinto sa bahay. Kapag may kailangan sa kanya, they would call. Usually, that's Eric. Kung may umaakyat man sa second-floor para mag-check ng paligid, ni hindi nga niya nararamdaman kasi ang tahimik ng mga ito at ang bilis. In fact, the only time she remembered him ever knocking on her door was later, noong pinakita nito sa kanya ang suit na susuotin nito sa party ni Lulu.
Tapos, kung kailan mag-asawa na sila, nag-lock siya ng pinto! "I'm coming out in a minute!"
"Don't be too long, baby. Okay?"
"Okay!"
Naramdaman niyang tumigil pa ito sandali roon sa kabila ng pinto bago nagbalik sa kama.
Kagat ang ibabang labi, ch-in-eck niya ang sarili nang mabilis for the last time. Halata na talagang ninenerbyos siya. Lalo lang siyang napapahiya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...