Halatang nagulat at nagduda si Lara noong sinabi niya ritong pumayag na ang daddy nito na um-attend ito sa party. Nakikita iyon sa mukha nito.
"Really," anito sa maingat na tinig matapos marinig ang mga bilin ng ama nito rito. Nasa kama nito ito, naka-pajamas habang nagbabasa ng isang malaking hardbound fiction. "And he's not coming with me?"
"Yes, kaya kailangan kitang eskortehan. Hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko sa lahat ng oras at kailangan nating sundin ang usual protocol strictly," paalala niya rito.
Naghintay siya sa protesta pero walang dumating. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.
"Mabuti pang bumaba ka na. You have to eat," aniya rito sa marahang tinig.
Nagdaan iyong ngiti na iyon sa mga labi nito. Iyong ngiting pinakakilala niya. At napaungol siya sa isip.
She knew.
"Something's wrong, is there?" tanong nito sa tinig na kasing-rahan nang sa kanya.
"Nothing is... wrong," sagot niya, pero tahimik na namura ang sarili dahil sa pag-hesitate. Why would he feel conscious about lying if it's for her safety? He shouldn't care for anything more than shielding her from what could harm her.
But they were both playing mind games now, and they both knew it.
Sa kabila niyon ay muntik na siyang mapangiwi sa sagot nito.
"Liar."
Napakurap siya. "Excuse me?"
"He's receiving death threats again."
"No," sagot niya habang pinananatiling blangko ang kanyang mukha. Parng may sumuntok sa sikmura dahil sa nakita niyang sindak na rumehistro sa mga mata nito sandali. His denial seemed to relieve her—hindi pa nito gustong paniwalaan ang hinala.
But they would go there in time.
Naniningkit naman ang mga mata nito. Kinabahan siya sa hindi niya mawaring dahilan. Kaya pala pinagpapawisan si Tito Ricky kapag tinitingnan nito nang ganoon.
"Akala ko patay na silang lahat?" May kaba sa tinig nito na hindi nito nagawang alisin doon gaya nang sa ekspresyon nito sa mukha.
"Oo. Kaya dapat hindi ka nag-aalala—"
Bigla itong napatayo sa gilid ng kama na parang may spring. "Then why is my father acting so strange suddenly? Kung hindi ito ang dahilan, I'm sure sasabihin n'ya sa 'kin. But he's not telling me anything, he's trying to ground me, and I can't reach his phone!" nanggigigil nitong sikmat.
Yeah, this was the longest and most emotional they had interacted for a long while. Tame pa iyong kagabi. Controlled. This wasn't.
"Kung hindi mo napapansin, nagiging aktibo na naman ang mga masasamang loob sa pagdukot sa mga anak-mayaman," sabi niya sa pinakakalmadong tinig niya. "Hindi ka kasi nakakapanood ng balita sa TV. He's worried so he's trying to tie some loose ends in his contracts as fast as he can. Gusto magbakasyon kayo sa ibang bansa habang mainit pa rito sa Manila." At least, that last part was not a lie.
Ilang sandali pa rin siya nitong tinitigan, inaalam kung may tinatago siya. He remained calm as he stared back. But suddenly, Lara was leisurely looking down his body. Pinag-aaralan bawat kurba. Nakakunot ang noo.
What the hell is she doing now? Stop, napapalunok na utos niya rito sa kanyang isip. Bawat dinaraanan ng mga mata nito ay nag-iinit at nakikiliti. Didn't she know how dangerous her pair of eyes was? Narito pa naman sila sa kwarto nito kung saan nangyari dati ang... lahat.
"Do you own a suit?" tanong nito bigla.
Kinailangan pa niyang tumikhim bago sumagot. "Yes, of course. I have one here."
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...