Hindi makapaniwala ang salarin habang nanonood sa balita sa TV.
Nakaligtas sina Lara at Zach. Nakaligtas ang dalawa.
Paano nangyari iyon? Binaril niya ang mga ito pareho sa dibdib! They should be dead!
Nagngingitngit na pinatay niya ang TV sa puntong sinasabi roong lilipad na pa-America ang mag-amang Lara at Ricky Mataimtim para doon tuluyang magpagaling ang dalaga. Si Zach naman ay nauna nang inilipad ng mga magulang palabas ng bansa para doon rin ipagpatuloy ang pagpapagaling at malamang na manirahan nang tuluyan.
Mga duwag!
Hindi maaari. Kailangan niyang makahanap ng isa pang pagkakataon. Kailangan niyang mag-isip.
Hindi pwedeng makaalis ang mga ito nang hindi siya nakapaghihiganti!
Ang unang plano ay lilipad sila sa States ng daddy niya kapag pwede na siyang bumiyahe. Pero nagbago iyon. Ini-leak na lang sa press na lilipad sila sa ibang bansa para malansi ang nagtatangka sa buhay nila pero mananatili sila sa Pilipinas sa isang tago at ligtas na lugar.
At lumipas ang mga araw...
Gabi ang biyahe ng mag-amang Ricky at Lara patungo sa ligtas na lugar na pagtataguan nila. Bago iyon, nagpaalam si Lara sa mga kaibigan niya. Kapag ibang tao, like iyong piling reporters na nakausap niya, sinunod niya ang diktang sasabihin niya sa mga ito.
Pero sinabi niya ang totoo sa mga kaibigan niya. Ang hindi lamang niya masabi ay kung saan. Nag-aalala ang mga ito sa kanya at kung normal sana ang sitwasyon, malamang na kasama niya ang mga ito kahit sa weekends lamang. Pero sa takot na may madamay muli, maglalagay muna siya ng distansya sa pagitan niya at iba.
Pero ang masakit, ni hindi sila nagkita ni Eric bago sila umalis ng Manila. Hindi siya nakapagpasalamat dito o nasabi ritong mag-ingat ito. Hindi niya ito makausap sa phone call kasi naka-activate ang voice inbox nito sa phone dahil lagi itong busy. Dalawang araw ang nagdaan at naggagayak na sila sa pag-akyat sa Baguio mula sa facility kung saan siya ginagamot pagkakuha sa kanya sa unang ospital nang sa wakas ay natiyempuhan niya ito. Sumagot ito sa tawag niya.
Sinabi nitong kailangan nitong tumutok sa trabaho at siya sa pagpapagaling at mag-uusap sila pagsunod nito sa kanila sa Baguio.
"When will you come?" giit niya, not minding anymore kung para siyang batang makulit kahit undignified.
"When I can," sagot nito.
Kinakabahan siya. His voice at the beginning of the call was distant and cold. Bakit ganoon siya nito kausapin? Talaga bang galit pa ito sa kanya dahil naging pasaway siya?
Binibisita ba nito si Red Woman?
"Eric..." Nag-iinit ang kanyang mga mata. "I'm really so, so, sorry..." bulong niya sa phone.
"Wala kang kasalanan, Lara. I should have been more alert--"
"Bullshit. I should have been more responsible. Muntik na nga akong namatay noong una pero hind pa ako natuto. I was careless and stupid."
"You were not. We should have trusted you. Lara, it wasn't your fault, okay? I need to go to work."
"Wait, please. Please..."
Hindi ito umimik pero hindi pa putol ang call.
"Are you sure hindi ka galit sa 'kin?" tanong niya habang tumutulo ang mga luha sa pisngi niya.
"I'm not." That was abrupt. Walang kahit sandaling hesitasyon. "What made you think that?"
"Bakit hindi ka tumatawag? Bakit ang cold mo--"
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...