Naiinis si Lara sa daddy niya. Out of the blue ay pinagbawalan siya nitong lumabas ng bahay. Ni walang eksplanasyon man lamang. Sa dinami-rami ng mga araw, sa araw pang ito biglang nag-istrikto.
After-tea birthday party ng Lola ni Janna, dating kaklase nila nina Sidney, Anya at Phoebe, at gusto niyang dumalo. Kung hindi siya makakapunta, hindi niya makikita si Zach, so the revenge she'd been planning for weeks would be for nothing, nanggigigil niyang naisip.
Nakakainis talaga. Hindi man lang din pinaliwanag kung bakit. As in hindi man lang siya nito kinausap at pinasabi lang iyon kay Eric.
And well, since nakaharap niya at nakausap na naman si Eric, nagmamarakulyo na naman ang puso niya.
Alam ni Lara na manahimik at hindi paghanapan ang ama kapag may importante itong project that might turn out to be another breakthrough invention.
Pero kapag importante she could get through anyone to him.
Not through Jericho Torellaza.
Overwhelmed siya rito.
It had been months since he'd killed one of her would-have-been murderers and she almost died. Naghihilom na rin siya sa trauma ng karanasang iyon. She talked to a shrink for a while to get through the anxiety attacks. Oo nga, hindi niya kasalanan na namatay ang lalaking iyon. Of course, may pamilya itong naiwan, pero ito ang pumili ng desisyong gumawa nang masama kaya hindi tamang dalhin niya sa kanyang konsensya ang naulila sa ama nitong mga anak.
Tatlong anak, dalawang babae at iyong bunso ay lalaki—twelve, nine at seven ang mga edad. Ang report sa kanya, hindi rin responsableng ama ang lalaki at nambubugbog pa ng asawa. Masama talaga itong tao kaya hindi nakapagtataka na naging ganoon ang kinalabasan ng buhay nito.
Pero hindi kaya ni Lara na walang gawin sa nalaman niya.
Nang dumating ang sumunod na school year ay nakatanggap ng secret sponsor ang magkakapatid mula sa eskwelahan at napasali sa isang mentorship program na ginagastusan ng isang private think tank. Nagkaroon din ng oportunidad ang ina ng mga itong mag-training bilang cook sa isang simpleng restaurant malapit sa tirahan ng mga ito. A week later, when she was given the feedback na napakasipag nito mula sa mga napagtrabahuhan nito, ay nakatanggap naman ang babae ng oportunidad na makasali sa workshop sa isang cooking school para sa mas pormal na training sa pagluluto nang walang bayad, may allowance pa. Pagkatapos niyon ay gagawan naman niya ng paraan na makapagpundar ito ng sariling negosyo para hindi na ito magtrabaho sa iba at mabuhay nito at mapag-aral ang mga anak.
Ginawa niya ito lahat nang palihim katulong si Phonse, ang ten year long assistant ng kanyang daddy. Ang think tank organization ay kinabibilangan ng daddy niya, who fully supported her secret project after she consulted him for his thoughts. She wanted something good to come out of the harrowing experience, and she felt that setting right lives almost destroyed by the bad man that wanted to do her harm was what she needed to finally accept that it happened for a reason.
This was the reason. Bawat magandang balitang natatanggap tungkol sa papabuti nang papabuting kalagayan ng mag-iina ay nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.
Tumigil na rin iyong bangungot niya kung saan nakikita pa rin niya iyong sandali na nawalan ng buhay ang mga mata ng kidnaper. Sa bangungot ay bigla itong ngumingisi pagkatapos mamatay, saka tumatawa, saka muli ay hinahawakan siya nang mahigpit habang nananatiling patay ang mga mata para isama siya sa impyerno.
That didn't happen anymore. She would still, sometimes, see those unseeing eyes in bad dreams. But she wasn't scared of him anymore. Alam na niyang hindi na siya nito magagawan nang masama.
Then she would think of Eric and would feel the same sense of awestricken reaction, lalo na kapag naaalala niya iyong exchange nila bago siya nawalan ng malay, noong akala niya ay mamamatay na siya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...