Chapter THREE

83 8 1
                                    

Inis na inis lalo si Lara. Hindi siya makapaniwala na naisahan siya ng daddy niya. Pinag-leave nito ang mga maids at nagsipulasan namang parang sinilihan ang mga puwet ng mga walanghiya! Ang natira lang ay mga guards sa labas.

At si Eric.

Nag-alburuto pa siyang lalo noong nalaman niyang lumipad ang daddy niya palabas ng bansa dahil sa kung anong letseng conference. Kung meron man itong bagaheng

pinahanda, hindi niya iyon nakita. He wasn't answering his phone. Correction, phones. Meron itong tatlo—isa para sa business, isa para sa household, at isang back-up para sa piling mga taong kaya nitong tanggapin ang tawag kapag nakakulong sa work lab nito. Iyong mga safe makausap at hindi makakasira sa 'flow' nito. May kanya-kanya ring apps ang mga phones na iyon ayon sa kung paano na-categorize ng utak nito. He was a neuro-divergent, that was just how his brain worked.

Ang natanggap lang niya ay text message—text message!—na nagsasabing hindi pa rin siya pwedeng lumabas kahit para man lang sa shopping o bumisita sa kanyang mga kaibigan.

She couldn't believe na tinatrato siya nitong isang pasaway na bata o na wala siyang avenue kundi maghintay. Uuwi rin ito at maghaharap din sila. Wala itong magagawa noon kundi ibigay ang anumang idemanda niya. Pag-iisipan niya ngayon pa lang kung anong pinakamahirap na parusa rito.

Like, shopping all day with him.

His shoes, his new office clothes, and I will bring him to the salon for a facial. Akala niya... magsisisi talaga siya! nagngingitngit niyang naisip.

Tumawag ang mga kaibigan niya bago mag-dinner habang nagluluto siya. Masyado siyang trained sa order sa pamamahay ng mommy niya—iyon pa rin ang tawag nila ni Daddy sa bahay, na kay Mommy iyon, kahit wala na ito—at ang may magutom sa ilalim ng kanyang bubong ay intolerable para sa kanya. So she's cooking dinner for herself, for Eric, and the guards, dahil pinauwi ni Eric pati ang cook!

Kahit alam nitong hindi siya masarap magluto, pinauwi pa rin nito ang cook.

Bahala na lang silang lahat sa resulta.

"He looked disappointed you couldn't make it, Lara," ani Sidney sa phone. Naka-speaker phone siya dahil busy ang mga kamay niya sa paghihiwa ng onions. "Something's different about him. Parang ang mature-mature niya. He really seemed sincere."

Narinig niya ang pagsang-ayon nina Phoebe at Anya sa background.

"Sincere sabi n'yo?" Lumagapak ang siyanse sa pan at tumalsik ang mga piraso ng itlog, mushrooms, bell pepper at cheese sa counter. Galit niya ang mga iyong itinapon sa trash can. "Sincere ba s'ya noong basta na lang siya nakipag-break kay Fiona after her dad got bankrupt? What about what his mother did to my father? Anong idadahilan niya sa lousy behavior ng mommy niya? Losers sila kasi. Umaarte lang 'yan."

"Uh, Lara, what're you doing there?" nag-aalalang tanong ni Anya.

"Cooking," sabi niya. Bumagsak ang pan sa sink. "Dad gave the house helps a week's leave. I'm alone here."

Napahingal ang mga ito. "He didn't!" sambit ni Phoebe.

"Yes. At bukas, naiisip kong maglampaso ng sahig," sabi pa niya.

"But you'll ruin your manicure!" humahagikhik na sabi ni Sidney.

"It doesn't matter. Hindi naman ako pwedeng lumabas so ano kung sira ang mga kuko ko?" sabi niya saka nagbuntung-hininga.

"Mag-isa ka lang ba talaga d'yan?" tanong ni Anya, naaawa na.

"Of course not," sabi niya sa mas mahinahon nang tinig. "Narito si Eric at may apat pang extra guards around here."

My Sweet Innocent Lovely BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon