Gaya ni Phoebe, muntikan nang mag-swoon hindi lang si Anya kundi maging si Sidney dahil kay Eric. After they were halfway done drooling over him, nagtungo na sila sa mga mesa sa maluwang na lawn nina Phoebe at naupo sa seats kung saan sila naka-assign.
He was relaxed, hindi ang polite at pormal na bodyguard niya. Nakipagkwentuhan ito at sumakay sa mga kaibigan niya sa biruan. In fact, he had a few jokes of his own. Walang kahirap-hirap itong nakipagtawanan. Umiiwas lang siya ng tingin kapag pakiramdam niya ay titingin ito sa kanya pero minsan, natutulala siya sa bagong nakikita rito. She tried not to stare too much. Natitilihan siya kapag nahuhuli siya nito.
Ibinulong ni Anya kapagdaka na tanaw nito sina Zach at mommy nito sa malayo na madalas ang tingin sa kanila. Tumango lang siya. At namalayan na lang niya, she just didn't... care.
She didn't care they were there. She didn't care about the revenge. She just didn't. Biglang bigla, ang mahalaga lang sa kanya ay malinaw kay Eric ang totoong pinagmulan ng sama ng loob niya sa mga ito. Anything else wasn't important anymore.
Naka-move on na siya sa galit niya. The experience taught her a lesson. Hindi sa looks, sa pinanggalingang pamilya o sa edukasyon mame-measure ang pagkatao ng isang lalaki. Kailangan muna itong kilalanin nang mabuti, alamin kung meron itong puso, kung merong tatag para ipaglaban ang dapat.
Ang daddy niya, mas dumami pa ang naging mga kaibigan pagkatapos ng panlalait ni Mrs. Tanchoco dahil kahit lutang ito palagi, matatag ang karakter nito at nasa tamang lugar ang puso nito noon hanggang ngayon. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang daddy sa kahit sinong Pontio Pilatong elitista o ang pamilya niya sa kahit aling old money family. Never.
Hindi ang kagaya lang ng matapobreng ginang ang makakapingas sa kasiyahan nito sa pagtamasa sa mga bunga ng pinaghirapan nito at pinahalagahan sa buhay nito.
Nakapag-move on na nga pala siya.
Noon pa.
Tapos na ang dinner at katatapos lang din magsalita sa harapan ng parents, sisters at close friends ni Lulu kaya relaxed nang nagkukwentuhan ang mga bisita. Sa sandaling paglibot ng tingin niya sa paligid, nagtama ang tingin nila ni Zach at ngumiti ito sa kanya.
At ngumiti rin siya nang hindi napaplastikan sa sarili. Siguro dahil alam na niyang wala na itong pwedeng gawin para masaktan siya.
Naaawa pa siya ngayon rito. He was weak, isang mama's boy na hindi natutong magdesisyon para sa sarili. She was sure that Zach did like her then. Pero sunud-sunuran lang ito sa gusto ng ina nito at malungkot ito. How could he be happy when he could not be what he really wanted to be and he could not have what and who he really wanted?
Sandaling napakunot ang kanyang noo. Hindi ba't kung tutuusin, ganoon din siya?
All the time that she tried to look for the trophy husband, she was looking through the eyes of her mother. So, yes, her mother was in love with her father to pieces. Pero wala pa siyang karanasan at therefore hindi pa niya alam ang pakiramdam ng nagmamahal na gaya ng pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Ang nakikita pa lang niya noon ay ang superficial na display ng ganoong pagmamahal.
Nang makilala niya si Zach, taglay nito ang qualities na gusto ng Mommy niya para sa kanya. Willing siyang ma-in love dito noon dahil doon.
Napapikit siya sa reyalisasyon.
Alam niyang maganda ang intensyon ng Mommy niya pero kung mananatili siyang ganito, magkakamali na naman siya. Mabuti na lamang talaga, dumating sa buhay nila si Eric.
"Hey. Are you okay?"
Napamulat siya sa mahinang bulong ni Eric sa may teynga niya. Napabaling siya rito, ngumingiti. Bakit ba parang nahihiya siya rito bigla? Hayan, nagkakatitigan na naman sila at inaalinsangan na naman siya; nag-iinit na naman ang mukha niya. At hindi siya halos makahintay na makauwi na sila para kung anuman iyong mga nakikita niya sa mukha nito, maririnig na niya mula rito.
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...