Nagpatuloy ang judge sa sumunod na sasabihin bago ito naputol sa gitna at gulat na napatingin kay Lara—gaya rin nang ginagawa nang lahat ng mga nasa salas.
At ni Eric.
Helpless siyang nag-angat ng tingin sa binata, pagkatapos ay sa kanyang daddy.
"Dad, walang nangyari sa 'min ni Eric. Wala! Gusto niyang malaman mo muna ang tungkol sa aming dalawa... we didn't do anything wrong. Inaalagaan lang niya ako noong nakita mo siya. It was just a kiss!"
Saka siya napatingin kay Eric.
Nakakunot ang noo nito. "What are you doing?" anas nito.
Kumakabog nang sobra ang dibdib niya sa nakikitang pagtutol sa gwapo nitong mukha. Oh god, the last thing she wanted him to think was she was rejecting him. Hindi iyon totoo. Tinatagan pa niya ang dibdib niya. Nagtiim ang bagang niya.
Ito ang tama. Ito ang dapat. Ginagawa rin na man niya ito para rito.
"I will not marry you," sabi niya.
Narinig ang mahinang mga paghingal lalo na sa direksyon ng mga kaibigan niya.
"I will not marry you kasi napipilitan ka lang. I won't. Magpapakasal lang ako sa 'yo kung mahal natin ang isa't isa—"
"And you don't?" sabad nito.
Naguluhan siya. "I don't what?"
"Love me?" tanong nito sa mas mababang tinig habang inaabot ang mga kamay niya at hinahawakan pareho. Nakatutok ang mga mata nito sa kanya. Wala siyang kawala. And he didn't have to be so handsome, so familiarly earnest, right then. But he was, and it was breaking her heart.
"I-I..." Nagbuntunghininga siya. Then she squared her shoulders, too. Hindi siya papayag na guluhin nito ang kanyang plano. "I do," pag-amin niya. Nakakahiya kasi noon nangatal ang kanyang baba. "Kaya mas importante sa 'king pigiling mapikot ka ng daddy ko." Pagkatapos ay nakikiusap niya itong tinitigan. "Marami ka nang nagawa para sa 'kin, Eric. I will not let you give your freedom up for me, too. Kailangan mahal mo rin ako."
Saka siya lumingos sa tulala niyang ama.
"Dad, I cannot marry him. Nauunawaan mo ba? I will not be a distress to the man I love. I can't. I won't!"
Bumuka ang bibig nito, pero kung sa kahihiyan o shock sa ginawa niya ay hindi ito makapagsalita. He was not given a chance anyway, kasi hinihila siya ni Eric para mapatingin siya muli rito.
At siya naman ang napipi noong yumuko ito at siniil siya ng halik sa harap nang lahat!
Tulala siya nang nag-angat ito ng ulo, nakangiti ang mga labi.
"My sweet little brat... sa tingin mo mapipilit ako nang kahit sinong Pontio Pilato, lalo na ni Tito Ricky, na pakasalan ka kung hindi kita mahal? He didn't have to do it this way. Pero ang mahalaga lang sa akin, ikakasal tayo. Siya na ang magpaliwanag kay Daddy kung bakit hindi muna sila nag-usap at nagplano bago ang lahat ng ito."
"Oh," sambit niya.
"Yes. Oh."
"Oh no..." dismaya niyang sabi habang napapasulyap sa kanyang daddy na namutla.
Pero inagaw muli ni Eric ang kanyang atensyon. "I love you. I do." Tumawa ito. "Baliw lang ako kung makaka-resist ako sa 'yo. Hindi mo ako pinipikot, baby. I'm willing, and able, and in love." Pagkatapos ay tumingin ito sa judge. "I am. I do."
Tumikhim ang matandang lalaki. Halatang hindi pa ito masyadong nakakabawi sa gulat. Tumingin ito sa kanya at inulit ang tanong.
Napalunok siya, saka ngumiti at tumango. "I do."
BINABASA MO ANG
My Sweet Innocent Lovely Brat
RomanceWhen the first guy you fell in love with is the one who's saved your life, is it real love? O sobrang grateful ka lang? A hunky ex-military meets bratinella. Torn between death threats and attempted kidnapping, there is no room for any feelings at a...