NANG tuluyan na nilang maipasok ang lahat ng kanilang mga gamit sa loob ng Casa Lindoa ay sakto namang sinalubong na rin sila ng may-ari nito na nagpakilalang si Manang Hilda Suarez. Katamtaman lamang ang taas nito at sa maeestimang nasa edad 50s na, ngunit maaliwalas pa rin ang mukha dahil sa pagiging palangiti at kakikitaan rin ng pagiging magiliw sa sinumang kanyang makakasalamuha. Muli niyang ipinakilala ang kanyang mga empleyado at ibinahagi rin niyang matagal na niyang mga kaibigan ang mag-asawang Mang Nelson at Manang Eva at sa katunayan pa nga ay siya ang ninang ng nag-iisang anak ng mga ito na si Nico.
"Maligayang-maligaya kami at nakarating na kayo dito sa aming Casa Lindoa" ang masayang pahayag sa kanila ni Manang Hilda. Nakaupo silang lahat ngayon sa sala ng casa at muli nang bumalik sa kani-kanilang mga gawain sina Mang Nelson at Nico habang si Manang Eva naman ay pumunta ng kusina upang ipagtimpla sila ng juice at ipaghanda ng meryenda.
"Thank you, Manang Hilda, at na-accommodate niyo pa kami. Almost every hotel and inn dito sa Santa Barbara maging sa labas ng probinsya ay fully-booked na dahil sa annual convention" ang pagsang-ayon naman ni Jonathan.
Napangiti lamang si Manang Hilda, "Wala pong anuman Mr. Jonathan. Sana ay maging matiwasay ang stay niyo dito sa amin" ang nakangiting saad pa ng matanda. Bigla itong may naalala at may kinuha sa kanyang bulsa. "Eto pala ang mga susi ng mga kwarto niyo" ang kanyang sabi sabay abot ng walong susi kay Jonathan. "May sampung kwarto ang Casa Lindoa, yung walo ay para sa mga panauhin, at yung natitirang dalawa ay sa akin at sa pamilya nila Eva. Stay-in naman kami dito kaya kung may kailangan kayo ay huwag sana kayong mag-atubiling magsabi sa amin".
"Thank you very much, Manang Hilda" ang natutuwang tugon ni Jonathan sa hospitality nila Manang Hilda.
Matapos mailapag ni Manang Eva ang mga juice at sandwiches ay nagsimula na silang kumain at nakisalo na rin sina Mang Nelson sa kanila at doon nila napagtanto kung paanong tunay na malapit talagang kaibigan ni Manang Hilda ang pamilya.
Naikwento sa kanila ni Manang Hilda na ipinamana pa sa kanya ng kanyang lola ang Casa Lindoa simula noong nagkasakit ito. Mahigpit na ibinilin sa kanya ng kanyang lola na dapat ay mapanatili niyang maayos ang lugar bilang paggalang na rin sa alaala nito. Noon ay bahay lamang ito ng kanilang pamilya ngunit dala na rin ng nagbabagong panahon ay napagdesisyunan na rin ni Manang Hilda na gawin na lang rin itong negosyo upang magkaroon siya ng sapat na pagkukunan para sa pagma-maintain ng lugar dahil sa wala na ring ibang katuwang sa buhay si Manang Hilda dahil matagal na itong biyuda at hindi rin nabiyayaan ng anak.
Pagkatapos nilang kumain ay isa-isa nang nagpaalam ang bawat isa na magtutungo na sa kani-kanilang mga kwarto para magpahinga. Nagpresenta naman agad sina Mang Nelson at Nico na tulungan ang mga bisita sa pag-aakyat ng kanilang mga gamit.
Tanging ang naiwan na lamang sa sala ay sina Manang Hilda, Jonathan at Louise.
"Louise --"
Napaangat ng tingin si Louise kay Jonathan mula sa kanyang pagbabasa ng isang local magazine ng Santa Barbara na iniabot at ipinakita sa kanya kani-kanina lang ni Manang Hilda.
"Umakyat ka na kaya sa kwarto mo? Para makapagpahinga ka na" ang suhestyon nito sa dalaga.
Saglit na napahinto naman sa pagbabasa si Louise, "Pwede naman, medyo pagod na rin ako eh at saka nangangalay na ang paa ko. Eh ikaw?" ang tanong niya.
"Kakausapin ko pa sina Mang Nelson at Nico. Ipapaalam ko sa kanila ang schedule ng mga pagpunta natin sa bayan" ang sagot ng binata, "I'll see you at dinner later, pahinga ka na" ang paalam niya rito at ini-excuse na rin ang kanyang sarili kay Manang Hilda na noon ay tahimik lamang silang pinagmamasdan.
Ilang sandali pagkatapos umalis ni Jonathan ay natapos na rin ni Louise ang kanyang pagbabasa ng magazine at mahinang napahikab. Mukhang tinatablan na siya ng antok at pagod at tingin niya ay mukhang babagsak na siya mamaya sa kanyang kama.
BINABASA MO ANG
My Love from the Past (2024 Version)
Historical FictionMakikilala pa kaya ng kasalukuyan ang pag-ibig na umusbong sa nakaraan? Matatakasan pa kaya ang gapos ng isang mapanganib at mapaglinlang na pagmamahal na minsan nang nagkait ng buhay, pag-ibig at kalayaan?