KABANATA 3: UN RECUERDO ("The Remembering")

22 1 0
                                    

Andrada Arts & Crafts Mercantile Ltd., Manila, 2018

HINDI alintana ang dami nang mga taong dumadating at nagiikot sa pagtingin ng mga paintings, isang lalaki ang nag-iisang nakatayo sa harapan ng isang obra na may pamagat na "Noche de Luna".

Unang araw pa lamang ng pagbubukas ng ikalawang exhibition na iyon ng Andrada Mercantile para sa taong 2018 - ang "Undying Memories", ay dinagsa na agad ito ng publiko, lalo na ng mga art enthusiasts at media. Tampok ng exhibit na ito ang iba't-ibang uri ng art, paintings at sculptures na nagpapakita ng cherished memories ng mga manlilikha nito - isang paraan sa pagpapahalaga sa isang matamis na alaala na nais na ingatan ng isang tao at sa paglikha nito gamit ang sining ay tila isa itong pamamaraan ng pag-iimortalize ng memory na iyon.

Matamang tinitingnang maigi ng lalaking iyon ang nasabing painting. Simula ng dumating siya ay ang dakong iyon kung saan naroroon ang painting kaagad ang kanyang diretsong tinungo upang tumingin dito. Buhat nga noon ay halos tila napako na siya sa kanyang kinatatayuan. Mamamasid sa mga mata ng lalaking iyon ang maingat nitong pagmamasid sa likha, tila sinisipat maigi ang bawat bahagi nito, at minememorya ang bawat detalyeng kanyang nakikita. Sa tuwi-tuwina ay napapangiti ito at tila namamangha, ngunit madalas ring bumabakas sa mukha nito, lalo na sa kanyang mga mata, ang kuryosidad sa painting kahit pa ilang minuto o ilang oras niya na yata itong pinagmamasdan.

Isang usherette ang magalang na lumapit sa lalaki. Ilang minuto niya na ring itong napapansin; sa katunayan ay nakailang ikot na siya sa lobby at ilang patrons na rin ang kanyang nakakausap ay naroon pa rin sa tapat ng iisang painting na iyon nakatayo ang lalaki. Ninais niya nang puntahan at kausapin ito dahil tila nahihiwagaan siya sa ikinikilos nito.

"Good morning sir. Uhm, may I help you?" ang magalang na tanong nito sa lalaki na sa mga sandaling iyon ay nakatingin pa rin sa painting, at hindi alintana ang paglapit sa kanya ng usherette.

Mga ilang segundo pa ang lumipas ay napatingin na rin ang lalaki at tila nagulat ito na siya pala ang kinakausap ng usherrette.

Nahihiyang napangiti ito sa kanya, "Sorry sir. Kanina ko pa po kasi kayong nakikitang nakatitig sa painting na ito. Kilala niyo po ba yung artist?" ang tanong ng babae na pati siya ay napatingin na rin sa painting at iniisip maigi kung ano nga ba ang kakaiba sa obrang iyon at ganoon na lamang ang interes ng lalaking iyon dito.

Napangiti naman ang lalaki, tila biglang nahiya sa kanyang tinuran. "Actually, hindi eh" ang tugon nitong tila nag-aalinlangan. "Sorry, medyo familiar lang sa akin ang painting na ito, and I'm just looking if I can remember" ang tugon nakangiti ngunit nahihiya pa rin nitong sagot sa kanya.

Napatango naman ang usherrette sa kanyang naging sagot.

"Speaking of the artist, may I know who's work is this? Parang wala yatang nakalagay dito sa description aside sa title?" ang dagdag ng lalaki.

Tumango naman ang usherette at napangiti, "She's one of our new artists sir. Si Ms. Louise Saavedra. And actually, she's right there --" ang tugon ng babae sabay turo sa likuran ng lalaki.

Napalingon naman ito sa kanyang likuran para makita kung sino ang tinutukoy ng staff. Sa umpisa ay hindi niya agad nakita ito ng maayos. Sa dami ng tao sa exhibition na iyon ay panay-panay ang dating at alis ng mga bisita, panay-panay rin ang kanilang paglipat ng pwesto upang makita naman at ma-appreciate ang iba pang paintings. Ngunit sa isang tila pambihirang pagkakataon ay tila dahan-dahang nahawi ang mga tao at tumambad sa kanyang paningin ang babaeng itinuturo ng staff. Ang babae sa likod ng obrang iyon na tila pumukaw sa kanyang imahinasyon at sa hindi niya mawari, ay tila pati na rin sa kanyang puso. Hanggang sa maalala niya ang dahilan. Tama, siya nga iyon, walang duda.

My Love from the Past (2024 Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon