KABANATA 8: LA NUEVA CARA ("The New Face")

21 1 0
                                    

"NO te muevas. Quédate donde estás, senyorita" ("Don't move. Stay where you are, senyorita") ang dinig niyang seryosong sambit ng isang tinig mula sa kanyang likuran.

Tila may kung anong malamig na dumaloy sa likuran ni Louise nang madinig niya ang tinig na iyon mula sa isang lalaki. Nanlalaki ang mga mata niya sa labis na takot habang nakatakip pa rin ang kanang kamay nito sa kanyang bibig.

Bumilis na rin ang kanyang paghinga dahil parang pakiramdam niya ay sa ilang saglit na lang ay mawawalan na siya ng malay. Tila kinakapos ang kanyang hininga at sa kanyang isipan ay lubos na siyang natataranta.

Ngunit sa kabila man nito, tila isang ideya ang biglang rumehistro sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung gagana ngunit kailangan niyang masigurado ang kanyang kaligtasan at makalayo na agad.

Sa ilang segundo ay sinubukan niyang pakalmahin muna ang kanyang sarili, at kasabay ng paghinga ng malalim ay buong lakas niyang kinagat ang kamay nito.

Bahala na.

"ARAAAAAAAAAAYYYYYYYY!" ang dinig niyang sigaw nito at agad na napabitaw sa kanya. Napaatras naman si Louise at napalingon siya sa lalaki.

Nagulat si Louise nang makitang nakadamit ito ng maayos at hindi naman pang-rebelde gaya ng inaasahan niya, at sa kanya pang tingin ay anak mayaman. Matangkad ito at kung hindi lamang namimilipit ngayon sa sakit sa kanyang pagkakakagat sa kamay nito ay alam niyang makisig ito. Mestizo ito at may mapupungay ngunit malalim na mga mata, manipis ang labi at kakikitaan rin ng malalim na dimples sa kaliwang pisngi kapag ngumiti.

Ngunit biglang nabaling ang kanyang atensyon nang makitang may hawak itong riple sa kanyang kaliwang kamay dahilan para mapaatras siya lalo at manumbalik ang takot sa kanyang puso.

"ARAY KO! ANO BANG PROBLEMA MO?!" ang naiinis nitong tanong sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang kanyang kamay at nakita ni Louise na nagsisimula nang mamula ang parte nito na may kagat niya.

Napataas naman ng kilay si Louise. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, tila ito pa ang may ganang magalit sa kanya. Tila panandalian niyang nakalimutan ang kanyang tangkang pagtakas.

"Anong problema ko?!" ang naiinis niyang bulyaw sabay lapit sa lalaki na abala pa rin sa pag-wiwisik ng kanyang kamay para maibsan ang hapdi nito. "Eh ikaw nga itong biglang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko tapos tatanungin mo ako kung anong problema ko?!" ang hindi makapaniwalang dagdag pa ni Louise sa lalaki. Ang kaninang takot na kanyang nararamdaman ay tila napalitan bigla ng pagkainit ng ulo.

Saglit namang napalingon sa kanya ito, "Hindi mo kailangang maging marahas, binibini" ang sagot nito sa kanya, ngunit may bahid pa rin ng pagkainis ang tono nito, "La verdad ("The thruth is...")... ay inililigtas lamang kita" ang dagdag pa nito.

Saglit na naguluhan si Louise sa naging sagot nito, "Ako? Ililigtas mo? Eh parang mula nga dapat sa'yo ako iligtas eh, ano ban--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang makarinig sila ng malakas na putok ng baril sa hindi kalayuan.

"Rápido!" ang tila alertong sambit ng binata sa kanya at itinaas na muli ang kanyang riple, habang hindi naman maikukubli ang namuong takot sa mga mata nito, "Dumito ka sa aking tabi, binibini. Madali, por favor ("please")".

Hindi agad nakakilos si Louise at inakala pa niyang walang katuturan ang sinabi nito ngunit napagtanto niyang seryoso ang binata nang makarinig ulit sila ng magkakasunod na putok ng baril at agad siyang pumuwesto sa likuran nito. Hindi niya alam ano bang nangyayari at anong panganib ang meron ngunit alam ni Louise at napagtanto niyang wala siyang ibang magagawa sa mga sandaling iyon kundi ang magtiwala sa estrangherong ito.

My Love from the Past (2024 Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon