Natapos na ang orientation, pero wala akong maintindihan kase nilipad ni Vhins sa outer space ang utak ko. Pagkatapos niyang magpakilala, wala nakong ibang naisip kundi SIYA! Argh. I hate that he affects me. Hindi naman niya ako inaano pero kung magwala ang puso ko, parang gustong sumabog. Palabas na kami ng building, go with the flow lang ako sa mga kasama ko. Naguusap usap sila pero wala akong maintindihan. Nahuhuli ako ng lakad kase, ewan? Trip ko lang hahahaha
Busy akong mag-isip ng may sumabay saken sa paglalakad.
"Lalim ng iniisip ah?" He said while smiling at me. Napalingon ako agad at namula. Dahell?
"H-ha? H-hindi naman. Iniisip ko lang ang magiging training naten." I said ng nabubulol bulol pa. Mygosh. Di naman halatang tensed ako sa presensiya nya no? Grabi din!
"Hahaha you're an overthinker! Why are you thinking of the training, eh kakatapos lang ng orientation? Come on!" Sabi niya atsaka ginulo ang buhok ko. Tssk!
"Feeling close ka din ano? Wag mo ngang hawakan buhok ko. -_-" I said irritated. Sa lahat ng ayoko e yung ginugulo ang buhok ko e! Kainis.
"Woah. Kalma lang! Sungit naman neto! May utang kapa saken!" He said while hiding his smile.
"Ano?! Anong utang pinagsasabi mo! Ngayon lang kita nakilala tapos utang agad? Hello? Are you insane?" Pagmamaangmaangan ko. Alam ko naman ang tinutukoy niya e. Binayaran pala niya? Or baka pinagtitripan lang ako neto? Bahala siya.
Tumawa siya ng malakas dahilan para mapalingon sina Mame Carla, Mame Shey at si Kath. Damn! Nakakahiya ang lalaking to!
"Oh? Ashley, close pala kayo netong Badboy ng wave naten? Vhins right?" Said Mame Carla.
"H-ha? HINDI AH! Di kame close! Di ko yan kilala mame! Tara na nga po. Adik lang tong isang to kaya tumatawa ng malakas mag-isa." I said sabay hila sa kanilang tatlo. Akala ko titigil na si Vhins sa pangungulit pero bigla ba namang sumigaw ang walangya!
"ASHLEY GONZALES REYES! SAKA MO NA LANG AKO BAYARAN! I WON'T STOP NOT UNTIL YOU PAY YOUR DEBT!"
Oh gosh. Lupa lamunin mo nako! Paglingon ko saka naman ang paglakad ni Vhins palayo samin. Problema ba ng lalaking yon? Kung makaasta e parang tatakbuhan ko siya sa utang ko! Kung hindi rin naman dahil sakanya ay hindi ako magmamadaling umalis ng bar na yun!
"Oh akala ko bang hindi kayo close ni Vhins? Anong utang ang sinasabi niya?" Tanong ni Mame Shey saken.
"May saltik lang po siguro yun mame. Hehehe. San na nga po pala tayo kakain?" Sabi ko para madivert naman ang usapan.
"Yun nga bebe, si Mame Carla mo kasi e may biglaang lakad. Ako naman e, tumawag si mister. Hanap na daw ako ni Bunso. Sorry talaga bebe, pero kelangan na naming umalis e."
"Naku mame shey ok lang po. Kaya ko ng umuwi mag-isa."
"Sigurado ka bebe? Bawi kame sa training naten. My treat." Sabi ni mame Carla.
"Sure mame. Ingat po kayo!"
"Okay. We'll just text you bebe." Sabi ni mame Shey.
So ayun nga, nagpaalam na kame sa isa't isa. Kung hinahanap niyo si Kath, hay nako. Ayun, sinundo nung Bae niya! Haba ng hair!
Pauwi na sana ako ng maisipan kong kumain muna sa Jollibee. Namiss ko bigla ang chicken joy with spaghetti e.
Habang nasa counter ako, naisipan kong itext si Kelvin. Yayain ko na lang siya para may kasama akong kumain.
To Best:
Best! Tapos na orientation namin. Wanna join me? Nandito ako sa jollibee. :)
Ako na ang mag-oorder ng magvibrate ang phone ko. Ang bilis magreply ah? I checked it and nadisappoint ako sa sagot niya.
From Best:
I'm sorry best, I can't go with you. I need to finish my clearance. Enrollment na kase next week. :(
Nagreply agad ako na Okay lang. Haay. Buti pa siya mageenrol. Nalungkot na naman ako sa ideyang iyon. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Nagtake out na lang ako at nagdesisyon ng umuwi.
Haay. Wala na namang tao. Kelan ba ko masasanay? Nagtataka ako kay papa, wala naman siyang work pero lagi siyang wala sa bahay? Hay naku. Hindi naman kase ako yung palatanong na anak e.
Kinain ko na ang tinake out ko at natulog na.. Nagising ako dahil sa panaginip ko! Whaaaaat?! Pati ba naman sa panaginip ko, siya pa din? Ano bang meron sa lalaking yun ha?? Bat ayaw niya ko tantanan!!
Alas-otso palang ng gabi, so I decided to open my facebook. Oh, may nag-add saken? I checked them and saw the name of Mame Carla, Mame shey, and Kath. Pero may isa pang request and di ko alam kung iaaccept ko ba. Vhins Coco kase ang name. Weird. Pero feeling ko siya to. I clicked it pero private ang account. Daaaamn. So inaaccept ko na din. Sayang naman. Dagdag friends din hahaha.
Pagka-accept ko sakanya, biglang nagpop out ang messenger ko. Tiningnan ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang galing kay Vhins Coco ang message.
Vhins Coco: Hi ashley sungit!
Hindi ko alam kung magrereply ba ko sakanya o ano. I decided not to. Inoff ko na ang wifi sabay sinubukang matulog ulit. Gaaad. Nakokonsensya ako. Hindi naman sa assuming ah? Pero natatakot kase ako sakanya. Parang may motibo siya saken e.
I admit na attracted ako sakanya pero it's too early para pansinin ko ang munting pakiramdam na to. And I promised myself not to fall inlove, too soon.
Inopen ko ulit ang facebook ko, magrereply na sana ako but to my dismay ay offline na siya. Well, atleast I replied right?
Vhins Coco: Hi ashley sungit!
Me: Hindi ako masungit! Saltik!So yan! Hindi nako guilty from not replying! :) I logged out and natulog na. Bakit nga ba ko nangingiti? Peste! Tumigil ka malanding utak! Tulooog!!!
BINABASA MO ANG
Almost is NEVER ENOUGH.
RandomFive years had passed, and I can't believe that I am here right now, standing in front of the altar, our altar, where he promised to take me. Ito yung lugar na pinangako niya sakin, dito kami magpapalitan ng wedding vows namen at maga-I Do sa isa't...