Hindi ako mapakali na katabi ko si Vhins ngayon sa shuttle. Ewan. Pero kinakabahan kase ako. Kaloka! Ang tahimik ko tuloy, not so me!
"Ah Lei, ano. Hmm. Aish!" Sabi ni Vhins na parang hirap na hirap sa mga salitang binibigkas niya. Problema ba neto?
"Yes? Ano yun?" Nagtatakang tanong ko.
"Bakit ka nagstop sa pag-aaral?" He asked. Well kahit masakit sa loob ko ang tanong niya, sinagot ko naman. Isipin pa neto bitter ako sa pagstop ko kahit totoo naman. Hahaha
"Wala e. Di na kaya ni papa na pag-aralin ako. Mahal ang tuition brad."
"Sayang naman. Pero, bata ka pa naman Lei. Makakatapos ka rin."
"Alam ko. Kaya nga ko nagwowork e, para makaipon at makatulong kay papa."
"Such a sweet girl you are." Sabay kurot niya sa pisngi ko. Ay peste! Kinilig ako dun ah? Nafeel ko tuloy na namumula ang pisngi ko.
"Yeah. Thanks. Hahaha"
"Ano nga palang course mo? Saang school?"
"BS Psychology sa Holy Guardian University ako."
"HGU? Dun ako naggraduate e! So CASEd student ka pala?" He said amazed.
"Yep. Hehe. Any problem with that?" I asked na mejo nagtataka. So ano meron kung CASEd student ako?
"Alam mo kasi para sakin, dahil graduate ako ng HRM. Ang mga babae sa CHM ay yung tipong ginigirlfriend lang, at ang mga babae sa CASEd ay yung tipong inaasawa." Tuloy tuloy niyang sabi. Napalingon ako sakanya at kita kong seryoso siya sa sinabi niya.
"H-ha? What do you mean? Na pangpast time lang mga babae sa CHM?!" I asked. Masaya ako sa sinabi niya kase CASEd ako, pero kung iisipin nakakaoffend para sa mga CHM student yun no!
"Opinyon ko lang naman yun Lei. Kayo kase yung tipong ideal para makasama habang buhay." He said seriously with his low voice na nakatitig sa mga mata ko. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Bakit parang ang init bigla dito sa shuttle? Nakaopen naman ang aircon ah?
I was left speechless dahil sa sinabi niya. Napatulala na lang ako dahil sa kilig. Biglang nagpatugtog yung driver netong shuttle. Alam mo kung ano ang pinatugtog? Let the LOVE begins.
Ewan ko pero parang damang dama ko yung kanta. Parang may impact saken yung kanta. Haay. I'm overthinking again.
Nagulat ako ng biglang sumabay si Vhins sa tugtog. Lalo akong napaspeechless dahil shet lang! Ang ganda ng boses niya!
Natameme ako lalo ng humarap siya saken habang kumakanta. Feeling ko tuloy hinaharana niya ako. Feelingera ba? Well. Slight hahahaha
Yi. Manong, pweding pakibagalan ang pagdadrive? Ngayong gabi ko naproseso sa utak ko. Ngayong moment na to ko tinanggap sa puso ko na, nakuha ng lalaking to ang atensyon ko. Now I'm sure na HE'S NOT JUST A GUY TO ME. Ngayon ko unang aaminin na, crush ko si Vhins. Damn it!
Ang seryoso pa rin ng mukha niya habang kumakanta at nakatitig sa akin.
Pweding sumigaw? Pwedeng kiligin? Shet na malagkit! Di ko maalis ang titig ko sakanya. Pag di to tumigil sa kakatitig saken hahalikan ko to! Hahahahaha joke! :D
"Oh ano? Nahuhulog ka na din ba saken?" He asked out of nowhere. Nagulat ako sa tanong niya, pero saglit lang kasi. "Tutulo na kasi yang laway mo. HAHAHAHAHAHA" Ay pakyu! Mukhang ngayong gabi ko rin yata babawiin ang mga nararamdaman ko?
"Siraulo kang saltik ka!" I said. Sabay irap ko sakanya. Lumingon nako sa labas para maitago ang pagkapahiya ko. Kainis tong kumag na to!
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa niya. Pakingtape to!
Hanggang sa nakalabas na kami ng shuttle ay hindi ko na pinansin pa si Vhins. Lakas trip ng saltik e! Kikiligin na sana ako sa mga nangyari sa shuttle tapos biglang ganun? So hinuhuli lang pala niya ko. -_-
Padabog ako habang naghihintay ng jeep pauwi samen ng tumabi si Vhins saken, and what he said left me dumbfounded.
"Now I know pano mo babayaran ang utang mo sakin, I WANT YOU TO DATE ME. AND YOU DON'T HAVE ANY CHOICE." And with that, umalis na siya. Ako naman? NGANGA. Bullshit that guy!!!
BINABASA MO ANG
Almost is NEVER ENOUGH.
RandomFive years had passed, and I can't believe that I am here right now, standing in front of the altar, our altar, where he promised to take me. Ito yung lugar na pinangako niya sakin, dito kami magpapalitan ng wedding vows namen at maga-I Do sa isa't...