Nakakainit ng ulo ang saltik na yon! Iseenzone ba naman ako?! Bahala siya sa buhay niya!!
"ASHLEY!!! HINDI KA PA BA BABABA DYAN? NAGHIHINTAY ANG PAGKAIN!!"
"YES PA ANJAN NA!!!"
Aba'y himala, at may kasabay akong kumain ngayon..
"Pa, buti? Wala ka bang lakad ngayon?"
"Wala naman. I just wanna stay here nak. Namimiss ko na din ang bahay..."
"Ahhh... Ako kase pa, aalis e. May lakad kami nina Rhian..."
"Ganun ba nak? Sige. Basta magtext ka lang ok? Wag kang papagabi masyado."
"Opo pa."
"Siya nga pala anak, kamusta naman ang trabaho mo? Nahihirapan ka ba? Kaya mo pa ba?"
"Ayun pa, nakapasa ako sa assessment. Start na ng product training namin sa monday. Masaya naman. Masaya kasama mga kasama ko."
"That's good nak. Atleast I know that you're enjoying. Basta ba, wala munang magboboyfriend, ok?"
"A-ah? Naku pa! Wala talaga!" Shit. Nagulat ako dun ah. Hangga ba naman ngayon bawal pa rin? Haay bahala na nga..
Pagkatapos naming kumain ay umakyat nako sa kwarto ko upang maligo't magbihis. Actually wala naman talaga kaming lakad e, gusto ko lang talaga umalis. Tinext ko na sila kanina, nagconfirm na sina Rhian and Madi pero si Kelvin ay busy daw. Good thing. Girl's talk muna ngayon..
Alas-onse na ng makarating ako sa Northwalk. Sabi nila kanina malapit na daw sila..
Magc-cr na nga lang muna ako... Pagdating ko, may nakita akong pamilyar na mukha. Kaso nagmamadali siya sa paglabas, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas siya sa CR at nagulat ako kung sino ang naghihintay sa kanya sa may labas...
Si Vhins.
Kaya pala familiar siya, siya yung kasama ni Vhins dun sa korean store malapit sa office. Sino kaya siya? Girlfriend niya? Eh bakit ganun? Kung may girlfriend na siya, bakit pa siya nagfiflirt saken? Damn boys!
Nairita ako sa nakita ko. Ang tagal naman kasi nila e! After nung nakita ko sa CR, parang gusto ko nalang kumain ng marami ngayon!
"Myloooooooves!" Napalingon ako sa sumigaw. Walangya talaga tong si Rhian e no? Kung makasigaw parang wala kami sa mall. -_-
"Wow ah! Ang aga niyo masyado para sa SUSUNOD nating gala!"
"Oy oy. Kalma. Sorry na agad. Ang traffic kase e. May naaksidente sa daan." Paliwanag ni Madi.
"Wala akong pake. Time is gold! Tss"
"Init ng ulo mo myloves! Meron ka ba?"
"Oo meron ako! Meron akong nakitang nakapagpainit ng ulo ko!!!"
"Luh? Anyare be? Kwento mo na yan."
"Mamaya na. Gutom nako! Kain na muna tayo." At niyaya ko na sila. Napili naming kumain sa Greenwich. Gusto ko ng Lasagna at Pizza.
"Halatang masakit ang loob mo be. Kulang nalang e, tadtarin mo ng saksak yang pizza mo." Sabi ni Madi.
"Badtrip kase e. May girlfriend na pala siya pero nakikipaglandian pa siya sa iba!"
"Sino ba? Mukhang meron kaming hindi alam ah? Spill it myloves."
"Eh kase girls, naalala niyo nung nagbar ako mag-isa?"
"Yes." Sabay nilang banggit.
"I met a guy dun sa bar na yon. Take note, a HOT guy!"
"Wow HOT? Bakit inaapoy ba siya nang lagnat?"
"Gaga! Hindi ganon. Basta. And then, tinakasan ko siya non kase, natakot ako."
"Oh tapos? Ano namang kinalaman niyan sa kina-iinit ng ulo mo ngayon?"
"Kase that guy, kasama ko siya sa work ngayon."
"WHAAAAAAAT?!" They said in chorus.
"OA niyo ha! Oo nga."
"So this hot guy, is now flirting you?"
"Yes! And he is sending me mixed signals. Minsan ang cold niya, minsan ang sweet niya, minsan ang kulit. He's confusing me."
"Hm! Ang lola mo, mukhang nafall na! You won't be confused if you're not falling for him myloves."
"Well yes, I won't deny the fact that I am falling for him."
"Oh yun naman pala be, so anong problema?"
"Eh kase, I think he has a girlfriend. Nung isang araw kase I saw him with a girl, and also kanina. While I'm waiting for the two of you! I saw "THEM" again."
"What? Ay talaga nga namang nakakainit yan ng ulo!"
"Wala pa ngang kayo, e may babaeng involve na! But wait, have you asked him to confirm?"
"What for girls? Eh it's obvious. Isipin pa niya na curious ako. Duuh mahalata pa niya, nafafall nako sakanya."
"May point ka. But! Never ASSUME unless stated ika nga nila... Malay mo friend lang pala niya."
"I don't think so. Iba ang aura niya nung nakita ko sila nung girl e. He seemed to be inlove."
"Hay nako Ash. Kung ako sayo, magmomove on nako jan!"
"Ay hindi myloves, kung ako sayo wag muna. Confirm mo muna. Malay mo ito na pala ang lovelife na matagal mo ng hinintay!"
"Whatever! Bahala siya. Basta! Let's enjoy this day dahil namiss ko kayong mga bruha kayo!"
"So where are we going now?"
"Tara sa SkyRanch! Gusto ko sumakay sa roller coaster at magsisisigaw don."
"Naks. Ito na ba ang pagmomove on te?"
"Sadnu? Wala pang nagiging kayo, move on agad? HAHAHAHAHAHA"
"Mga siraulo."
BINABASA MO ANG
Almost is NEVER ENOUGH.
RandomFive years had passed, and I can't believe that I am here right now, standing in front of the altar, our altar, where he promised to take me. Ito yung lugar na pinangako niya sakin, dito kami magpapalitan ng wedding vows namen at maga-I Do sa isa't...