Natapos ang weekend ko na magulo ang isipan.
Pagkatapos kasi nung sinabi ni Kelvin nung kumakain kami ay hindi na ako tinantanan ng mga sinabi niya.
After namin kumain ay naglaro lang kaming tatlo ni Sam. Hindi naman siya awkward sakin, kaya inisip ko na lang na hindi ako yung sinasabi niya. At mukhang wala naman sakanya yun kaya hinayaan ko na lang.
At ngayon nga, andito siya sa bahay. Monday ngayon at wala daw siyang pasok, kaya ihahatid nalang daw niya ako. Kasama nga pala niya si Samsam. Nangungulit daw kasi gusto niya raw akong makasama.
"Ate! May work ka daw sabi ni kuya?" Why? Hindi ka na aral? She innocently asked.
"Yep sam. And no, hindi muna. Maybe next year, aral na ulit ako."
"Ganun ba ate? Masaya ba magwork?"
"Uhm. Masaya naman, pero masaya ang aral, kay ikaw aral ka mabuti ok?"
"Opo ate. Come on! Let us go now, I wanna eat na." Hila niya sa akin papunta sa sasakyan. Alas singko palang at mamayang 9 pa ang pasok ko. But it's okay, I have enough sleep and gusto ko ding makabonding itong si sam.
"Alright princess san mo gusto kumain?" Tanong ni Kelvin kay sam, pano kanina pa nangungulit na gutom na daw siya.
"Gusto ko chickenjoy kuya! Ate you want that also, right?" Tanong niya sa akin. Nakakandong siya sakin dito sa frontseat ng sasakyan. Ayaw daw niya sa likuran kaya nagpakandong na lang siya sakin.
"Ok. If that's what you want sam." I said then pinch her cheek.
Andito na kami sa Northwalk. Dito na lang kami kakain para after ay makapaglaro pa itong si sam. Gusto daw kasi niyang mag-iceskating.
Di kami masyado nag-uusap ni Kelvin dahil ang kulit nitong si Sam, gusto niya siya lang kausap ko. Hahaha
Everytime na tinatry niya akong kausapin agad naman nakatingin ng masama sakanya si sam. Hahaha makuha ka sa tingin ang peg.
Nagpahinga lang kami ng saglit after kumain ng magyaya na itong si Sam na magiceskating. Madalas sila dito kaya marunong na sila. Ako naman, never pa kong nakatry kasi, takot akong mahulog at sayang lang ang bayad. Ang mahal kaya. 350, 30 minutes lang.
"Best, wanna try?" Sa wakas at nakapag-usap na din kami. Ayun kasi si sam at nageenjoy na siya magskate.
"Nope. Di ako marunong, alam mo yan. Sayang lang bayad mo."
"I'll teach you how. Come on! Di naman kita pababayaan e. Bilis na best." Pangungumbinsi niya sakin, at sa huli napilit din niya ako kaya eto kami ngayon mukha akong tanga na inaalalayan niya sa gitna ng ring.
"Just balance yourself best. Wag kang kabahan. I'll be here to support you ok?"
Hindi ako makaconcentrate dahil sa pwesto namin! He's at my back hugging me for support. Bakit ba bigla na lang parang nagkakamalisya ako sa mga ginagawa niya sa akin? Damn it!
"Hey! Best, focus ok? Now move. I'll hold you, don't worry."
Tinry ko igalaw ang paa ko, noong una ay hirap na hirap ako pero dahil magaling ang nagtuturo sa akin ay eventually nakakaya ko nang gumalaw mag-isa. Nakaalalay pa rin naman siya sa akin pero mejo lumuluwag na ang hawak niya sa akin.
"Best, I think kaya ko na. I'll try it on my own." Sabi ko nung feeling ko ay kaya ko na mag-isa.
"You sure?" Tanong niya habang binibitawan ako dahan dahan.
"Yes." Sagot ko at tinry na gumalaw ng wala ang hawak niya. I was so happy nung nakagalaw na ako ng walang hawak niya.
I skate as if I'm already a pro, that's how feeling I am. Hahaha. Madali lang pala matuto neto e. Nakakasabay na ako kina Kelvin at sam. Naghabulan pa nga kami na parang mga bata e.
Inaasar ako ni Kelvin kaya hinabol ko siya, at ang ending, nasobrahan ako sa habol at nagkamali ang isa paa ko sa pagskate kaya natumba ako.
Agad naman akong pinuntahan ni Kelvin sa pwesto ko. I see how worried he is. Nilapitan niya ako at nagulat ako nung patayo na sana ako pero bigla niya akong binuhat na parang pangbagong kasal! Damn. Kaya ko naman tumayo e. He doesn't need to carry me like this!
"Best! Ano ka ba! Ayos lang ako. Uy ibaba mo na ako." Tiningnan lang niya ako atsaka nagpatuloy siya sa pagskate habang buhat buhat ako.
Nang makarating na kami sa kung nasaan yung mga gamit namin ay binaba na niya ako sa may upuan at tinanggal na niya yung skaterollers sa paa niya.
Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod at kinuha niya ang mga paa ko at siya na mismo nag-alis sa mga skaterollers sa paa ko.
"Best, kaya ko na yan. Ako na." Pagprotesta ko but he won't just listen to me.
"Ano bang masakit sayo? Nabali ba ankle mo? Masakit ba kamay mo? O ang baywang mo? Ano?" Sunud sunod niyang tanong. Natawa naman ako sa pagiging OA niya! Hahaha
"Ang OA mo best! Ayos lang ako ano ka ba. Walang masakit sa akin ok? Sanay akong mahulog sa sahig ng walang sumasalo sakin. Hahahahaha" pajoke kong sabi.
"Ayos na yung OA basta alam kong ayos ka lang. Ewan ko ba naman sayo, andito naman ako lagi para saluhin ka. Ayaw mo lang." He said then tumalikod na siya at tinawag na si sam. Nagpaprocess pa yung sinabi niya sa akin nung tinawag na niya ako para umalis na.
Hindi ko na namalayan ang oras! I almost forgot na may pasok pa pala ako! Bwiset. 8:00 na at buti na lang ay malapit lang ang Northwalk sa office namin kaya mabilis lang ang ang naging biyahi namin ni Kelvin.
8:30 ay nasa labas nako ng office. Tahimik ako buong biyahe dahil nakatulog na sa likod si Sam. Napagod kakaskate. Hindi ko rin kinikibo si Kelvin dahil baka may sabihin na naman siyang magpapagulo sa isipan ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang bigla siyang magsalita,
"Thanks for tonight best. Nag-enjoy ako. And also si sam."
"Ano ka ba! Thank you for the treat and for the ride!" Sabi ko naman
"No really. You don't know how I treasure our moments together best." He seriously said. Nagulat ako kaya napatingin ako sakanya. Nagpaparamdam ba siya sa akin? I thought we already talked about this?
"Best? B-bakit? We already talked about this right?" I said.
"I know best. I know. I'm trying my very best. Just please let me. I am not forcing you to do the same."
Nagulat ako sa revelation niya. Umamin na siya noon, and sabi ko ay hindi pwede. Ayokong masira ang friendship namin. I don't wanna ruin everything that we have kaya napagkasunduan namin na, wag na lang.
"B-but? Best, why? Akala ko bang ayos na sayo ang ganito?"
"Yes, before. But I don't know now. Hindi ko na kayang itago best. You know that, I love you more than just a friend. And I am not afraid to take this risk. I want us. I promise, I'll wait."
BINABASA MO ANG
Almost is NEVER ENOUGH.
SonstigesFive years had passed, and I can't believe that I am here right now, standing in front of the altar, our altar, where he promised to take me. Ito yung lugar na pinangako niya sakin, dito kami magpapalitan ng wedding vows namen at maga-I Do sa isa't...