Chapter 12

9 0 0
                                    

Hindi agad ako nakakilos dahil sa ginawa ni Vhins. Smack lang yon pero nalasahan ko ang alak sa labi niya. Shit! Ang lambot ng labi niya! Dapat ay nasampal ko na siya sa ginawa niya pero taksil itong mga kamay ko. Hindi ako makakuha ng lakas para sampalin siya.

"S-sorry Lei. I was just..."

"No Vhins. I-i understand. Lasing ka lang kaya mo nagawa yon." Putol ko sa sinasabi niya. Totoo naman diba? Lasing lang siya kaya niya ko hinalikan.

"No Lei. I am not sorry for kissing you. Hell no! Ang ibig kong sabihin ay, sorry dahil nagulat kita sa ginawa ko. I just can't resist your lips. Inaakit nila ako. I'm sorry for being so fast Lei.."

Napatulala ako sa honesty niya. So hindi lang dahil lasing siya kaya niya ako hinalikan? So ginusto rin talaga niya?? Eh bakit ako nangingiti ngayon? Shit naman e! Maiinis dapat ako kase ninakaw niya ang FIRST KISS KO!!!! Eh bakit wala akong makapang inis? Meron man, inis kase bakit saglit lang yung kiss? Ay putek! Naguguluhan nako!

"P-pero bakit Vhins? Why are you doing this? Bakit ka nagpapakita ng motibo para mahulog ako sayo? Baket?"

"Lei... I.."

*beep beep beep!!*

Sabay kaming napalingon ni Vhins sa bumusina. And wow! Just wow Kelvin Chavez! Thank you for ruining this moment! You're just right in time! Peste!

Hindi na naituloy ni Vhins ang dapat niyang sasabihin dahil nagmamadali na si Kelvin. Kanina pa daw kase nag-aalala si papa saken. Kaya hindi na daw ako pwedeng magtagal pa.

Pero paano yung sasabihin ni Vhins?!! Di bale, may monday pa! Sa monday ko na lang siya tatanungin. Nagpaalam nako kay Vhins na ngayon ay hindi ko maintindihan ang aura dahil mukha siyang galit na blanko. Hindi ko na naman siya mabasa...

Tumango lang siya tsaka ginising na ang mga kasama namin, kami naman netong si Kelvin ay sumakay na sa sasakyan niya.

"Your timing is just so right best! Bwiset ka! May sasabihin pa saken si Vhins e! You ruined it." Maktol ko sakanya.

"Wow. Just wow Ash! At sa akin ka pa naiinis ngayon ha? Eh kanina pa nag-aalala sayo si tito, hindi mo man lang ba naiisip yon ha? And who's that guy again? Ngayon palang kayo nagkakilala and I think may gusto ka na sakanya? Great Ash! I'm sorry but I don't think I can trust that guy. Mukha siyang playboy. At kung ano man yang pinagpuputok ng butsi mo jan, someday you'll thank me dahil hindi niya nasabi sayo yan! Wake up ash! He's not good for you!" Tuloy tuloy niyang sabi. I do understand his point pero, kainis kase e! Moment na namin yun ni Vhins!

"You're being so judgemental best! You don't know him!"

"Yes. I don't know him that's why I don't trust him! Stop this nonsense Ash." Banta niya sa akin.

"Blah blah blah. Whatever Kelvin!" And with that nanahimik na ako. Alam ko na tama si Kelvin sa mga sinabi niya. I don't know Vhins really well, pero eto ako ngayon nahuhulog na sakanya. Maybe Kelvin is right, I should stop this non sense, but I have to know Vhins's side first.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe namen ni Kelvin. Nagising lang ako ng maramdaman kong nakahinto na kami.

"Best we're here." Paggising saken ni Kelvin.

"Ah sge best. Pasok ka muna sa loob?"

"No best. I should be going, nagtext na rin si mama e. She's asking kung nasan na raw ako. Pakisabi na lang kay tito na nauna na ako ok?"

"You sure best? Osge. Mag-ingat ka. Pasensya na sa abala best. And I'm sorry sa mga nasabi ko kanina."

"It's okay. Don't mind that. Just remember what I've said, do not trust that guy. I'm warning you."

"Ok ok. Noted po! Osya. Mag-ingat ka. Pakumusta kina tita. Love you best"

"Alright. Love you too ash."

Pumasok nako sa bahay. Bukas ang pinto pero wala namang tao. Pumanhik nako sa room ko, naghilamos at nahiga na sa kama.

Naiisip ko pa rin ang halik ni Vhins. His lips are so soft. I wonder ilang girls na kaya ang nahalikan niya? Does he likes me? Bakit niya ako hinalikan? Or ito ang way niya para kunin ang utang ko sakanya?

Hindi ako makatulog dahil sa kanya. And so I opened my facebook account. Nakablock pa rin ba ako sakanya? I searched his name pero walang lumalabas. Nagdeactivate kaya siya? Bahala na.

Nagtype ako ng status ko...

"Ang tamis ng unang halik.... ❤"

After kong magstatus ay inoff ko na ang wifi at sinubukan kong matulog na. Time checked: 12:45 am! Madaling araw na pero gising na gising pa rin ako!!!!

Nakatulog nga ako pero, sa panaginip ko ay siya pa rin ang laman!

Oh Vhins, you're making me insane!!!!

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa aking mga mata.

"Ash, gising ka jan! Anong oras ka na umuwi kagabi ha? At bakit hindi ka nagtext sa akin? Inabala mo pa tuloy si Kelvin! Wake up!"

Oh great papa. Wala akong choice kundi ang gumising dahil sa ingay ni papa.

"Morning pa. Tumawag po ako kay Ate. I thought she told you.."

"That's not enough Ash. Sana ay nagtext ka pa rin saakin. Alam mo namang nasa trabaho ang ate mo."

"Opo. Next time po. I will."

"Bumaba ka na jan. Nagluto ako ng almusal, sabay na tayong kumain."

"Sige pa. Sunod na po ako..."

Lumabas na si papa sa room ko pero wala pa rin akong ganang bumaba. Haaay. Vhins, bago ako matulog ikaw laman ng isipan ko, pati ba naman ngayong paggising ko ikaw pa rin?

Before ako bumaba, chineck ko muna ang phone ko and my FB account. I opened the notification and SHIT NA MALAGKIT!! 100 likes for my status!! Nagcomment sina Kelvin, Madi, Rhian at ang mga ate ko. And one comment caught my attention!!!! VHINS COCO COMMENTED ON YOUR STATUS!!! SHIIIIT! WALA TONG FB DIBA??

*You liked it? *

Omg! Omg!! Walangya to!!! Wala akong pakialam sa ibang mga nagcomment! Shit shit!!!

I immediately deleted my status and opened my messenger to message him.

*Me: Hoy saltik ka! Pa you liked it you liked it kapa jan! FYI! HINDE HINDE!!

*Vhins Coco: Hmmm. Okay. If that's what you say.. :)

*Me: Abat!! Totoo naman! Feelingero ka!! Hambog! Saltik! Bwiset!!

Seen: 9:25 AM

Ay ang kumag! Sineen lang ako!!!! Grrrr!!!!

Almost is NEVER ENOUGH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon