Chapter 8

13 0 0
                                    

June 1 na. And anong meron sa June 1? START NG TRAINING NAMIN!! Nung saturday lang e orientation namin at mejo naging masaya naman ang weekend ko kasi kasama ko sina Kelvin, Rhian and Madi. They never failed to cheer me up always. And I thank God for giving me them.

Andito nako ngayon sa may shuttle terminal ng company. Napagkasunduan kasi namin nina Mame Carla, Mame shey and kath na dito na magkita kita. 8 am ang training namin at 6:30 am palang ay andito nako. Isang oras kase ang dapat na advance namin para makasakay sa shuttle e.

Hindi ko pa sila makita. Mukhang napaaga na naman ako. Haaay. Kinuha ko nalang ang earphones ko sa bag sabay lagay ko sa tenga ko. Umupo muna ako dito sa may bleachers while waiting for them.

Nakapikit pa ko habang nakikinig ng kanta ng maramdaman kong may tao sa harapan ko. Minulat ko ang aking mga mata ng magulat ako na may gwapong nakangiti sa harapan ko! Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko! One wrong move e mahahalikan na niya ako!

Nang masatisfy siya sa nakuhang reaksyon sa akin ay, inilayo na niya ang mukha niya sabay tawa ng malakas!

"HAHAHAHAHAHAHAHA YOUR FACE! IT'S PRICELESS!" Sabi niya habang tumatawa pa rin! Sino pa nga ba ang gwapong may saltik na gagawa non? Sino pa ba? Edi si VHINS!!!

"AAAAAAARGH! LAKAS TALAGA NG SALTIK MONG LALAKI KA!!!!" I shouted sabay hampas sakanya! Ilag lang siya ilag sa bawat hampas ko.

Nang di ako makuntento ay, hinagis ko ang bottled water na binili ko kanina. Ang bilis kumaripas ng busit sa shuttle! Pasalamat siya mabilis siyang nakaiwas kung hindi ay sapul sana siya!

Hingal pa ko dahil sa ginawa ko nang dumating na sila. Napansin nila ang bad aura ko pero sabi ko wala lang to at umakyat na kame sa shuttle. Nakita kong prenteng prenteng nakaupo sa likuran si Saltik Boy! Nakangisi pa ang walangya!!! Kaasar! Ang gwapo niya pag nakangisi! Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na sa tabi ng bintana. Tumabi naman saken si Kath. Naidlip muna ako sa biyahe.

Nagising ako ng kalabitin nako ni Kath. Ang bilis naman! Kakapikit ko lang e. :(

Bumaba na kami sa shuttle at pumasok sa loob. Voice and Accent training daw namin ngayon. Hindi ang sup namin ang trainor. Richard Marker daw ang name ng VnA trainor namen.

Kinakabahan nako. Wala pang 8 kaya naman hinintay na namin ang mga kasama namin. Nang oras na at nakumpleto na kami, ay nagstart na kami.

He asks us one by one about our name, our talents and our hobbies. Eto na naman e. Magpapakilala na naman. -_- Nagsimula siya sa harapan, good thing is nasa gitna kame naupo. Hindi hassle na una kami at hindi rin pressure na huli kami. Tama lang. Sa gitna.

Nang ako na ang magpapakilala, hindi ko nalang pinansin ang malagkit na tingin sakin ni Vhins. Ang saltik, umupo pala siya sa mismong likuran ko. Kaasar!

"Hi everyone! Again, I'm Ashley. But you can just call me Ash. I can dance but not really. Haha. I love reading books." I said confidently. Mejo hindi nako kinakabahan kase kilala ko na din naman sila...

"Oh books. So what book you've recently read?" Asked Mr. Marker

"I just finished reading Fifty Shades Trilogy, sir." I answered shyly.

"Oh really? So you like erotic books ha?" He teased. Namula naman daw ako dun!

"NO! No sir. Actually I was just curious that's why I read that." I answer in defense.

"Okay. If that's what you say so. Malay mo, makahanap ka din ng Mr. Grey mo! Hahahaha." He joked.

"I hope so." I said pero mahina lang. Hehehe baka marinig nila isipin pa nilang malibog ako hahahaha

"Psh. I hope so, I hope so pang alam.
So mga tipo pala ni Christian Grey ang hanap mo?" Tanong ng asungot na nasa likuran ko. I can hear bitterness sa tinuran niya. Pero nangingibabaw pa rin ang pang-iinis saken.

"What if I say, yes? Paki mo ba?" Pagmamataray ko.

"Well, if that's what you want. I can be your dominant then!" And that sent shiver on me! Damn this guy!

At dahil sa sinabi niya ay nanahimik nako. Baka kung ano pa masabi ko't magkagulo pa kami dito! Kainis. Wala na naman ako sa sarili ko! Natapos na ang first day ng wala akong napala. Paulit ulit kasing nagrereplay ang sinabi ni Vhins kanina!

I can be your dominant then!
I can be your dominant then!
I can be your dominant then!

Ay pesteng dominant ka!! Nakasakay na ko ng shuttle. Nauna akong sumakay kasi kinakabahan ako kay Vhins! Ewan pero kinakabahan ako sa presensya niya!

Uupo na sana sa tabi ko si Kath ng may biglang sumigaw.

"WALANG IBANG TATABI KAY ASHLEY KUNG HINDI AKO!" At sino pa nga bang ang pangahas na sisigaw nun? Edi si Vhins!! Gaaad.

Walang ibang nagawa si kath kung hindi umalis sa tabi ko. At ngiting aso naman ang nakita ko sa pagmumukha ni Vhins ng tumabi siya saken.

"Problema mo ba ha?!" Pagsusungit ko sakanya.

"Wala gusto lang kitang katabi, MY Anastasia. Hahahaha" sabi niya kaya kinurot ko sya sa braso!

"A-aray! Oy tsansing ka ah!" Sabi niya. Aba't tsansing daw!! Sinusubukan talaga ako neto e!

"I AM NOT YOUR ANASTASIA! Saltik ka!" I said na galit na galit. Nakita ko sa mukha niyang mejo nagseryoso at mejo natakot naman daw ako. Abat! Letse to ah. May problema na talaga tong isang to e.

"I'm serious Ashley. I just wanna be your friend. Ash lang ba talaga nickname mo? Can I just call you Lei para unique?" He said. Mejo nagprocess pa sa utak ko ang sinabi niya, kaya tumango na lang ako ng wala sa sarili.

"Yes!! So from now on, ako lang pwede tumawag ng Lei sayo!!" He said happily. And I was like, OMG! Is this real?!

Almost is NEVER ENOUGH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon