Chapter 11

12 0 0
                                    

Balisa akong bumalik sa loob ng office dahil sa sinabi ni Vhins! Tangina niya rin e no? Gusto niya sakanya lang ako mag- I love you?! Baket? Kami ba?!

Nawala sa isip ko na malapit na nga pala ako sa assessment namen.

"Okay let us continue. Twenty four! Be ready, you're the next."

Shems. Ako na. Ako na! Wooooh! Kaya ko to.

"Good morning Ashley. So choose a letter from A-Z and a number from 1-20."

"Good morning. I'll choose A12."

"Alright so here is your question. If you have the power to go back in the past, in what part of your life you want to go back? And why?"

Shit. When I heard the question, unang pumasok sa isip ko ay si mama.
"I wanna go back when I was a child. I want to experience how it feels to be a child again. A child who doesn't have any problem, a child who doesn't mind anything except how to play and enjoy life. A child who has a complete family. I want to feel my mother's touch, my mother's hug, my mother's love once again. I wanna be with her again. I want to tell her how much I love her. How much I treasure her. And how much I care for her. I wanna be a child again, so that I can be with her again." And that's it. Hindi ko na napigil ang luha ko sa pagpatak. How I miss my mom. :(

"Ahhh. That's a very touching answer my dear. I am sure, that wherever your mom is right now, she will be very proud of you. She'll be very proud because you've grown as a very strong young lady."

"Thanks sup." Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Niyakap na ko ni sup pero lalo lang ako naiyak kaya inalalayan niya ako sa paglabas ng room.

Unang bumungad sa akin si Vhins. I saw in his face na worried sya.

"Sup anong nangyare? Bakit umiiyak si Lei?"

"She's okay, Kelvin. Namimiss lang niya ang mom niya. Can you please assist her and get her water."

"Sure sup. Let me have her." Niyakap nako ni Vhins patungo sa upuan ko. Wala akong energy na kumontra dahil sa pag-iyak ko. I found comfort sa pag-aassist nya sa aken. He's just so warm. Pagkaupo ko sa upuan kumuha agad siya ng tubig at ipinainom sa akin. Nung mahimasmasan na ako, saka niya ako kinausap.

"Ayos ka na ba Lei? What happened to your mom?"

"She's with our Creator Vhins."

"I'm sorry to hear that Lei."

"No it's okay. Namimiss ko lang talaga sya."

"I hope you don't mind, pero kelan pa siya namatay Lei?"

"Isang taon na Vhins. Pwede bang wag na nating pag-usapan? Lalo lang ako naiiyak e." Sabay punas ko ng luha ko.

"Yes. I'm sorry Lei. Hindi ko alam."

"It's okay. Thank you."

At nanahimik na ako. Mabuti na lang at hindi na rin nangulit itong si Vhins. Wala akong energy para sabayan siya sa kakulitan niya.

Patapos na ang mga kasamahan namin sa assessment. At iaanounce na yung mga magpoprocreed at yung mga hindi na.

"Okay. I now have the results. And as I call your name, I want you to enter into the trainor's room, okay? Kelvin, Daryl, Carla, Sheralyn, Kath, Kim, Michael, Justine, Francis, and Ashley."

Shems! Kinakabahan ako. Papasa ba kame o babagsak? Pumasok na kame sa room. At nasa likod ko si Vhins so ang ending, katabi ko sya ngayon sa room.

"Guys, I want to welcome you to my team! CONGRATULATIONS GUYS! YOU PASSED!!!"

WHAAAAT?! Nagsigawan kameng lahat dito sa room. Sa sobrang tuwa ko, napayakap ako kay Vhins, and saka ko nalang na realize na awkward nung pati siya ay nakayakap na sa akin ng mahigpit. Sabay pa kaming nahiwalay sa isa't isa ng magtama ang mga mata namin. Shit. Nakakahiya!

"Sorry. Hmm. Congrats Lei."

"Sorry din. Hehe Congrats din Vhins." At umalis nako sa tabi nya para icongratulate ang iba pa naming kasama. Yes! Nakapasa kaming lahat! I am so happy dahil hindi ako magiging loner. :D

Maagang natapos ang assessment namen, and sad to say merong mga hindi pinalad. Dahil malungkot kame para sa mga hindi nakapasa, nagdecide sila na mag-inuman. And, celebration na rin daw sa mga pumasa kaya sumama ako. Kasama naman sina Mame Carla and Mame Shey e.

Napili nila dito sa isang korean restaurant. Sakto mura na, may libreng videoke pa. Ahem. Kung di niyo naitatanong ay isang akong singer. HAHAHAHAHAHAHAHA Feeling singer nga lang.

Nakaupo na kame sa isang long table na pinareserve nila. Halatang suki dito si Daryl dahil kakilala na siya ng mga nagtatrabaho dito. Katabi ko syempre sina Mame Carla at Mame Shey. Nagpaalam muna ako saglit sa kanila kase kailangan ko munang tumawag sa bahay.

"Hello Ate. Malelate ako ng uwi, nagkayayaan kase ang mga kasama ko na magcelebrate."

"Osge. Magtext ka na lang pag pauwi ka na okay? Wag mo masyado pakalate. Mag-aalala si papa. Mag-ingat ka jan. Enjoy."

"Yes ate. I will. Thank you. Pakisabi na lang kay papa ok? Love you."

"I love you too bunso."

Call ended.

Babalik na sana ako sa upuan ng mapansin ko si Vhins na may kausap sa phone. Mukha siyang inis sa kausap niya. Binaba niya na ang phone niya. Hindi ko na dapat siya papansinin pero tinawag niya ako. Lumapit ako kung nasaan siya.

"Sino kausap mo Vhins?"

"Ah wala to. Barkada ko lang. Nagyayayang maginuman, sabi ko di ako pwede. Eh ikaw? Sino tinawagan mo?"

"Ganun ba. Tumawag ako sa bahay. Nagpaalam ako na malelate ako ng uwi."

"Good. Tara na. Balik na tayo dun." Inakbayan niya ako habang pabalik kami sa pwesto namin. Di ko mapigilan ang ngiti ko. Shit to.

Pagbalik namen sa mesa namin, iba ang tingin sa amin ng mga kasama namin. Lalo na sina Mame Carla at Mame Shey. Yung ngiti nila, ngiting tagumpay.

"San kayo galing bebe? At ang lapad ng ngiti niyong dalawa ha?" Usisa ni Mame Carla.

"Nakasalubong ko lang po siya. Diba po, tumawag ako sa bahay? Ayun. May tumawag din pala sakanya kaya nagkasabay kame sa pagpasok."

"At bakit mayroong akbayan na naganap ha?"

"Naku! Kayo talaga mame! Wala lang po yun."

"Asus! Pero ang ngiti mo bebe iba, ngiti ng kinikilig yan!"

"Yiii mame. Hindi naman e!"

"Osya na. Sabi mo e. Umorder na kami ng pagkain at iinumin mo. Hanggang juice ka lang ok?"

"Opo mame."

Natapos ang inuman nila ng mage-eleven na ng gabi. Kanina pa tumatawag si Kelvin saken, nag-aalala na daw kase si papa. Sabi ko sakanya na, sunduin na lang nya ako dito, umoo naman siya at panigurado nagbibyahe na yun papunta dito.

Lasing na halos sila, nauna na ring umalis kanina sina Mame Carla and Mame Shey. Ipinagkatiwala nila ako kay Vhins na ngayon ay bangag na. Nakadami sya ng inom niya at kanina pa niya ako kinukulit. Ang dami niyang tanong, ako naman sagot ng sagot.

"Lei lei. Di ka pa uuwi?" Ayan na naman siya sa tanong niyang yan.

"Hindi pa po. Hinihintay ko pa po ang sundo ko."

"Ahhh sino magsusundo sayo? Boyfriend mo?"

"Wala nga akong boyfriend... Ang kulit mo Vhins."

"Ahhhhh mabuti naman. Dapat nga wala kang boyfriend. H-hintayin mo ko ha?"

"Ha? Anong hintayin? Bakit kita hihintayin?" Biglang naging seryoso ang mukha niya. Kung kanina ay lasing na lasing siya ngayon parang biglang nawala ang lasing niya. Lasing ba talaga to o nagpapanggap lang?

"Hintayin mo kong maging ready. Hintayin mo ko hanggang sa kaya ko ng magmahal ulit." Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya akong hinalikan... Sa labi!

Almost is NEVER ENOUGH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon