Dumeretso ako sa Kuwartong tinutulungan ko para kunin ang Bag ko. Kagabi ko pa hinanda ang mga gamit ko. Wala naman akong gaanong damit andito lang naman ako sa Condo ni Enrico ng buong isang taon. Bawal akong lumabas Kasi nakakahiya daw ako. Kahit magulang ko itinakwil na ako. Hindi ko din naman ginustong maging ganito ang lahat. Bigla na lang naging magulo ang lahat nung mapagkamalan ako ni Enrico bilang si Gwen. At nangyari na ang dapat mangyari. Tanging si Tita Greta na lang ang malalapitan ko ngayon.
Lumabas ako ng Kuwarto saka ako nagtungo sa kusina. Para kumuha nang konteng biskwit at tubig para kahit pano may makain ako sa biyahe. Nagulat pa ako pagharap ko. Si Enrico nasa likod ko.
Bigla akong nagbaba nang tingin.
"Ano k-kasi kumuha lang ako ng konte baon ko." hindi ito sumagot may inilapag lang siya sa ibabaw ng kitchen counter. Nakasobre yon.
"Kunin mo para kahit pano may pera ka.". malamig na sambit nito. Sabagay kahit kelan naman malamig ang pakikitungo nito sa akin.
"Hindi na. Pinagdalhan ako ni Tita ng Pera para maka-uwe ako ng Probinsiya." habang nakatitig sa sahig. Kahit kelan hindi ako tumingin sa kanya ng deretso.
"Bakit sa Probinsya? Bakit hindi sa mga magulang mo? Bakit itinakwil ka na ba nila dahil nakakahiya ka?". alam kong iniinsulto na naman niya ako pero nasanay na ako. Isang taon ba naman na laging ganito na lang siya sa akin.
Tumango ako. "Oo. Kahihiyan Kasi ako. Saka isa pa hindi naman kasi ako lumaki sa kanila. Kaya ayos lang kung ayaw na nila sa akin... Ganon naman talaga e. Ay baka makalimutan ko.". saka ko tinanggal ang Wedding Ring na suot ko at nilagay yon sa ibabaw ng Sobre.
"Salamat sa pagpapahiram sa akin niyan. Wag kang mag-alala hindi mo na ako makikita pa. Salamat uli. Sige. Alis na ako."
Nakayuko lang ako hanggang makalabas ako ng Unit nito. Takot ako sa elevator kaya naghagdan na lamang ako. Hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko... kahit pano masakit... si Enrico kasi ang unang lalake sa Buhay ko. Kaya ang hirap tanggapin na hindi man lang niya ako pinahalagahan. Talagang pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kamalas sa pagpapakasal ko sa kanya.
Nakalabas na ako ng Building ng Condo Unit nito. Huminga ako ng malalim. Malaya na ako…
Sumakay ako ng Jeep papuntang Silver moon Bus Station. Doon ako sasakay ng biyahe pauwing Leyte. Huminga ako ng malalim. Magsisimula uli ako sa umpisa. Gaya dati ako lang at walang iba.
Sinilip ko ang laman nang plastik na dala ko. Dalawang maliit na Mineral water at ilang pirasong biskwit ang baon ko. Pwede na tutal may sobra pa naman sa pinadala ni Tita Greta. Masaya akong uuwi sa Probinsya masgusto ko doon kesa kina Mama at Papa wala namang ibang maging sa kanila kundi si Gwen ang bunso kong Kapatid.
"Manong para po." saka ako bumaba sa mismong tapat ng Bus Station. Pumila ako sa bilihan ng ticket." napangiti ako kasi malaki pa ang sobra sa pinadala ni Tita Greta.
Medyo nagugutom na ako. Bumili namlamang ako ng Ang pirasong Nilagang itlog saka dagdag na tubig. Saka ko hinanap ang Bus na nakasat sa ticket ko.
Madali ko naman itong nakita. Ordinary Bus lang kaya mura. Umupo ako sa tapat ng bintana. Saka ako nag-umpisang kumain ng Nilagang itlog.
Ilang minuto pa at nagtawag na Ang Konduktor sa mga Pasahero para sumakay na ng Bus. Agad na napuno ang Bus saka kami lumarga paalis.
Naka-ilang buntong hininga ako. Naaalala ko kasi lahat ng mga nangyari sa loob ng Isang taon. Kahit paano natutunan ko din siyang mahalin. Pero ganito Pala talaga kapag Hindi ka gusto ng tao. Sa bandang huli itatapon ka na lang nila. Tahimik akong umiyak. Ngayon lang to. Sa susunod hindi na ako iiyak. Kasi hindi na ako papayag na may tatapak sa pagkatao ko.
Malayo layo na din ang tinatakbo ng Bus. Medyo malamig na din ang hangin kaya kinuha ko ang nag-iisang jacket na meron ako. Galing pa itong jacket ko kay Tita Greta. Ang naaalala ko binigay pa daw ito ng kababata niya bago daw ito pumuntang Amerika para mag-aral ng Medisina. Ang yaman siguro nang kababatang iyon ni Tita Kasi mahal mag-aral sa Amerika at Medisina pa ang kinuha nito.
Nalungkot ako bigla nang maalala kong Care giver nga lang pala ang tinapos ko vocational course lang yon. Ang swerte ni Gwen kasi lahat ng gusto niya binigay nina Mama at Papa. Samantalang ako binigay nila ako kay Tita Greta. Di bale ayos lang.
Nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako. Ah. Baka dahil wala ng magliilinis ng Unit ko at wala nang magtitimpla ng kape ko at magluluto. Pero andyan pa naman si Gwen. Siya talaga ang mahal ko at hindi si Lorena. Nagkataon lang na lasing ako kaya nangyari yon. Buti na lang Hindi siya nagdalang tao dahil hinding hindi ko matatanggap na magkakaroon ako ng Anak sa kanya!
Kinuha ko ang cellphone ko saka ko napansin ang lumang cellphone na ibinigay ko kay Lorena. Baka sinadya niyang iiwan yon. Kinuha ko yon saka ko tinignan ang laman.
Meron siyang mga unsent messages. Binasa ko iyon. Dalawang buwang kasal pa lang kami nung ginawa niya ang message na yon pero hindi niya sinend sa akin.
Unsent : May. 05. 2021
Enrico uwe ka nang maaga please... dinugo ako.Dinugo siya? Ibig sabihin may nabuo? Pero hindi niya sinabi sa akin. Kaya pala tahimik lang siya pag-uwe ko. Siguro alam din naman niyang hindi ko siya aasikasuhin kaya tiniis na lamang niya ang sakit.
Bahagya akong napalingon sa hawak kong papel. Parang nakokonsensya ako sa mga pinaggagagawa ko. Pero huli na. Siguradong napakalayo na niya. Saka si Gwen talaga ang mahal ko. Tama si Gwen at Hindi si Lorena!
ANG TAHIMIK NA NANG UNIT KO. Wala ng nag-aantay sa pag-uwe ko simula ngayong araw. Bukas na bukas ipa-file ko na itong Divorce papers. Masaya ako. Pero bakit parang malulungkot ako. Dapat masaya ako
BINABASA MO ANG
Sa tuwing Umuulan
RomancePROLOGUE "Kapag ba pumirma ako sa Divorce papers magiging masaya ka ba. Enrico?" pigil ko ang mga luha ko. Ayoko na kasing umiyak pa. Nakakapagod na din. "Oo. Hindi ka naman nabuntis diba. Isa pa nagkataon lang ang lahat dahil las...