CHAPTER SEVEN

84 10 0
                                    

Tatlong linggo ang lumipas simula ng mag-umpisa akong magtrabaho. Medyo nagagamayan ko na ang daily routine ko kaso pakiramdam ko nataba ako. Saka Lage akong gutom at ang malupet pa Isang Linggo na akong delay! Ano to? Buntis na naman ba ako? God! Anong gagawin ko kung totoo ngang buntis ako? Hindi ako pwedeng magtrabaho kapag Malaki na ang tiyan ko. Napaupo ako sa kutson na hinihigaan ko. Kailangan kong makaisip agad ng solusyon!

         Kinuha ko ang wallet ko. Konte na lang ang Pera ko at sa isang Linggo pa ang sahod ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa stress! A-ano nang gagawin ko? Bigal kong naisip ang Bank Account ko... kaso ayaw kong gamitin yon. Galit ako kay Agusto...

        Tinitigan ko nang matagal ang cellphone ko. Tingin ko uuwe na lang ako kay Tita Greta pagkatapos ng Kasal ni Gwen. Siguro naman tatanggapin ako ni Tita Greta... p-pero anong sasabihin ko.
       
          Bahala na. Pag-uwe ko saka ko na lang iisipin ang mga dapat kong gawin. Dapat makasigurado ako kaya bibili ako ng Pregnancy test. Tama! Sakto at day off ko ngayon!

"SAAN KA PUPUNTA ENRICO?"  tanong ni Gwen matapos ko itong gawaran ng halik.

        "May mga ka-meeting ako ngayon---"

        "Anong oras ka naman uuwe?"

        Natawa ako. "Babe? Pinagdududahan mo ba ako?"

        Hinimas nito ang tiyan. "Nagawa mo na dati kay ate Lorena kaya magagawa mo din sa akin. Saka ipapaalala ko lang sayo na malapit ka nang maging Daddy. Kung may kinalolokohan kang iba ang mabuti pa ay tumigil na kayo. Iba ako sa ate ko. Enrico!"  hasik nito.

         Tipid akong ngumiti sa kanya bago ako umalis. Tama siya iba nga siya sa ate niya. Gwen is capable of doing this that is in understandable sometimes pero doon ko siya nagustuhan sa ugali niyang yon. Yung tipong palaban at wild.

TAPOS NA AKONG mamili nang mga mangangata ko na biskwit at tinapay. Isa na lang ang kulang ang Pregnancy test.

         Pumasok ako sa Isang Drug store. Nakita ko din naman agad ang pakay ko. Kinuha ko ang isa saka ko iyon binasa.

        "Buntis ka?". nagulat ako sa boses na yon kaya agad akong napaharap dito.

        Maang akong napatitig na lamang sa nagsalita. Itinago ko sa likod ko ang hawak kong pregnancy test.

         Tinitigan ako nito ng maige saka ngumiti? Ayos ah. Dati ni hindi niya ako kinakausap tapos ngayon bigla na lamang siyang susulpot at ngingitian pa ako. Nananadya ba talaga siya.

         Tinaasan ko ito ng Isang kilay.

        "O e ano naman sayo kung buntis ako? Saka kung pwede lang Enrico tantanan mo nga ako. Tandaan mong ikakasal ka na sa kapatid ko kaya kung may konte ka pang hiya umayos ka!"  sermon ko dito saka ako tumalikod at humakbang.

        "Lorena.". bigla nitong kinabig ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglakad ko.

          Hinarap ko ito saka ko binawi ang braso ko. 

          "Anong problema mo Enrico?"  mahinang sambit ko ayaw kong mag umpisa ng iskandalo Lalo at nasa pampublikong Lugar kami.

         "I-ikaw ang problema ko."  mahinang sagot nito habang titig na titig sa akin.

         "Ako?". turo ko sa sarili ko sabay tawa ng mahina.   "Naka-drugs ka ba Enrico? Diba matagal na akong pumirma sa Divorce papers? Kaya kung pwede lang tantanan mo ako. Hindi ko kelangan nang asong buntot ng buntot sa akin!"  medyo mataas na ang boses ko kaya bahagyang may sumusulyap sa gawi namin.

Sa tuwing Umuulan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon