Sumama ako kay Agusto pauwe ng Leyte. Tinatawagan ko si Tita Greta pero hindi siya nasagot. Kinakabahan tuloy ako. Nakatawid na kami ng Bicol. Inalalayan ako ni Agusto hanggang marating namin ang Kotse niya. Isa-isang lumabas ang mga sasakyan na nasa loob ng RoRo. Nasa pinakasulok kami. Buti at Aircon ang Sasakyan namin kasi kung hindi magmukha kaming uling ni Agusto. Natawa ako nung umusok na Ang tambutyo ng Bus na nasa unahan namin. Ang itim kasi ng usok. Kaya natawa din si Agusto.
Oras na para kami naman ang umandar. Buti at tinted ang salamin ng Kotseng sinasakyan namin. Nakakahiya kasi pinagtitinginan kami ng mga tao. Sigurado akong nagagandahan Sila sa Kotseng dala ni Agusto.
Dahang dahang pinaandar nito ang Kotse hanggang makatawid na kami sa Pier saka na niya pinaharurot ito palayo.
TAHIMIK ANG BAHAY NI TITA GRETA. Kinabahan ako bigla pero naglaho yon nang hawakan ni Agusto ang mga kamay ko.
"Tara. Ako unang lalabas. Wag kang mag-alala kakausapin ko si Greta. Sasabihin kong may Relasyon tayo." isang determinadong ngiti ang pinukol nito sa akin bago siya tuluyang lumabas ng Sasakyan.
Umikot ito sa gawi ko saka nito binuksan ang pinto at inilahad ang kanyang kamay. Inabot ko ang kamay nitong nakalahad saka ako ngumiti sa kanya. Siguro si Agusto na ang inaantay ko.
"L-Lorena!". tawag sa akin ni Tita Greta.
Nakangiti si Tita kaya agad akong lumapit sa kanya. Kasunod ko naman si Agusto. Isang makahulugang tingin ang pinukol Dito ni Tita Greta.
"Ang pamangkin kong maganda umuwi na din sa wakas!" biglang umiyak si Tita.
Takang napatitig ako sa kanya. Saka ko lang napansin na may kasama siya sa loob ng Bahay si Mama at si Tito.
Napaatras ako. Lalo ng biglang sumugod si Mama saka ako sinabunutan.
Umawat si Tita at si Agusto. Prinotektahan nila akong dalawa. Napayakap ako kay Agusto. Sige ang iyak ko.
"Ate! Ano ka ba!? Bakit ginawa mo yon! Ang sabi mo kakausapin mo lang ang pamangkin ko tungkol kay Agusto!". sigaw ni Tita.
"Wag na wag mo akong masigaw sigawan Greta! Konsentidor ka! Kaya pumatol yang Anak ko sa Kababata mo na halos Tatay na niya ang edad!" angil ni Mama.
"Wow! Ate! Look who's talking? Wag kang magmalinis! Kaya ka iniwan ng Tatay ni Lorena dahil may Pamilya na yung tao pero nilandi mo! At di-hamak naman na masmatanda yon kay Agusto! Akala mo kasi magugustuhan ka! Kaya lahat ng galit mo si Lorena ang sumalo---"
Isang malakas na sampal ang umalingawngaw... sinampal ni Mama si Tita... si Tita na siyang nagpalake at nag-alaga sa akin... silang dalawa ni Agusto.
Nagdilim ang paningin ko kaya sinugod ko si Mama. Tinulak ko ito dahilan para mawalan siya ng balanse kaya pa-upo itong natumba sa damuhan.
"Wala kang utang na loob!". sigaw ni Tito. Isang malakas na sampal din ang inabot ko.
Narinig ko ang pagsigaw ni Agusto.
"M-mama b-buntis po ako... at si Agusto ang A-ama...." pagkasabi nun ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Babagsak ako pero may sumalo sa akin. Si Agusto... Lage siyang dumadating para sa saklolo ko... May sinasabi siya pero hindi ko na marinig hanggang sa nagdilim na lahat.
"LORENA!!!!!". sigaw ko. Buntis siya! Magiging Daddy na ako!
"Agusto! Dinugo si Lorena!" tili ni Greta.
BINABASA MO ANG
Sa tuwing Umuulan
Storie d'amorePROLOGUE "Kapag ba pumirma ako sa Divorce papers magiging masaya ka ba. Enrico?" pigil ko ang mga luha ko. Ayoko na kasing umiyak pa. Nakakapagod na din. "Oo. Hindi ka naman nabuntis diba. Isa pa nagkataon lang ang lahat dahil las...