"Lorena wag kang kakabahan ha. Ako ang magiging Doktor mo okay." kinakalma ko siya bago ko siya tirukan ng Anistiya.
Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko ko. "A-Agusto... Baka mahiwa mo sila.... Magdahan dahan ka ha."
Napangiti ako kahit nahihirapan na siya kaligtasan pa rin Ng mga Anak namin ang nasa isip niya.
Hinagkan ko siya sa labi. "Wag kang mag-alala okay. Mahal na Mahal ko kayo. Hindi ako papayag na may mangyari sa inyo. Okay."
"Okay."
Saka ko itinurok sa spinal cord ni Lorena ang suwero na magsisilbing container ng Anistiya. Maya Maya pa ay nakatulog na si Lorena.
Ako mismo ang humiwa sa tiyan nang Asawa ko. Hindi ko maiwasang maluha ng makita ko ang Apat na Baby. Sobra sobra ang ibinigay na kaligayahan sa akin ni Lorena hindi lang Isa o dalawa kundi Apat na malulusog na Sanggol.
Isa isa ko silang kinuha mula sa sinakupunan ng Mommy nila. Agad silang nilinis ng mga Nurse at Doktor. Habang ako maayos kong ibinalik sa dati ang hiniwa kong balat at laman nito.
Ako din ang naglinis kay Lorena at ako rin ang naglagay ng belt niya at diaper. Ayokong may ibang humawak sa katawan niya gusto ko ako lang!
Inilipat ko mismo sa VIP room si Lorena. Maya Maya pa ay pumasok ang Apat na Nurse at bitbit nila ang mga Anak ko.
Isa isa ko silang inilapag sa pinalagay kong extrang kama saka ko sila niyakap lahat.
"Mahal namin kayo. Tulog pa si Mommy e. Kaya si Daddy na lang muna ang magbantay sa inyo.
***
AFTER SEVEN YEARS
Pagod na pagod ako sa pakikipaglaro sa mga Anak ko. Medyo tumatanda na kasi talaga ako hindi gaya ng Mommy nila na pausbong pa lang ang kagandahan kaya hindi ko maiwasang magselos sa mga kakilala kong humahanga sa Ganda ni Lorena.
Aaminin kong Lalo siyang gumaganda habang nagkakaedad.
Iniwan ko munang naglalaro ang Quadruplets namin at nagmamadali akong lumapit sa kinaroroonan ng Mommy nila.
Nagulat pa si Lorena ng yakapin ko siya mula sa likuran.
"Agusto?!". natatawang saway nito.
Yumuko ako at inamoy ang buhok nito. "Ang bango mo.... Baka pwedeng makahirit kahit ngayon lang uli Mommy Ang tagal na din Kasi e."
Tinulak ako ni Lorena saka ito humakbang palayo sa akin. Nakaramdam ako ng Galit... baka dahil matanda na ako kaya ayaw na niya sa akin---
"Agusto. Maliligo lang ako. Magtawag ka ng magbantay sa mga Bata. In 5minutes at wala ka pa sa Kuwarto Wala ng another chance."
Saka ito ngumiti ng malagkit. Wow nag-init ako! Ramdam kong nabuhay si junior.
"Kids! Sina Yaya na muna magbantay sa inyo ha may pag-uusapan lang kami ni Mommy.". paalam ko.
"Okay Daddy!" sabay sabay nilang sagot.
PAGBUKAS KO NG KUWARTO naroon na si Lorena at nakabalot ng kumot ang katawan. Lumapit ako at marahang inalis ang kumot.
Kahit kelan hindi ako magsasawang purihin ang kagandahan ng Asawa ko.
Ilang oras din ang tinagal nang marating namin ang Langit. At naroon pa din si San Pedro namiss daw niya kami.
"Mahal kita Agusto. Kahit matanda ka na hinding hindi kita ipagpapalit.". niyakap niya ako habang isinisiksik sa dibdib ko ang mukha niya.
Hinaplos ko ang buhok ni Lorena.
Salamat sayo Lord dahil ibinigay mo siya sa akin.
THE END
-------------------------------------------
Salamat po sa pagbasa at pagtangkilik!
You are all the BEST READERS napagtiyagaan nyo uling basahin Ang gawa ko.Una konitong sinulat sa WRAWR Wattpad Readers And Writers Realm Facebook group
Date Completed on WRAWR : June. 23. 2022
Date Completed in Wattpad : July.27.2024
Salamat po uli.
chan zee😁😁😁
BINABASA MO ANG
Sa tuwing Umuulan
RomancePROLOGUE "Kapag ba pumirma ako sa Divorce papers magiging masaya ka ba. Enrico?" pigil ko ang mga luha ko. Ayoko na kasing umiyak pa. Nakakapagod na din. "Oo. Hindi ka naman nabuntis diba. Isa pa nagkataon lang ang lahat dahil las...