Wow at long last! Tapos ng ang siestas ni Agusto! Makakapagpahinga na din ako. Nagbalikan ng ang mga Kasambahay niya kaya medyo malungkot si Tatang pano hindi na daw siya makakanakaw ng halik sakin kasi maririnig daw kami ng mga tauhan niya. At dahil dun ang saya ko! Diyos ko Isang Linggo din yon ah hindi niya ako tinatantanan. Gusto daw kasi niyang magkaBaby daw uli kami.
"Ano yang dala mo?" tanong ko pagbaba ko sa kusina.
"Picnic basket." sagot ni Agusto.
"Para saan?"
Tumingin ito sa akin. "Maliligo po tayo sa dagat. Sa beach house ko." sabay ngiti nito.
"Ay ganun?! Pwede bang hindi ako sumama? Hindi kasi ako marunong lumangoy."
Tumigil nito ang ginagawang sandwich saka lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa bewang ko sa hinagkan sa noo at bahagya pa siyang yumuko.
"Walang tao sa beach house Baby... Pwede tayo dun ng one week." bulong nito sa tenga ko.
Hinampas ko ito saka bahagyang tinulak. "Ano ka ba naman! Ganadong ganado ka ata?! May iniinum ka ba?"
Tumawa ito ng malakas. So Meron nga! Inginuso nito ang kitchen cabinet kaya binuksan ko iyon kahit maliit ako pinilit ko iyong maabot. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ang dami naman ata nito! Agusto! Ano bang akala mo sa akin ha!?" pinamewangan ko ito.
Ngumisi ito. "S*x Slave!"
"Agusto!" inis kong sigaw sa pangalan nito.
Niyakap niya ako saka isinara ang cabinet. "Joke lang. Pahinga mo ngayon kasi naisip ko na dapat may day off ka kahit isang araw."
"Agusto naman eh! Isusumbong na kita Kay Tita Greta!" nagtatatadyak ako.
"Joke again. Sige na maligo ka na tapos kahit wag ka nang magdamit okay lang."
Tinitigan ko ito ng masama kaya nanahimik. Naku. Matutuyuan ako ng dugo sa matandang to ah! Pasalamat siya at mahal ko siya.
ANG GANDA SA BEACH HOUSE kaso bawal pa daw ako pumasok sa loob kasi magulo pa daw aayusin pa niya kaya sa cottage muna ako.
"O. Dito ka lang Baby ha. Kung gusto mo lumangoy pwede naman Basta wag sa malalim ha. Aayusin ko lang sa loob nakakahiya naman sayo eh."
"Sige." iniwan nito ang picnic basket.
Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad patungo sa direksyon ng beach house. Masarap talaga ang hangin sa dagat presko at nakaka-antok.
Hinubad ko ang suot kong bistida at ipinatong iyon sa mesang yari sa kawayang. Iniwan ko din sa cottage ang tsinelas ko saka ako naglakad patungo sa dalampasigan.
Pinagmamasdan ko lamang si Lorena. Talagang napakaganda niya.
"Sir. Aayusin na po namin ang lahat."
"Okay. Gusto ko maging maganda ang kalalabasan ha. Yung tipong simple pero madating gaya ng Babaeng pakakasalan ko.
Dapit hapon na nang puntahan ko si Lorena sa Cottage.
"Tapos ka na mag-ayos ng beach house mo?" bilog na bilog ang mga matang nakatitig ito sa akin. Halatang excited siyang makita ang loob ng beach house namin.
Tumango ako saka ko siya nilagyan ng balabal medyo mahamog na kasi. Marahan kaming naglakad papasok ng beach house.
"Wow! Ang ganda! Naman pala ng loob nito. Talagang ang yaman mo no." pinagmamasdan ko lang ang reaksyon niya. Gaya ng inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
Sa tuwing Umuulan
RomancePROLOGUE "Kapag ba pumirma ako sa Divorce papers magiging masaya ka ba. Enrico?" pigil ko ang mga luha ko. Ayoko na kasing umiyak pa. Nakakapagod na din. "Oo. Hindi ka naman nabuntis diba. Isa pa nagkataon lang ang lahat dahil las...