Mabilis ang naging biyahe ko. Heto ako ngayon at naglalakad wala kasing masakyan na habal habal medyo may kalayuan pa naman ang Bahay ni Tita Greta.
Huminto muna ako saka umupo sa isang Purok. Medyo mainit na kaya tinanggal ko na ang suot kong Jacket. Napatingin ako sa dumaang Kotse. Ang kintab kasi at mukhang mayaman ang may-ari nun.
"Robert. Sino ang Babaeng yon?". tanong ko habang titig na titig sa magandang Babaeng nakaupo sa Purok. Simple lang ito pero napakalakas ng dating.
Sinulyapan nito ang tinutukoy ko. "Ah. Pamangkin po siya ni Aling Greta. Sir."
"Pamangkin siya ni Greta?" ulit ko.
"Opo. Baka magbabakasyon lang Yan kasi ang alam ko ho e kasal na po Yan." dagdag nito na nagpa-init ng ulo ko
May napansin akong hawak nito. Ang Jacket ko na ibinigay ko kay Greta noong mga Bata pa kami. Nakaramdam ako ng panghihinayang. May Asawa na pala. Pero wala akong nagustuhan na hindi ko nakukuha! At Isa siya sa mga gusto ko at makukuha ko siya sa ayaw niya at sa gusto!
Kinuha ko ang natitira kong tubig saka ako uminum at nagpatuloy sa paglalakad. Exercise na din ito. Wow talagang namiss ko ang Lugar na ito higit sa lahat namiss ko si Tita Greta!
Ilang oras na din ako sa kakalakad talagang malayo layo pa ang Bahay ng Tita ko at wala ding dumadaan na habal habal. Ang swerte ko talaga!
Umupo muna uli ako sa tabi ng Daan napagod na kasi ako. May napansin akong parating na sasakyan. Paparahin ko sana iyon kaso bigla akong natigilan . Yon kasi yung makintab na kotse kanina lang. Wow iba talaga basta mayaman. Tumayo na uli ako at naglakad. Nagulat ako ng bigla itong huminto nang medyo malapit na ito sa akin. Saka bumukas ang bintana ng passengers seat. May sumilip doon nakasuot ito ng Polo Barong. Baka driver siya.
"Miss! Diba ikaw yung pamangkin ni Greta Ignacio?" nakangiting tanong nito sa akin.
Ngumiti din ako. "Ako nga ho. Bakit po?"
"Sakay ka na! Idadaan ka na namin doon sa Bahay ng Tita mo.". mukha naman itong mabait at Isa pa gutom na din ako para maglakad pa nang pagkalayo layo.
Napangiti ako ng sobra!
"Salamat po!" tumapat ako sa passengers seat kaso hindi niya ako pinagbuksan.
"Sa likod ka umupo. Tabihan mo si Don Agusto.". nakangiting saad nito.
"Po?"
Bumukas ang pinto sa backseat kaya pumunta ako doon saka ako sumilip. May Isang medyo may edad na na lalake ang nakaupo doon tingin ko halos kaedaran ito ni Tita Greta. Ni hindi ako nilingon nito kaya nakakahiyang tumabi dito. Isa pa Amoy pawis na din ako.
"Sakay na Miss. Mabait yang si Don Agusto. Hindi naman siya nangangagat."
Natawa ako sa sinabi nito saka ako muling bumaling ng tingin sa lalakeng nakaupo sa backseat. Guwapo ito kahit may edad na. Tingin ko madami itong naging babae noong kabataan pa niya.
"Ummm...". tumingin ito sa akin. Para akong nakuryente sa titig nito. "M-makikisakay lang po ako D-Don Agusto."
Tumango lamang ito saka muling. bumaling sa ibang direksyon.
Sumakay ako sa magarang Kotse nito. Sinigurado ko na may pagitan sa aming dalawa nung lalakeng nakaupo. Seryoso ang mukha nito.
Tumikhim ako. Saka lamang ulit ito lumingon. Walang emosyon sa mukha nito.
BINABASA MO ANG
Sa tuwing Umuulan
RomancePROLOGUE "Kapag ba pumirma ako sa Divorce papers magiging masaya ka ba. Enrico?" pigil ko ang mga luha ko. Ayoko na kasing umiyak pa. Nakakapagod na din. "Oo. Hindi ka naman nabuntis diba. Isa pa nagkataon lang ang lahat dahil las...