CHAPTER EIGHT

85 11 0
                                    

Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng kasal ni Gwen at ni Enrico. Hindi ako nagpakita sa Simbahan... pinangarap ko rin kasi dati na maglakad patungong Altar pero hanggang Huwes lang ako.

           Bahagya pa akong nagtago nang lumabas na ang mga tao. Ibig sabihin tapos na ang Kasal. Nagpalakpakan ang mga tao Lalo na nang lumabas na ang Bagong kasal. Ang ganda ni Gwen sa suot niyang Wedding Gown. Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong puting bistida nakakahiyang tumabi sa kanya na ganito lang ang suot ko.

          Naiyak ako ng maalala ko kung anong suot ko nung kinasal kami ni Enrico. Isang puting bistida rin lang yon na gaya ng suot ko ngayon. Si Enrico ang bumili nun pero alam ko naman na mumurahin lang yon kasi hindi ako kasing halaga ni Gwen. Napansin kong malaki na ang tiyan ng Bunso kong kapatid. Wow magiging Tita na ako. Masmatanda siya sa magiging Anak ko.

          Sumakay na sila sa isang puting Kotse ang ganda! Pumatak ang luha ko. Hindi ko maranasan ang ganyang kagargong kasal. Wow talagang naghangad ako.

            Naglakad na ako papunta sa sakayan ng Jeep. Hawak ko ang simpleng regalong nabili ko mula sa Pera ko. Napagdesisyunan ko kasing sa Venue na lang pumunta.

          Isang sakay lang naman. Pagbaba ko madami ng Kotse ang nakaparada doon. Naglakad ako papasok ng Venue. Hinarang ako ng Guard kaya pinakita ko ang invitation. Pinapasok nila ako. Nagsasalita na nun si Enrico ng magtama ang mga tingin namin at napahinto ito sa pagsasalita. Hindi siguro niya akalaing invited ako ng kapatid ko. Tumango lamang ako saka ako nilapitan ng Waiter para dalhin ako sa mesa ko at sa pinakasulok pa iyon. Napabuntong hininga na lamang ako.

          Maya-maya pa ay dinalhan na ako ng Waiter ng makakain. Kumain ako agad nagugutom na kasi ako e.

         Susubo pa sana ako ng marinig ko ang pangalan ko na tinawag sa stage at si Gwen ang tumawag sa akin para daw sa inspirational message. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila kinuha ko ang mic. Tutal wala namang nakakaalam na ikinasal kami dati ni Enrico.

         "H-hi. Masaya ako na ka-kasal na kayong dalawa. Best wishes na lang sa inyo."  saka ko nilapag ang mic kaso nagsalita pa si Gwen.

         "Ang iksi naman ata non Ate Lorena. Baka pwedeng pakihabaan naman."  mataray nitong sambit.

         Tumikhim na lamang si Enrico alam kong ayaw niya ng iskandalo kaya kukunin ko na lang uli ang mic nang may kumuha non. Nagulat ako at napatingin dito.

        "A-Agusto!?”

Ngumiti sa akin si Agusto saka niya ako kinabig sa bewang ko. Ang gwapo niya sa suot niyang all black. Saka yung Jacket na suot niya... gaya sa Jacket ko.

           Parang gusto kong umiyak. Kasi pakiramdam ko may kakampi na ako kahit papano hindi nila ako maipapahiya sa maraming Tao.

         Napakapit na lamang ako sa kamay nito. Nakita kong biglang tumayo si Mama pero natigilan ito ng magsalita na si Agusto.

          "Good evening everyone. I am Doctor Agusto Sandoval.". pag-uumpisa nito.

          "Me and may Fiancee Lorena. Just wanna greet the Newlyweds a Best wishes and that's all."  saka niya ako hinagkan sa noo. Napapikit ako. Namiss ko yon.

          "Let's go.". bulong nito sa akin saka ako inalalayan makaupo sa mesa niya. Nag-alangan pa ako dahil baka may kasama siya.

          "Upo ka na Lorena."  tinapik nito ang upuan na katabi niya saka ako umupo. Inilagay nito ang kanang braso sa likod nang upuan ko saka ako bahagyang niyakap napapikit ako sa ginawa niyang yon.

Sa tuwing Umuulan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon