Sinundan ko si Lorena. Dito pala siya tumutuloy sa dati niyang Boardinghouse. Namiss ko si Lorena. Masarap siyang magluto. Lage niya akong inaasikaso kahit binabalewala ko siya. Nakita kong lumabas ito ng Boardinghouse. Baka may bibilhin.
Marahan kong pinaandar ang kotse ko. Huminto si Lorena sa isang Karinderya saka ito umupo at kumain. Napakuyom ko na lamang ang kamao ko... siguro panghapunan na niya ang kinakain niyang yon. Napansin kong medyo tumaba siya. Baka nahiyang ito sa Probinsiya kung talagang umuwi nga siya. Halos magdadalawang linggo pa lang nang pumirma siya sa Divorce papers namin. Ah. Bahala na nga ang mahalaga nakita ko uli siya.
Napukaw ang pansin ko ng tumunog ang cellphone ko. Si Gwen. Binasa ko ang message nito. Akala ko nasa Bahay na siya ayun pala nasa Bar na naman! At nalasing nang todo kaya nagpapasundo!
Umiling ako saka ko pinaandar ang kotse ko. Sinulyapan kong muli si Lorena. Kung pwede ko lang ulit ibalik yung dati... ibabalik ko kaagad bago pa siya makakita ng iba.
NILABHAN KO MUNA SA LIKOD ng Boardinghouse ang mga Bago kong Uniform. Nakahiram ako ng tatlong hunger sa kasama ko sa Kuwarto. Sabi pa nito wag na wag daw akong mag-iiwan ng Pera at importanteng gamit sa loob ng Kuwarto kasi minsan daw may sumasalisi. Kaso wala naman akong importanteng gamit na dala. Ang cellphone naman na gamit ko e lumang luma na Touched Screen nga pero old style kaya walang magkaka-interest na kunin ito. Baka nga maawa pa sila sa akin e.
"SIR. SABI PO NG BANGKO WALANG Lorena Gaston ang nagwi-widraw po ng pera mula po sa Bank Account na binigay nyo."
Tumango ako. "Ganun ba. Sige. Makakauwe ka na Jasmine."
"Sige po Sir Dok mauna na po ako.". paalam nito saka lumabas ng pinto.
Kahapon lang siya umalis pero parang isang taon na sa tagal! Parang mababaliw na ako!
Teka. Tama!
Pinindot ko ang intercom.
"Jasmine paki-cancel lahat ng Appointment ko bago ka umuwi. Luluwas ako ng Maynila ngayong gabi."
"Okay po Sir Dok!". sagot nito.
Tinignan kong muli ang mukha ni Lorena sa Screen ng cellphone ko.
"Sorry pero hahanapin kita... Hindi na ako mag-aantay pa ng Twenty years. Lolo na ako nun.”
Madaling araw pa lang gising na ako. Walang pila sa banyo kaya nakapaligo agad ako. Sinuot ko na agad ang Uniform ko. Dinoblehan ko lamang ito ng Jacket... bigla kong naalala si Agusto.
Hinawakan ko nang mahigpit ang Jacket ko saka ko iyon pikit matang inamoy.
"Agusto....". tahimik akong umiyak. Nakakahiya sa Roommate ko kung ilalakas ko ang hagulhol ko masyado pang maaga para mangbulahaw ako.
Masdoble yung sakit kesa yung Kay Enrico. Siguro baka dahil gusto ko si Agusto... g-gusto ko nga lang ba siya? Lahat ng ginawa namin kahit sa maiksing panahon lang talagang hinding hindi ko makakalimutan... at sana ganun din siya. Pero hindi na ako umaasa pa. Sa dibdib pa lang nung Babaeng yon may tulog na ako eh!
Nginudngod ko sa kutson ang mukha ko. Tingin ko kelangan ko itong ilabas.... iiiyak ko muna itong nararamdaman ko. Bakit lage na lang ganito. Talaga bang ipinanganak ako para lang umiyak ng umiyak.... Wala po ba talagang taong nakalaan para sa akin? Hindi naman ako panget pero lalong hindi ako maganda!
Ala singko na. Tama na Ang kadramahan ko. Kelangan ko nang maghanap buhay para sa sarili ko. Saka kelangan ko palang bumili ng Dress para sa Kasal ni Gwen Next Month. Dapat yung maganda para hindi nila ako malalait lait.
BINABASA MO ANG
Sa tuwing Umuulan
RomansaPROLOGUE "Kapag ba pumirma ako sa Divorce papers magiging masaya ka ba. Enrico?" pigil ko ang mga luha ko. Ayoko na kasing umiyak pa. Nakakapagod na din. "Oo. Hindi ka naman nabuntis diba. Isa pa nagkataon lang ang lahat dahil las...