CHAPTER FOUR

85 8 0
                                    

Lalapit na sana si Agusto nang bumukas ang pinto. Ang Sekretarya nito may dalang kape at cookies.

         "Naku! Andito na po pala kayo Sir Dok! Ikukuha ko po kayo ng Isa pang kape."

         "No it's okay Jasmine saka makakauwi ka na.". habang titig na titig sa akin.

         Pagkalabas ng Sekretarya nito narinig kong ni-lock niya ang pinto. Napangisi ako. Saka siya lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko saka iyon pinisil.

        "Ilang taon ka sa litrato. Agusto?"

        "Twenty Three tapos ikaw Three years old.".  sagot nito habang nakatitig sa litrato naming dalawa.

        "Wow! Ang tanda mo na pala talaga. Agusto! Pareho kayo ni Tita Forty six!----"

        Natigilan ako ng kabigin niya ako palapit sa kanya. Napapikit ako dahil hahalikan niya ako kaso....

        "Anong tunog yon?". natatawang tanong nito.

        "Tiyan ko yon. Wala pa kasi akong kain ng Meryenda kasi pinapunta mo ko Dito e.". katwiran ko.

        "Ganun ba o di magmeryenda na tayo." kinuha na nito ang Isang tasang kape ng pigilan ko ito.

        "Bakit?". kunot noong tanong nito.

        "Sa pagkakaalam ko Kasi para sa akin yang kape na yan at higit sa lahat sa ating dalawa ikaw yung madaming Pera at makakabili ka nyan sa Cafeteria ng Ospital mo habang ako Hindi."  mahabang katwiran ko.

         "What do you mean? Wait don't tell me na ayaw mo akong bigyan ng kape."

         "Tumpak! Saka kasalanan mo kung bakit ako nagutom Kasi nga pinapunta mo ako dito."  nakangusong Saad ko.

         Tumawa ng malakas si Agusto. Napatitig ako sa kanya. Bago humigop ng kape.

         "Bakit?". tanong nito sabay upo sa swivel chair niya.

          Umiling ako. "W-wala. Ummm ano nga palang magiging trabaho ko?"

          Saka ako humigop uli ng kape. Ang sarap ng pagkakatimpla!

          "Personal Caregiver ko.". agad nitong sagot.

          Nabulunan ako sa narinig ko kaya napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko Kasi malunok ang kape ang init Kasi.

          "Hep! Lorena ha! Lunokin mo yan lagot ka sa akin kapag---"

          Hindi na natuloy pa ni Agusto ang sasabihin niya nang aksidenteng mailuwa ko sa mukha niya ang mainit na kape.

         Napapikit ito.

         Nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa bibig ko.  "So-sorry Agusto."

         Tumayo ito at kumuha ng tissue saka nagpunas at naglakad papuntang banyo.

         Hala! Lagot nagalit ata mukhang masesisante agad ako kahit hindi pa ako nag-uumpisa. Napalingon ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng banyo nito.

         Natigilan ako. Napakagat labi ako. Topless si Agusto. At bagong hilamos siya pati buhok niya basa... natulo pa ang tubig Mula sa basa niyang buhok.

         Napalunok ako ng nagsimula na itong humakbang palapit sa akin.

         "Ang init nang kape Lorena. Pero Ano kayang masmainit. Yung kape o Ang mga labi mo."

          Napaatras ako pero kinabig niya ako sa bewang ko. Saka ito bumulong.

          "Akala ko ba F*ck Buddies tayo. Bakit ka nalayo? Ang tagal kong inantay to Lorena. Baka naman---"

Sa tuwing Umuulan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon