Irene's POV
Continuation.....
When I checked it, ganun nalang ang pag irap ko sa hangin, unregistered number ang nakalagay. Kahit wala tong pangalan, alam ko kung kanino ang mga numerong ito. First time netong tumawag ulit for the past 3 years na wala kaming communication sa isa't isa. Sabihin man natin may anak kaming nag uugnay sa amin pero it's not enough para magkaayos kami. Kahit friendship, di ko kayang ibigay sa taong to, ganun ko siya kinamuhian.
Mabilis kong ni reject ang tawag, kasabay ng pag turn off ko phone. Di ako dinisturbo ni Joan pero isang walang kwenta naman ang tumawag.
I stayed 3 hours in the cemetery before deciding to go home.
Urghh.. My head hurts, epekto ito ng beer, mababa lang kase ang alcohol tolerance ko.
It's 4:00 pm nang makauwi ako ng bahay, nagtaka pa ako because manang Lourdes isn't around. Usually, she's doing groceries pag ganito, kaya pinag sa walang bahala ko nalang. Isa pa, I didn't inform ahead na maaga akong uuwi ngayon. Kaya nang makarating ako sa kwarto, naglinis agad ako ng katawan before I stumble myself on the bed.
Ako lang mag isa ngayon since my daughter will go directly to her daddy's place after school. She informed me kagabi and wala naman problema sa akin.
Irene! Irene! Hija!
Naalimpungatan ako sa sunud-sunod na pagkatok sa pinto ni manang Lourdes.
When I check the time it's 8:00 pm na.
Yes po manang. Halos nakapikit ko pang tugon. Ngayon lang kase ako bumawi ng tulog.
Hija, nakaturn off ba ang phone mo? Tanong sa akin ni manang.
Yes manang, bakit po?
Hija, huwag ka sanang mabibigla pero kanina pa tinatawagan ni Gorio ang phone mo, di ka raw macontact. I immediately frown sa narinig kay manang.
Talagang di po macontact manang dahil sinadya ko e turn off. There's no point of ca++++++ Hija, sinugod si Annie sa hospital. Hinimatay kanina sa school, ang sabi ng doctor, dengue daw kaya kailangan salinan ng dugo. Mabuti nalang magkamatch sila ni Gorio kaya ayun, nasalinan agad ang bata.
Po? Tila natameme kong sagot at pilit pinaprocess ang sinabi ni manang. Mabilis kumabog ang puso ko na may panginginig.
Hija, ayos ka lang? Teka, huwag ka ng mag alala, stable naman ang kondisyun ng bata. Sadyang sinuri lang kita dito sa bahay dahil maaga ka raw umalis at di sinabi kung saan nagpunta, yan ang sabi ni Joan nung tinawagan ko ang opisina mo.
Manang, yung anak ko. Saang hospital po siya dinala? I need to go. Natetense kong tanong kay manang.
Kumalma ka muna hija, ayos na ang bata. Nandun ang daddy niya, nagbabantay. Teka, kailangan ko palang kumuha ng mga gamit ng bata. Di pa siya pwedeng palabasin sa hospital eh, baka abutin ng isang linggo dahil kailangan pa siyang obserbahan. Magbihis ka na rin para sabay na tayong pumunta dun, at may sasakyang naghihintay sa labas.
Kaninong sasakyan po manang?
Kay Gorio na sasakyan hija, may driver rin siyang pinadala dahil di ka pwedeng mag drive pag ganitong nalaman mo ang situation ni Annie. Oh siya, mag ayos kana. Kukuha lang ako ng mga gamit ni Annie.
Mabilis kong sinunod ang pahayag ni manang.Nanginginig ang buong sistema ko while getting nearer to the hospital.
Patakbo akong pumunta sa silid na kinaroroonan ng anak ko. Halos manlumo agad ako sa hitsura ni Annie, she looks pale with dextrose on.

YOU ARE READING
Apples & Oranges
RomantizmA Romantic Comedy between Greggy and Irene as ex lovers doing co-parenting to their 15-year-old daughter, Annie. May pag asa pa kayang magkabalikan ang mag ex? Or tuluyan ng matuldukan ang lahat sa kanila? Subaybayan natin ang magulo at masayang mun...