Irene's POV
Greggy is guiding me carefully nang makarating kami sa event. I hold his hand tightly, bukod sa malaking party ito, di ako sanay kung paano makihalubilo sa side ng papa niya.
Tito Luis is mabait ngunit pag di niya nagustuhan ang ginawa mo, lagot ka talaga. Wala siyang sinasanto, kahit nga sarili niyang anak, binugbog pa. Dios ko, di ko yun kakayanin pag si Greggy ang gagawa nun sa mga anak namin. Ako talaga ang unang papatay kay Greggy pag nagkataon.
Daddy, mommy, I'll go to lolo and lola muna ha? Bye bye! Mabilis na paalam ni Annie. Dios ko, mabuti pa ang anak ko, di man lang nakaramdam ng hiya. Kung umasta parang playground lang niya ang buong lugar.
Hi, Greg. Good thing you're here, kanina ka pa hinahanap ni tita. Pagbeso ng magandang babae kay Greggy dito sa may entrace ground.
Oh is this Irene? Pagbaling niya sa akin as she looks on my bump.
Hi Irene, I'm Carrie, Greggy's cousin. It's nice to finally meet you. You're so beautiful naman, kaya tinamaan pala ng husto tong pinsan ko eh. Anyway, ilang months na to? Paghawak niya sa aking bump.
Turning 5 months na, Carrie. Nakangiti kong sagot.
Wow, the new Araneta heir in the family. Congratulations sa inyo. Masaya niyang wika bago nagpaalam sa amin para batiin ang iba pang bisita.
Greg, I'm shy, uwi nalang kaya tayo? Bulong ko kay Greggy nang halos pinag titinginan kami nang dumaan kami dito sa may entrance hall.
Don't mind them, they're just nobody. Lihim nalang akong napairap. Wala talagang pinipiling lugar ang pagiging mahangin niya.
Greggy! Oh Hijo, my dear lovely pamangkin, namiss kita. Pagtawag sa kanya ng isang Ginang kasabay ng pagyakap neto kaya dumistansya muna ako.
Tita Carmen, happy birthday po. Still looking young and beautiful, huh? What's your secret?
Hay nako, ang bolero mong bata! Di ka parin nagbabago.
Ooh, and who's this beautiful lady beside you Hijo? Is this Irene na ba? Pagbaling ng Ginang sa akin kaya medyo nahiya ako.
Yes po tita. Irene, this is Tita Carmen, the birthday celebrant tonight.
Hello po tita Carmen, Happy birthday po sa inyo. Here's your gift po. Medyo nahihiya kong tugon.
I'm quite surprise when she embraces me.
Thank you hija, your presence tonight is much appreciated. Greggy informs me ahead na baka di ka raw mapilit na sumama kaya I'm so grateful hija at nakapunta ka.
I'm totally speechless tuloy sa pahayag ni tita Carmen.
Congratulations pala sa inyo in your second baby, talagang di kana pinakawalan netong pamangkin ko hija. Can't wait to meet our new apo. Dagdag pa niyang pahayag.
Irene anak, Gladly you're here, you look so beautiful. Napalingon ako sa tumawag. It's Tita Emma and nakasunod sa kanyang likuran si tito Luis.
Tita, kumusta po? Namiss ko kayo ng sobra. I hug tita Emma tightly. Bumaling rin ako kay tito Luis to greet and hug him.
Nako, ang bilis lumaki ng bump mo. We can't wait to meet our new apo. Tita Emma excitedly said.
Hija, I'm thinking about throwing a big party for our new apo. Is that fine with you? Singit ni tito Luis.
Po? Tito pwedeng huwag nalang? Saka nalang siguro pag birthday ng baby. Mabilis kong depensa.
But why? I want everyone to know that we're having a new heir in the family.
![](https://img.wattpad.com/cover/374031146-288-k220481.jpg)
YOU ARE READING
Apples & Oranges
RomanceA Romantic Comedy between Greggy and Irene as ex lovers doing co-parenting to their 15-year-old daughter, Annie. May pag asa pa kayang magkabalikan ang mag ex? Or tuluyan ng matuldukan ang lahat sa kanila? Subaybayan natin ang magulo at masayang mun...