Irene's POV
Continuation.....
Please po ma'am pumayag na kayo, the time is running fast, para narin makauwi kami ng maaga. If di man okay ang results ng photoshoot atleast we try it po. Dagdag pag explain ng staff, mafefeel mo talagang nahihirapan sila.
Pwede! Irene could be the best model! Michelle happily exclaimed.
And me too! I'm excited! Ana seconded.
Nope! not me Michelle. Ayoko sa mga photoshoots, allergic ako diyan.
Sige na Rene, ngayon lang naman, besides di naman underwears ang ipapasuot sayo. Aika? What's our photoshoot theme for today pala? Michelle asked her staff.
It's a wedding theme po ma'am. Actually, models nalang ang hinihintay, everyone is waiting on the location.
Ano ba ang kulang na models? Ana queried.
The bride po and two bridesmaids.
Oh gosh! That's perfect for us. Si Irene ang bride, Michelle and I will be the bridesmaids. Ana happily announced.
Nope ayoko! Ikaw nalang ang bride, Ana. Bridesmaid will do for me. I butted in.
Rene, ibigay mo na sa akin ang pagiging bridesmaid. Na trauma na ako sa pagiging bride, kaka annulled ko palang noh. Pag angal ni Ana.
Annulled ka nga pero nakikipagsex parin. Maldita kong bwelta, causing Aika to cover her mouth. Maybe she's not prepared sa topic namin.
Ahmm, ma'am Irene? If ako po ang tatanungin, the bride's role is perfect for you po. Sa tansya ko, mas kasya sayo ang bridal gown. Pag explain ni Aika.
Rene, sige na please.. Pumayag kana oh.. Please save me this time, para di ako malagot kay Maxima. Michelle pleaded.
Michelle baka malaman to ni Greggy eh. Wait may Groom rin na model? I clarify.
Well, meron. Ang pangit kaya ng wedding photoshoot kung walang groom.
Naaahhhh...ayoko! malalagot ako kay Greggy niyan eh. Seloso yun! Minsan na siyang nakipagsuntukan kay Clifford dati dahil sa pagiging malapit namin, ito pa kaya? Pag angal ko.
Hoy bruha! Panandalian lang ang photoshoot. Kung gusto mo, mag vivideo ako sa whole photoshoot para may evidence tayo sa asawa mo na walang malisya ang gagawin natin. It's purely a professional photoshoot. Pagsingit ni Ana.
Ana is right Rene, tutulong kaming mag explain kay Gorio. Michelle assured me.
Nakikipagtitigan pa ako sa kanila, kailangan kong makasiguro if ipagtatanggol ba ako ng mga bruhang to kung magkagipitan na.
Later on, wala na talaga akong nagawa kung di ang pumayag. Time is running, besides ngayon lang naman to. I wanna help Michelle also.
Wow! You're so gorgeous Rene, grabi ang glow up mo mars! Ana complimented me.
Ganun nalang rin ang pagkasurprise ko sa aking sarili ng makaharap sa salamin. After an hour of make over, halos di ko makilala ang aking sarili. The bridal gown is too beautiful and perfect. Mas sasaya siguro ako kung totoong kasal namin to ni Greggy ang kaso civil wedding lang kami.
Perfect! Sabi ko sayo Ana, kasya eh. Michelle uttered kaya napatingin ako sa kanya.
Rene, you're so beautiful, for sure maglalaway ang groom mo mamaya. Michelle added.
And I'm certain, tuluy na tuluy na ang honeymoon nila tonight hahahaha! Ana seconded.
Huy mga bruha! Anong pinagsasabi niyo? Naguguluhan kong tanong sa dalawa. Kung minsan, may sariling mundo ang dalawang to.

YOU ARE READING
Apples & Oranges
RomanceA Romantic Comedy between Greggy and Irene as ex lovers doing co-parenting to their 15-year-old daughter, Annie. May pag asa pa kayang magkabalikan ang mag ex? Or tuluyan ng matuldukan ang lahat sa kanila? Subaybayan natin ang magulo at masayang mun...