Irene's POV
Mommy! Let's buy it please.
No Anastasia! let's go home na.
I won't go home, baka someone will buy it mommy. Mabilis niyang pagtanggi.
Annie? A no is a no ha? Huwag ng matigas ang ulo. Nagtitimpi kong babala.
Tita please... Pagbaling rin niya kay ate Imee.
Just follow your mom nalang Annie para wala ng gulo. Tugon ni ate causing my daughter to stop from walking at umupo sa isang sulok, facing on the other side.
Lihim nalang akong napairap sa hangin. She's testing my patience again at dito pa talaga sa maraming crowd.
Huwag mo akong malditahan ngayon Anastasia, di na ako natutuwa. Stand up now or else iiwan ka namin dito. I warn gritting my teeth while caressing my bump. I'll be 8th month next week kaya mabilis na akong hingalin kahit sa simpleng pagtaas lang ng boses.
Pero ang tigas ng batang to, tanging iling lang ang kanyang tugon habang humihikbi.
Anastasia isa! This time galit na ako.
Ading, pagbigyan mo nalang, total ako naman ang magbabayad. Singit ni kuya.
No kuya, di sa lahat ng oras nabibigay ang gusto niyan. Sometimes, she needs to accept rejections. Firm kong tugon.
We're currently here in the mall with my siblings. We do groceries dahil may kunti kaming salu-salo sa bahay later.
It's been a week nang lumipat kami ni Annie ng bahay dun sa pinagawang new house ng daddy niya. Timing at free time ng mga kapatid ko kaya they insist na dun sa new house tumambay. Bukod sa gusto nilang makita ang bahay, bonding narin namin magkakapatid ito, and mommy will join us also. However, Annie saw a puppy earlier sa isang petshop na nadaanan namin, it's a solid white French Bulldog at gusto niyang magpabili agad.
I have no problem with dogs kaya lang I'm avoiding it nowadays. Syempre manganganak na ako soon, ayokong madapuan ng mga balahibo si baby.
Mommy, sige na po please, tito will buy it naman for me. Pag insist pa niya.
One more pleadings Annie, iiwan ka namin dito. I strictly stated causing her to cry even more. Padabog siyang tumayo at naunang naglakad patungong sasakyan.
Hay nako, mana talaga sa pinagmanahan. Nakailing kong komento kasabay ng malalim na buntong hininga.
Nag anak ka ng full blooded Araneta kaya anong aasahan mo Irene? Tugon ni ate.
Ay ewan, basta di pwede sa akin ang mga ganyan ugali ate.
Irene, what happened? Mommy asked pointing her granddaughter's direction na busangot ang mukha.
Gusto niyang magpabili ng puppy dun sa mall mommy at di ko pinayagan.
Puppy? Bakit di mo binilhan? Wala akong nakikitang masama sa puppy anak.
Mom, malapit na akong manganak, baka maglalapit ang puppy niya sa baby. I'm avoiding it, okay?
Pwede naman bumili ng cage, what's the matter? Mommy defended.
Hay nako, pagdating talaga sa apo niya, lahat binibigay. Turan ko sa isip.
But still she needs to accept rejections mommy, di sa lahat ng panahon nabibigay ang gusto niya.
What's going on here? Pareho kaming napalingon sa dumating. It's Greggy. Nagpunta siya sa company kanina dahil may kailangan daw siyang e check saglit even if Sunday today.
YOU ARE READING
Apples & Oranges
RomanceA Romantic Comedy between Greggy and Irene as ex lovers doing co-parenting to their 15-year-old daughter, Annie. May pag asa pa kayang magkabalikan ang mag ex? Or tuluyan ng matuldukan ang lahat sa kanila? Subaybayan natin ang magulo at masayang mun...