Irene's POV
I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife, Mr. Araneta.
Greggy kisses me, kaya inirapan ko siya after. Actually, kanina pa ako galit sa kanya. Sarap niyang suntukin, yung tipong tumba agad.
Nagpalakpakan naman ang tao sa paligid, mga taong di ko kilala. Natural na di ko kilala dahil mga staffs sila dito sa municipal court.
If you're asking kung anong nangyari. Well, umalis lang kami saglit ng bahay kanina dahil bibili daw kami ng electronic breast pump since I'm complaining that my hands are getting numb using the manual pump. Pero ang gago, after namin bumili, di ko alam kung anong nasa kanyang utak. He suddenly brings me to the municipal court dahil ngayon daw ang schedule ng civil wedding namin.
Like, anong pag iisip meron siya? He never informed ahead na ikakasal kami ngayon. Casual dress lang ang suot ko, samantalang naka light blue polo shirt and maong pants lang siya.
Everyone, our newly weds! Mr. And Mrs. Araneta! The Judge happily announced as he shakes our hands kasabay ng pagpalakpakan ng lahat at picture taking. Tipid nalang akong ngumiti dahil ayokong maging bastos kahit gusto ko ng bugbugin si Greggy.
Pwede bang ikasal ng walang pamilya or kaibigan man lang? Hindi to ang pinangarap kong kasal. Never in my life na inisip na ganito lang ang ceremony ng kasal namin. Simple lang akong tao pero my dream wedding naman ako. Hindi ganito ang standards ng wedding na iniisip ko. Bwesit na Araneta talaga, di ko alam kung anong mga plano niya sa buhay, dinadamay pa ako.
It's been two weeks since I gave birth tapos ito lang ang mapapala kong wedding? Nakakainsulto talaga ang hambog nato.
You're officially my wife now, Ms. Marcos. Nakangisi niyang saad habang nakatingin sa kamay kong may singsing. Nandito na kami sa loob ng sasakyan, samantalang ako, di alam kung ano ang mararamdaman. Iiyak ba ako ngayon? Or magagalit? Pero alin man sa dalawa, alam kong wala akong karapatan na humingi sa kanya ng pormal na kasal dahil unang-una ayokong napipilitan siya.
Mahal ko si Greggy but thinking about our wedding? Dios ko, di ko mapigilan mag isip na ang cheap kong babae para madaliin lang niya ng ganito. Ito ba ang napapala ng nagpabuntis agad out of wedlock?
Brace yourself mommy, wala ka ng kawala sa akin. Dagdag pa niyang wika kaya sa inis ko, pinaghahampas ko siya ng neck pillow.
Aray ko mommy, masakit! Depensa niya.
Bwesit ka! Sino ang may sabi sayo na e-schedule ang kasal natin ngayong araw? You didn't inform me Araneta! Tingnan mo tong suot ko?
Pareho lang naman tayo eh, tumawag lang yung judge kanina na vacant siya ngayon kaya sino ako para palampasin agad? I'm sorry but not sorry, the most important thing here is that we're officially married. Proud niyang paliwanag.
Officially married mo mukha mo! Even our familes don't know anything! Baliw ka talaga!
Sorry na mommy, ngayon lang naman to eh.
Exactly Gregorio, ngayon lang to! Sana naisip mo na pinag iisipan ang preparation ng kasal. Ang ayoko sa lahat ay yung minamadali ako! Aaahhhhhhh! Bwesit ka talaga! Galit kong sigaw.
Kaysa naman pinagpaplanuhan, baka di mo ako siputin like what you did before. Mabuti na ang ganito dahil sigurado pa.
Magkaiba ang noon sa ngayon Gregorio! Nambabae ka noon, kaya ayokong makasal sayo!
Oops, correction mommy, di ako nambabae, hinalikan lang nila ako bigla tapos nakita mo kaya nag conclude ka agad.
Kahit na! May dumapo parin ibang labi sa bibig mo!

YOU ARE READING
Apples & Oranges
RomansaA Romantic Comedy between Greggy and Irene as ex lovers doing co-parenting to their 15-year-old daughter, Annie. May pag asa pa kayang magkabalikan ang mag ex? Or tuluyan ng matuldukan ang lahat sa kanila? Subaybayan natin ang magulo at masayang mun...