Irene's POV
Continuation..
What? Ginawa niya yun? Gusto mo gulpuhin namin ang Gagong yun Irene? Sumusobra na siya! Talagang ang kapal ng mukha! Michelle ranted in our meet up dito sa condo ni Ana.
Michelle, just signal me also kung kailan! Ako ang unang gugulpi kay Gregorio. Ana seconded.
Hay nako, pwede ba huminahon kayong dalawa? Mas war freak pa kayo sa akin eh. I said while tapping my forehead.
Ano ba ang ikinagalit niya? Dun ba sa pagpunta natin ng Boracay? As if naman, nag enjoy ka talaga dun ng todo Irene, halos di ka nga lumalabas ng room mo eh. Bwelta pa ni Michelle while holding her waist.
Natural Michelle, sino ba ang lalabas ng room kung tadtad ng hickeys ang buong katawan? Kung may tanga sa ating tatlo, si Irene ang number 1! Dagdag pa ni Ana.
Alam mo, naguguluhan parin ako sa inyong dalawa ni Greggy. May nangyayari na sa inyo't lahat pero still nakuha niyo pang magdemandahan. Co-parenting with benefits lang ang peg? Tanong ni Michelle.
Correction! It's court hearings with benefits Michelle, malay natin after nilang maghearing ulit, magchukchakan na naman yan. Alam mo yun, hatred and love will always collide kaya sabik na sabik parin yan sila sa isa't isa. Pahayag ni Ana while crossing her arms and rolling her eyes at me.
Kayo talaga ang babastos ng mga bunganga ninyo! Nasa harapan niyo ako mga bruha kaya umayos kayo! Angal ko pa.
Naputol ang pag uusap namin nang may mag doorbell.
Ako na! Excited na pagtayo ni Ana. It's our pizzas and burgers delivery na siguro.
Yehey! Excited kong tugon ng makita ang mga bitbit ni Ana. Ngayon palang naglalaway na ako sa pizzas and burgers.
Irene, take it slowly, di ka mauubusan. Pagsuway nilang dalawa sa akin.
Hayaan niyo na ako, okay? Ngayon lang ako natakam ng ganito. I can't believe this Pizzas and burgers will taste like heaven. Masaya kong tugon as I'm busy eating.
Pero nanatili lang silang nakatitig sa akin. Giving me a questioning look na parang ngayon lang nila ako nakitang kumakain ng ganito.
What? Ba't ganyan kayo makatingin sa akin? Kumain na kayo girls, kung ayaw niyong maubus ko tong lahat. Pananakot ko pa.
Irene, dinatnan ka na ba this month? Biglang tanong ni Michelle while crossing her arms infront of me.
I don't know. Kibit balikat kong tugon as I'm busy enjoying the burger.
Ana, get your calendar, quick! Utos pa niya kay Ana. Hinayaan ko nalang silang dalawa.
Irene, di ka naman siguro buntis noh? Biglang tanong ni Ana na ikinatigil ko bigla sa pagsubo.
No! Never! Bakit naman ako mabubuntis? Inis kong sagot sa kanila while frowning.
Bakit hindi Irene? Nag sex kayo ni Gorio last two months ago, at di pa kayo nakuntento, ginawan niyo pa ng part two a month ago. Bwelta ni Michelle.
Hindi yun counted! Impossible! Mabilis kong pagtanggi. Pero pinaningkinitan lang nila ako ng mata pareho.
Why don't you take a PT? Let's see if our guts are wrong. Ana suggested.
No! No need for that okay? Ano ba kayo? Porket nakikita niyo akong kumakain ng ganado, may meaning na agad.
Fine, pero pag lumubo yang tiyan mo, few months from now, pagtatawanan ka talaga namin. Ikaw na ang pinakatangang babae sa balat ng lupa Irene, magkipag sex na ngalang, di pa nag iingat. Sermon pa ni Ana.

YOU ARE READING
Apples & Oranges
RomantizmA Romantic Comedy between Greggy and Irene as ex lovers doing co-parenting to their 15-year-old daughter, Annie. May pag asa pa kayang magkabalikan ang mag ex? Or tuluyan ng matuldukan ang lahat sa kanila? Subaybayan natin ang magulo at masayang mun...