CHAPTER 47 (COINCIDENCE?)

22 2 0
                                    

Andito kami ngayon sa bahay ni Jrose dahil gusto kong makita ang anak nila ni Reign


"Yes" tumango ako

"Ano ang pumasok sa isip mo at ipapa DNA mo si Dethan? Nag sasayang ka lang ng Pera Madeline" sabi ni Marie habang kalong kalong si Ren-ren

"Malakas ang kutob ko, na anak ko si Raya" sabi ko

"Paano kung negative? Ma di-dissapoint ka?" Inilapag ni Jrose yung niluto nyang carbonara sa coffee table

"It's okay, atleast nag try ako" tumingin ako kay Jrose

"Basta Madeline, don't expect too much" sabi ni Louise

"Yeah I know" tumango ako


Kinabukasan ay pumunta ako sa Telement para makita si Dethan, nakita ko naman sya na nakikipag laro sa mga bata



"Mag bihis ka Dethan, pupunta tayong Mall" nakangiting sabi ko

"Okay po!" Masayang sabi ni Dethan



Hindi na ko pumunta sa bahay nila at hinintay ko nalang sya sa may sasakyan


From: Mama
Umuwi ka Mamaya before 7pm may family dinner tayo with Oliver family

To: Mama
I can't go

From: Mama
Why? Madeline? Gusto ka din makita ng Parents ni Oliver


Hindi pa ko handa na makita si Oliver dahil naaalala ko ang pam bubugbog na ginawa nila ni Lei noon


To: Mama
May meeting po ako ng 7pm



"Tara na po Tita!" Sumakay na si Dethan sa sasakyan


Pumunta nga kami ng Mall at nag laro kami sa may Kidzoona, pag ngumingiti si Dethan naaalala ko talaga ang mga matatamis na mga ngiti ni Raya.



After naming mag kidzoona ay napagod si Raya kaya pumunta kami sa isang restau para kumain ng lunch


"Favorite mo yung Mango Juice!" Tanong ko kay Dethan habang nakatingin ako sa Menu

"Actually hindi po, favorite ko po talaga ay coke. Iyon po kasi ang palaging tinitimpla ni Tatay dahil favorite daw po yon ng nanay ko" pag kwe-kwento ni Dethan


Shockss....


Favorite ko din ang Mango juice


Hindi na normal toh


"Uhm Isang japanese tonkatsu and isang fried chicken with rice. And yung juice is mango juice" Sabi ko sa waiter

"Okay po Ma'am" nag bow sakin yung waiter at saka umalis

"Sana nga po Tita Madeline ikaw nalang po ang Nanay ko" nakita kong lumungkot ang mukha ni Dethan

"Pwede mo naman ako maging Nanay, since nakikita ko naman ang anak ko sayo" ngumiti ako kay Dethan

"Talaga po?" Mas lumawak pa ang mga ngiti nya

"Yes" tumango ako

"Edi pwede ka din po maging asawa ng tatay ko?" Masayang sabi ni Dethan

"Hmm, mabuting tao ba yang tatay mo?" Naningkit ang mga mata ko

"Yes po" tumango naman si Dethan "Kahit na malayo kami sa nanay ko hindi po nag hanap ng ibang girl si Tatay, kwento po sakin ni Tatay na inaalagaan nya po si Nanay nung kasama pa po namin sya. Ako po ang palaging inuuna ni Tatay sa lahat ng bagay, lahat ng oras nya ay nasa pag tuturo nya at siyempre po may oras din saakin. Magalang at may Respeto si Tatay kaya maraming girl ang nag a-admire sakanya pero mas natimbang parin ang pag mamahal ni Tatay sa Nanay ko" kwento ni Dethan habang nakangiti

"Grabe naman yang tatay mo" ngumiti
ako "By the way, ano ang name nya?"

"Hans Ethan Torres po" sagot agad ni Dethan

Hans Ethan Torres...


Pati pangalan ni Hans ay parehong pareho, sila na ba ang mag ama ko?


Si Raya ba ang kasama ko ngayon?...


"Sa birthday ko po pumunta ka Tita Madeline ah? Ipapakilala po kita sa Tatay ko" nakangiting sabi ni Dethan


Shocks....


How I wish na totoo ang mga kutob ko?



After naming kumain ng lunch ay pumunta naman kami sa isang clothing store



"Here Dethan, bagay sayo" ipinakita ko sakanya yung dress na nakita ko

"Yes Tita pero ang mahal po" tinignan nya yung tag price

"It's okay, pera ko naman ang ipang babayad" ngumiti ako sakanya

"Ayaw po ni Tatay na mag pabili po ako ng mga mamahaling gamit, dahil matuto daw po akong makuntento sa mga binibigay nya saakin" kinuha nya yung damit at ibinalik "And pinag hirapan nyo po yung perang ipambabayad nyo kaya huwag nalang po Tita Madeline, itabi nyo nalang po yang perang gagastusin nyo sakin"


Bata palang alam na talaga ang value ng pera, grabe ang pag papalaki ng tatay nito.

I hope na makita ko yung tatay ni Dethan



Dalawang damit lang yata ang naibili ko kay Dethan, pero sa dalawang damit na yon ay mababang halaga lang.



Proud din ako kay Dethan dahil sa murang edad ay alam nya ang value ng pera.



"Thank you Tita" niyakap ako ni Dethan


Gabi na kaya inihatid ko sya sa may telement, kahit na nasa pinaka itaas pa ang bahay nila ay inihatid ko parin si Dethan dahil gabi na at babae si Dethan.




"Tatay" tumakbo agad si Dethan at yumakap sa taong nilapitan nya


Nauuna kasi sakin si Dethan at ako naman ay nahuhuli ng lakad dahil ka chat ko si Mama at pinipilit na dumalo sa family dinner kasama ang pamilya ni Oliver


Nang makita ko si Dethan na kasamahan nya ang tatay nya ay umalis na din ako, since dala dala naman na ni Dethan yung mga pinamili nya.



Nag taka rin ako dahil huminto na yung ulan, kesa kanina na papunta kami ni Dethan ay napakalakas ng Ulan



Dahil huminto naman na yung ulan ay pupunta akong DNA center ngayon para mag pa test, dala dala ko na din yung straw na ginamit ni Dethan kanina.



"After 3 days pwede nyo nang makuha yung result" nakangiting sabi ng Doctor

"Sige po Doc" ngumiti ako

Pag ka labas ko ng DNA Center ay nakasalubong ko si Clara



"Clara" lumapit ako sakanya

"Ma-Madeline" niyakap nya ko

"May tanong ako"

"Ano yon?" Di sya makatingin saakin

"Sino ang ama ni Dethan?" Mahinahong sabi ko

"Dethan? Sino yon?" Napakunot ang noo nya

"Si Dethan, eto pa yung picture nya oh" pinakita ko sakanya yung picture namin kanina ni Dethan sa mall

"Uhm I have to go na Madeline" paalam nya sakin at nag mamadaling umalis

"Clara" sigaw ko pero hindi na sya lumingon

Follow me on IG: sulatni_sunny

Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now