CHAPTER 45 (THEY ARE ALIVE?)

26 2 0
                                    

Nakita ko sa mukha nya ang bakas ng pag kakagulat


"Uhmm, may dumi ba ko sa mukha?" Kinapa ko ang mukha ko

"Uhhh, wala po" umiling si Dethan


Masayang kasama si Dethan at inaamin ko napasaya nya talaga ko ngayong araw, ipinahatid ko din sya kay Mang Yuan para makauwi na rin



Si Alex naman ay pinuntahan ko sa may Art Room para kausapin



"Alex" lumapit ako sakanya

"May iba ka nang baby, hindi mo na ko baby" nag mamaktol nitong sabi

"That's not true, ikaw parin ang baby ko" niyakap ko sya

"Pero masaya ka nang kasama mo po si Dethan, ever since Tita Mommy hindi po kita nakitang ngumiti ng ganon" tumingin sya sakin na masama ang loob

"You know naman na I love baby Girl diba? You know how I loved Baby Girl Alex" ngumiti ako

"I'm so sorry Tita Mommy sa nagawa ko kanina" niyakap nya din ako

"Huwag ka sakin mag sorry okay? Kay Dethan ka mag sorry dahil sya ang nasaktan mo kanina" sabi ko

"Yes Tita Mommy" tumango sya


I'm so happy na naging maayos din si Dethan at Alex, parati na ring mag kasama ang dalawa at hindi mapag hihiwalay



Nag extend si Axl ng 1 month sa Cavite, mukhang napaka importante nga ng inaasikaso nya don



"Dethan hindi ka ba hinahanap sainyo?" Tanong ko kay Dethan nang mag dala ako ng pagkain sa play area ni Alex

"Busy po si Tatay sa pag tuturo and yung kaibigan lang po ni Tatay ang nag babantay sakin" sabi ni Dethan habang nag lalaro sila ni Alex ng baril barilan



Kinakabahan ako sa batang toh baka mamaya ay maging tombi pag laki



"Kamukha ng batang kalaro ni Alex si Hans" napahinto ako nang marinig ko ang sinabi ni Yaya Mia



Sumilip ako ng kautin at nakita kong ka kwentuhan ni Yaya Mia si Manang Sol



"Mia para saakin lang, mas sumaya si Madeline nang palagi nang andito yang si Dethan. Imagine, ilang taon nyang kasamahan si Alex pero hindi sya maka ngiti ng tunay" sabi ni Manang Sol

"Feeling ko nga po Manang, may galit saamin si Madeline. Sinubukan po naming hanapin si Hans kaso hindi po talaga namin mahanap"



Hindi alam ni Yaya Mia na patay na ang anak nya....



Napakunot ang noo ko nang biglang sumisigaw si Alex at Dethan, nag mamadali akong lumabas para tignan ang dalawa.



Naramdaman ko din ang pag sunod sakin ni Yaya Mia



"Bitawan mo si Alex" tumakbo agad ako papunta kay Alex nang pilit na hinahatak ni Claire yung bata


Binitawan naman ni Claire si Alex, sinenyasan ko si Yaya Mia na kuhanin muna si Dethan at si Alex.




"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko kay Claire

"Ang mag ama ko ang kailangan ko" lumapit sakin si Claire 

"Ang mag ama mo? Diba iniwanan mo si Axl at Alex para sa pera? Ano wala na bang pera ang kinakasama mo?" Pagalit kong sabi

"Pero kasal parin kami ni Axl!" Pag mamatigas pa nya

"Nag paka asawa ka ba sakanya? Kahit kay Alex hindi ka naging ina" mariing sabi ko



Napa atras ako ng kaunti nang lumuhod si Claire


Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now