CHAPTER 46 (WHAT IF?)

20 2 0
                                    

Siguro ay nag ka ayos na si Axl at Claire, kung ganon naman ang nangyari I'm so happy for them.

"Tita Madeline!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Dethan

"Dethan" napangiti ako

"Punta ka po sa birthday ko" binigay nya sakin yung isang invitation card

"Sure" tumango ako

"Asan po si Alex?" Tanong nya saakin at tumingin sa likod ko "Hindi mo po kasama si Alex?"

"Hindi" umiling ako "Kasama nya kasi yung Mommy nya" sabi ko

"Sakto Tita, punta ka po sa bahay namin wala po kasi si Tatay e and si Tita Clara at Tito Zeus po umalis" kwelang sabi ni Dethan

Clara? Zeus?

Ka ano ano nya sila Clara?

"Su-sure, since wala naman akong gagawin ngayon"

Masayang masaya si Dethan nang pumayag ako, nakatira pala sila sa isang telement. Na pag ma-may ari ni Papa.

"Uy si Ma'am Madeline andito!" Sabi ng isang matanda

Pumasok kami sa isang maliit na bahay, nakita ko agad ang mga picture ni Dethan.

"Juice po gusto nyo?" Tanong sakin ni Dethan

"Sige" tumango ako at umupo sa may sofa

Nakita kong kumuha ng juice si Dethan sa may ref nila, makikita mo lang kasi yung kusina nila dahil maliit lang naman yung bahay

"Eto po" binigay na saakin ni Dethan yung isang basong Juice

Ininom ko naman yon ng isang lagukan lang

"By the way saan ka pala mag ce-celebrate ng birthday mo?" Tanong ko

"Sa house po ni tita Clara or sa house po ni tito Zeus" sabi ni Dethan at tumabi saakin

"Ka ano-ano mo si Clara at Zeus?" Tumingin ako sakanya

"Friend po sila ni Tatay" ngumiti sakin si Dethan

Hmm?

Sino naman kaya?

"Asan pala ang nanay mo? Gusto ko syang makilala" ngumiti ako kay Dethan

"Wala po akong nanay" umiling sya

"Ha bakit?" Napakunot ang noo ko

"Kwento po sakin ni Tatay, itinago daw po nya ko sa Nanay ko. Ang gulo daw po kasi ng sitwasyon nila Nanay at Tatay non e, hindi din po nila inaasahan na dadating ako sa buhay nila dahil naka arranged married daw po si Nanay sa ibang Boy. Sabi pa po ni Tatay na babalik kami kay Nanay pag okay na po ang lahat, kaso po kwento ni Tita Clara na may iba na pong family ang ang nanay ko, kaya nalulungkot din po ako dahil matagal ko na pong inaasam na mag karoon ng kompletong pamilya" pag kwe-kwento ni Dethan

Halos lahat sa kinuwento nya ay tugma sa mga pinag daanan namin noon ni Hans

Pero what if?

What if si Dethan ang nawawala kong anak?

What if sya si Raya?

"Ay Tita mag papalit lang po pala ako ng Damit" tumayo si Dethan

"Okay sige" tumango ako

Habang hinihintay si Dethan ay tumunog naman ang selpon ko, si Manang Sol tumatawag

"Yes Manang?"

[Umuwi ka na Madeline, umuwi ang Mama at Papa mo]

"Po?"

Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now