CHAPTER 44 (DETHAN?)

26 1 0
                                    

Bibong bata si Alex at gustong gusto ko ang personality nya, ka ugaling ka ugali nya ang Daddy nya.


Pero ipag papalit ko ba ang mag ama ko para sumaya ko?

"Tita Madeline si Alex mo nakikipag away" napalingon ako nang kalabitin ako ni Kira

"Ha? Bakit asan sya?" Tanong ko kay Kira

"Nasa pool Area po" sabi ni Kira

"Louise, tara si Alex" tumayo ako at inaya si Louise


Pumunta ako sa Pool Area at nakita ko si Alex na nakikipag away. Nakita kong nakikipag away si Alex sa babae


"Alex" lumapit ako kay Alex

"Tita Mommy inaaway nya ko" tinuro nya yung batang babae tsaka yumakap saakin

Tinignan ko yung batang babae at parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang mukha nya

Kamukha nya si Raya...

Dahil may nunal sya malapit sa bibig at sa bandang mata na katulad din ng kay Raya, yung labi din nya kamukhang kamukha ni Raya


Pero imposible naman


Patay na ang anak ko....


"Tinulak nya po ako" sabi ng batang babae

"Hindi kita tinulak!" Kumawala sakin si Alex at lumapit sa batang babae, napaawang ang labi ko nang malakas na tinulak ni Alex yung bata

"Alex" sumeryoso ang boses ko, pinuntahan ko yung bata at tinulungan tumayo

"Tita Mommy, why did you help her?" Tanong sakin ni Alex

"Ang bad mo Alex, hindi ka dapat nananakit ng babae" seryosong sabi ko

"Isusumbong kita sa tatay ko!" Galit na galit na sabi ng bata saka umalis


Dismiyado ako sa ginawa ni Alex, palagi kong sinasabi sakanya na huwag na huwag syang mananakit ng babae

"Tita Mommy bakit mo po tinulungan si Dethan!" Galit na sabi ni Alex habang pabalik kami sa table namin

"Dethan?" Napalingon agad ako kay Alex

My Haraiah Dethan....

"Oh huwag mag assume baka mag ka pangalan lang" sabi ni Louise at binunggo ako

"Louise-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapasulyap ako sa isang table at nakita ko si Clara at Zeus

Bakit andito si Clara at Zeus?

"Alex ah, bad ang ginawa mo di mo dapat sinasaktan yung batang babae kanina" narinig kong sabi ni Louise

"She's so annoying tita Louise" Sabi ni Alex

"Kahit na, matutong mapag pasensya"

Napangiti ako nang mapatingin din sakin si Clara, nakita kong palapit sya saakin


"Oh my God Madeline!" Niyakap ako ng mahigpit ni Clara

"I miss you" sabi ko at niyakap ko din si Clara

"Grabe ang tagal na nating hindi nag kita" sabi ni Clara

"Tita Mommy pupunta lang po kami ni Tita Louise sa Mommy ni Kira" paalam sakin ni Alex

"Sure Alex" tumango ako at ngumiti sakanya

"Anak mo?" Tanong sakin ni Clara at tumingin kay Alex

"Nope" umiling ako "Anak ni Axl"

Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now