CHAPTER 55 (HANS ETHAN TORRES)

31 1 0
                                    

HANS POV

"Mama baon ko po?" Pumunta ako sa kusina para mang hingi ng baon kay Mama


Binigyan naman ako ni Mama ng Sampung piso


"Pasensya ka na muna nak, yan muna ang baon mo ngayon kapos si Mama at Papa e" tumingin sakin si Mama at ngumiti

"Okay lanh po" ngumiti ako




Umalis na ko ng bahay, nag lalakad lang ako ngayon kasama yung bff kong si Axl



Pag kapasok namin sa school ay pumunta na agad kami sa room namin, grade 5 palang kami ni Axl at nasa Section A kami





Walang klase ngayon dahil foundation day, kaya yung mga ate at kuya namin ay abala na sa mga booth



"Pa kiss mark tayo!" Hinila ako ni Axl

"Ayoko" tumanggi ako

"KJ mo naman!" Reklamo ni Axl

"Mapapagalitan ako ni Mama" tumingin ako sakanya

"Photo booth nalang tayo?" Tumabi sakin si Axl sa pag upo

"Sige" pag payag ko kaya naman ay tuwang tuwa na naman siya



Naging mag bff kami ni Axl when I was kinder 1, sya lang ang palaging kumakausap saakin noon dahil wala naman ako kakilala dito sa Manila.



Pumunta na kami sa photo booth, napa atras ako nang sabihin na may bayad ito. Limang Piso bawat isang shot


"Wala akong pera Axl" bulong ko sakanya

"Ako ang bahala, ililibre nalang kita" nakangiti nitong sabi



I'm so grateful na may kaibigan akong katulad ni Axl



After namin sa photo booth ay pumunta naman kami sa isang food corner para kumain



"Madeline, libre mo na kasi ako!" Rinig kong sabi ng isang babae, Grade 2 din toh section A

"Louise wala akong pera!" Sabi naman ng kasamahan nyang babae

"Hoy Hans, crush mo sila noh?" Binunggo ako ni Axl

"Hindi ah" pag tanggi ko

"Sus, kung makatitig ka sakanila iba e" pang aasar pa sakin ni Axl

"Sabi ni Mama bawal daw muna ko mag ka crush" sabi ko at kinain na yung natitirang fishball sa cup ko



Iniwan din ako ni Axl dahil tinawag sya ng iba nyang mga kaibigan kaya mag isa na naman ako, pero okay lang naman.



"Hans Ethan Torres?" May grade six pupils ang lumapit sakin

"Yes po" tumango ako

"Sumama ka samin" hinawakan naman ako ng dalawang lalaki



Gusto kong mag pumiglas, kaso ayoko baka masabihan pa kong kj


Nanlaki ang mga mata ko nang papunta kami sa may Marriage Booth



Ayoko pang ikasal....



Pag kadating namin don ay andon na yung babae, yung babae kanina sa may food corner.

Maulan din nung araw na toh kaya inilipat ang mga booth sa may bandang stage para di mabasa

Medyo pandak sya at hanggang leeg lang yung buhok, maganda sana sya kaso naka simangot pumangit tuloy sya.


Nang makita ko si Axl na nakangisi ay sinamaan ko naman sya ng tingin



Ulan (Destiny series#2)Where stories live. Discover now