Chapter 1- Flashback

117 10 3
                                    

4 years ago...

Nadine's Point of View:

"Bakit mo ulit ginagawa 'to?" tanong ko nang buhatin ni Daniel yung mga libro ko.

Nginitian niya ako. "Kasi nililigawan kita."

Tinignan ko siya. "Bakit mo ako nililigawan?"

"Kasi gusto ko." sagot niya.

"Bakit mo gusto?" tanong ko. Ako na ang maraming tanong. Pero nagtataka ako eh.

Ngumiti ulit siya. Pero bakit may iba sa ngiti niya? "Kasi gusto kita."

"Bakit gusto mo ako?" nagulat ako, pero hindi ko pinakita.

Nagkibit-balikat si Daniel. "Kasi gusto kita. Yun."

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad papuntang classroom ng tahimik.

***

Dalawang linggo na akong nililigawan ni Daniel. Sweet naman pala siya. Pero paminsan, lutang siya, kinakausap yung sarili niya. Hindi ko makita ang sarili ko na sinasagot siya, pero sana maging magkaibigan nalang kami.

Daniel's Point of View:

"Deej, kamusta na?" tanong ni Quen.

Inalis ko yung pagkaakbay niya sa akin. "Mabuti. Naniniwala siya. Si Kath?"

"Nasa ibang school siya, pare, kung hindi mo alam." bagot na sagot niya.

Binatukan ko siya at naupo na kami kung saan wala masyadong tao.

Nadine's Point of View:

"Gurl, bat wala kang pake? Nililigawan ka ni Daniel Padilla tas ganyan ka?" tanong ni Yassi.

Inirapan ko siya. "Yas, wala naman akong nakikitang dahilan para pagkaguluhan siya eh. Tao lang yun."

"Bahala ka nga." at umalis na siya para magbanyo.

Palabas na sana ako ng school para dun nalang siya hintayin nang makita ko si Daniel at Quen. "Oo nga. Nililigawan ko lang si Nadine para mapaselos si Kath. Alam mo naman yun eh."

"Anong mangyayari kay Nadz pagkatapos?" tanong ni Enrique.

Yumuko si Daniel. "Hayaan mo siya. Parang wala namang nangyayari sa kanya eh. Walang epekto sa kanya lahat ng ginagawa ko."

Tumawa si Quen. "Dude, parang si Kath lang. Baka si Nadine yung kambal ni Kath!"

"Ogags, walang kapatid si Kath. Only child siya, diba?" sabi naman ni Daniel.

"Pero seryoso, kaya mo talagang saktan si Nadine?" seryosong tanong ni Quen.

Tinignan ni DJ si Quen ng diretso. "Alam mo naman na lahat gagawin ko para kay Kath eh. Kahit pagselosin siya, makuha ko lang siya. Mali man, pero gagawin ko."

Ngumisi si Quen. "Wala na talagang bawian yan?"

Tumango lang si DJ.

Maluha-luha akong tumakbo palabas ng school. Kinuha ko yung phone ko. Tinawagan ko si Yassi.

"Y-Yassi..." iyak ko.

And everything went black.

A/N:

Sorry so short. I wouldn't have done this without Alijah1123. Thanks a bunch.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon