Kathryn's Point of View:
"Nadz, hangout tayo kasama nila Yassi at Liza this Saturday." aya ko nang makita ko siya sa canteen.
Tumango siya. "Sige ba. This Saturday ah?"
Ngumiti ako sa kanya at bumili na kami ng makakain.
***
"Anong color mas bagay?" tanong ni Yassi at nagtaas ng red at light blue na nail polish.
"Yung blue." sabay na sabi naming tatlo.
Nagtaas si Liza ng pink at lavender na nail polish. "Sa akin?"
"Yung purple." sagot naming tatlo.
Nasa salon kami ngayon, nagpapanail polish. Pareho kaming white ni Nadine na nails. Malay ko ba, nafeelan lang namin.
Habang kinukulayan yung isa kong kamay, may nagtext sa akin. Buti nalang at kakasimula palang so pwede ko pang kalikutin yung phone ko.
DANIEL:
Kath, nasaan ka?"Sino yan?" tanong ni Yassi.
Nginitian ko siya. "Boyfriend ko. Tinatanong kung nasaan ako."
KATHRYN:
Nasa salon, kasama si LizaIn-off ko na yung phone ko pagkatas nun.
Dalawang oras na kaming nasa mall, kumain na, nagwindow shopping, naglibot, kung ano ano na ginawa naming apat. Ang saya nilang kasama. Sobrang saya ko na may mga bago akong kaibigan.
May nakita akong mga gitara kaya nilapitan ko pinulot ko yung isa at tinignan ng mabuti.
"Para saan yan?" tanong ni Liza na humabol pala sa akin.
Nilingon ko siya at binalik yung tingin ko sa guitara. "Para kay DJ, naalala ko na nasira ni Quen yung gitara ni DJ nung tinackle siya ni Quen. Bibilan ko nalang siya ng bago."
Pumunta na ako sa cashier at binili yung gitara.
Naglibot-libot pa kami ng mall hanggang sa naisipan na naming umuwi muna sa bahay ni Nadine.
Nadine's Point of View:
Nanonood kami ng sine sa kwarto ko. Si Yassi nakasandal sa harap ng kama habang may bowl ng popcorn sa gitna ng tiyan niya at ng tuhod niya, si Liza nasa lapag na nakadapa habang nakataas yung paa niya habang kumakain ng popcorn na nasa tapat niya, tas magkatabi kami ni Kath sa kama ko at may tag-isang bowl ng popcorn.
Ang saya ng araw na 'to. Wala akong maisip na mas magandang gawin ngayon.
Napatingin ako sa phone ko nang may magtext.
JAMES:
Where are you?Sumubo muna ako ng popcorn bago ko siya nireplayan.
NADINE:
Nasa bahay kasama. Kasama si Yassi, Liza at Kath.Hindi na siya nagreply pagkatapos nun, kaya nanood nalang ulit ako.
***
"O, sige, ingat kayo ah?" pahabol ko bago sila umalis para umuwi.
Gabi na at madami na kaming nagawa. Sana palaging ganito, noh? Yung walang problema. Yung chill lang. Dumiretso nalang ako sa kwarto para magpahinga.
A/N:
Sorry short chapter and walang nangyari. I'll make it up sa next chapter. Check out Alijah1123's Love and Hate nga pala. Yun lang, thank you.
BINABASA MO ANG
Broken Pieces
FanfictionDid you ever think that maybe the perfect person for you might not be as perfect as the perfect person you thought was perfectly perfect for you like the perfect person for you? Nadine Lustre. Kathryn Bernardo. Daniel Padilla. James Reid. Four peopl...