3rd Person's Point of View:
Tatlong araw nang sinusubuka ni Kath na makita si Nadine. Pero tatlong araw na rin ang walang nangyayari. Bakit? Dahil kay Liza at Quen. Tatlong araw nang nawawala si James at parang lutang palagi. Tatlong araw na ring umaalis sina Yassi at Andre ng biglaan. Halos mag-isa lang palagi si Nadine o kaya si Kath. Pero kahit gaano katagal pa silang magplano, may nangyayari pa rin na nagpipigil na magkita sila.
"Liza, medyo weird ba yung past three days recently?" tanong ni Kath kay Liza.
Napatingin si Liza kay Kath, medyo kinakabahan sa tanong ng kaibigan. Umiling siya habang nagpipilit ng ngiti. 'Hindi naman. Bakit? May mga weird bang nangyayari sayo?"
Tumango si Kath habang tumitingin sa malayo. "Oo nga eh. Hindi ko makita-koita si Nadine kahit gaano pa kagaling yung pagpaplano namin. Weird noh? Malala pa, ang unusual nung mga nagpipigil sa mga meet-up namin."
Apat na taon na ang nakalipas nung nagplano sila ni Quen, pero nhung binasted ni Kath si Daniel, oaipangan nilang gumawa ng paraan para maayos ang lahat. And things took a turn for the better. Or so they thought. Kasi mas magulo na ang lahat kesa 4 years ago.
"Weh? Oo nga noh, weird. Ahhh, Kath, sorry, pero kailangan ko nang umalis eh. May pag-uusapan lang kami ni Quen. Hehehe sige na bye." sabi ni Liza habang tumatayo at umaalis.
Nagkota sila ni Quen sa classroom na walang tao. Kinakabahan si Liza. Niyakap niya si Quen nang niya siya. Napatingin si Quen kay Liza.
Kumunot ang noo ni Quen. Nagulat siya nang makita ang mga luha na mahuhulog na sana sa mga mata ni Liza. Inupo ni Quen si Liza sa pinakamalapit na upuan at tumabi siya sa kanya. "Bakit? Anong nangyari?"
Umiling si Liza habang niyakap siya ni Quen. "Di ko na kayang magsinungaling sa kanila. Best friends natin sila. At masasaktan sila. Lalo na silangb masasaktan pag hindi natin sabihin ngayon, at isabay natin panahon na magkatotohanan na."
Hinaplos ni Quen ang buhok ni Liza. Tahimik lang na lumuluha si Liza sa balikat ni Quen. Naiintindihan ni Quen si Liza kasi pati siya nahihirapan na. Hinarap ni Quen si Liza sa kanya. "Kaya natin 'to. Konting tiis nalang. Okay?"
"Okay." tumango si Liza.
"Pero look at what we've done so far... okay pa naman, diba? Just as planned habang hindi pa tayo sure sa mangyayari." bulong ni Quen.
Tumango si Liza, naaalala yung mga ginawa nila the past three days.
"Quen... paano kung sa huli... pagkakamali lang talaga yung plano natin dati? Tayo rin ang magsisisi? May mga mas madali at mas hindi komplikadong paraan din naman eh. Nagpakahirap pa tayo. Nagdamayan pa tayo." bulong ni Liza.
Tumayo si Quen at hinalikan si Liza sa noo. "Shhh... lahat tayo nagkakamali, remember? Kaya natin 'tong lagpasan, Liza."
Tumango lang si Liza at niyakap ulit si Quen. Ayaw niyang mawala ang isa sa mga kaibigan niya. Lalo na si Quen na alam niyang mas malalim pa sa kaibigan ang nararamdaman niya para sa kanya. At natatakot siya na hindi rin ganon ang pagtingin ni Quen sa kanya.
Tumayo na si Liza, pero napaupo ulit siya nang makaramdam siya ng hilo. Nabigla si Quen at hinawakan niya ang kamay ni Liza.
"Okay ka lang? May masakit ba? Sabihin mo lang." nag-aalalang sabi ni Quen.
Hinawakan ni Liza yung ulo niya at napapikit. Umiling siya at nagpilit ng ngiti. "W-wala... medyo... masakit lang talaga... ulo ko."
Pagkatayo niya, lumabas na kaagad siya ng classroom. Sobrang nahihilo na siya. Sa sobrang hilo ay nahimatay siya.
"Liza!" sabi ni Quen habang sinasalo siya. Napatingin siya sa babaeng walang-malay, kinakabahan. Binuhat na niya si Liza, bridal-style, at tumakbo sa clinic. Namumutla siya at medyo mainit na siya. Sobrang kinakabahan si Quen sa nangyari.
Biglang sumulpot si Yassi at Andre, nanhg makita nila ang dalawa, nagulat sila.
"Anong nangyari?" tanong ni Andre.
Hinihingal na si Quen. "Nahimatay nalang siya bigla."
Hinawakan ni Yassi si Liza sa noo. "Mainit siya. Dalhin na natin siya sa clinic."
Nang makarating sila sa clinic, nagulat sila na makita si Kath at Daniel. Si Daniel nakaupo sa tabi ng natutulog na Kath. Hiniga ni Quen si Liza sa kama sa tabi ni Kath at inasikaso na siya ng nurse kasama si Andre habang si Quen at Yasso kinausap si Daniel.
Tumayo si Daniel na medyo mugto ang mata. "Nawalan siya ng malay nang may nagtulak sa kanya. Tumama siya sa bench. Medyo malaki sugat niya at nagkasprain siya sa left ankle niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising."
Tinignan ni Yassi si Kath at hinaplos ang braso niya. Tinignan niya si Daniel. "Alam mo ba kung sino ang nagtulak sa kanya?"
"Babae. Nakaasul. Di ko nakita yung mukha niya." bulong ni Yassi.
Kinabahan bigla si Yassi. Tumango siya at may tinawagan.
["Hello? Bakit po?"]
"Si Kath. Walang malay. And I think I know who did it." bulong niya. Napalingon siya kay Quen at Daniel at lumabas muna.
["Sasabihin ko po sa iba. 10 minutes po sa usual."] sabi ng babae na mas bata sa kanya.
"Bilisan nila. Malala na pala." sabi ni Yassi at binaba na ang tawag. Napabuntong-hininga siya, at saktong lumabas si Andre. Inakbayan ni Andre si Yassi.
Ngumiti ng pilit si Yassi. "Di ko na alam gagawin ko. Gagawin natin."
"Tiwala lang. Matatapos rin 'to." bulong ni Andre.
Sumandal si Yassi kay Andre. "Sana nga."
Pagkasabi niya nun, pumasok na sila ulit.
"Over fatigue. Sa stress daw at mentally tired. Nilagnat na siya at medyo maputla." sabi ni Quen.
Tumango si Andre habang tumingin si Yassi kay Liza. Tapos kay Kath na may benda sa ulo. Tumingin siya kay Quen at Daniel. "Kailangan na namin umalis. Pakiupdate nalang sa kanilang dalawa. And yes, Daniel, I'm keeping this to myself."
Nabigla si Daniel. "Paano mo alam na-"
"I can see it clearly. I know about you and Kath. It's personally fine with me." sabi ni Yassi at umalis na sila ni Andre.
Pumunta sila sa usual classroom nila at kumatok. Binuksan ng kausap si Yassi kanina. Nginitian nilang tatlo ang isa't isa. Tumango si Andre at pumasok na silang tatlo. Kumpleto na sila.
Bumuntong-hininga si Yassi at nagsimula na sila.
BINABASA MO ANG
Broken Pieces
FanficDid you ever think that maybe the perfect person for you might not be as perfect as the perfect person you thought was perfectly perfect for you like the perfect person for you? Nadine Lustre. Kathryn Bernardo. Daniel Padilla. James Reid. Four peopl...