Chapter 9- Bonding

20 6 1
                                    

Daniel's Point of View:

Kasama ko si Kath ngayon at naglalakad-lakad kami sa mall. Walang school ngayon kasi may seminar yung mga teacher. Napatingin ako sa kanya. Nakaakbay ako sa kanya habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.

"Bakit?" natatawang tanong niya sa akin.

Nginitian ko siya. Tapos hinalikan ko yung ilong niya. "Wala. Ang kyut kyut mo lang talaga."

"Mambobola ka talaga." nakangiting sabi niya habang diniretso ulit yung tingin niya.

Naglakad-lakad pa kami lalo hanggang sa may naalala siya. "Siya nga pala, may ipapakilala ako sayo. Alala mo si Nadine? Diba nakwento ko na siya sayo? Hindi oa rin kasi kayo nagkakakiklala eh."

Nanigas ako sa narinig ko. Oo nga pala. Kaibigan ni Kath si Nadine. Yung babaeng ginamit ko para makuha si Kath. Ang babae na dahilan kung bakit magkasama kami ni Kath ngayon.

Naaalala ko pa yung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

Flashback:

"Ano? Bakit? May nagawa ba ako? Daniel, dalawang buwan mo na akong binabalewala. Alam kong may problema, sabihin mo lang. Gagawan ko ng paraan." naiiyak na sabi niya.

Umiling lang ako. "Nadine... you are a great person. Anyone will be lucvky to love you."

"Bakit hindi ikaw? Bakit ba? Ano ba yung problema? Sabihin mo lang, Daniel, hindi yung basta-basta ka nalang makikipaghiwalay ng wala man lang warning!" sigaw niya sa akin.

Buti nalang at sa rooftop ko siya dinala. Alam kong masasaktan siya. Alam kong mali. Pero mali rin na sinimulan ko 'to.

"Nadine... hindi ko gustong saktan ka." mahinang sabi ko.

Pinanasan niya yung luha niya, pero may mga tumutulo pa rin. "So bakit mo ginagawa?!?!"

"KASI HINDI KITA MAHAL! Alam kong masamang sinabi ko 'to sayo pero yun yung totoo!" sigaw ko nalang.

Napaupo siya sa lapag. Nilapitan ko siya. Pero tinulak niya ako pagkatayo niya. "May iba ba? Sabihin mo lang! Sabihin mo! Sino siya?!"

Tahimik lang ako. Tama siya. May iba nga. Ginagamit ko lang naman talaga siya, diba? Nakuha ko na yung babae, hindi ko na kailangan. Ang sama sama kong tao, alam ko. Alam ko yun. Tanggap ko yun. Pero mahal ko eh. Mahal ko siya ng sobra na kaya kong makasakit para lang makuha siya.

"I'm sorry..." sabi ko nalang at umalis na.

End of Flashback:

"DJ? Hello...?" sabi ni Kath habang winawagayway yung kamay niya sa harapan ko.

Umilung ako at napatingin sa kanya. "Nalutang ako... sorry. Bakit?"

"Kanina pa kita ginigising diyan sa iniisip mo kasi nandito na tayo sa resto. Ano bang iniisip mo?" tanong niya nang pumasok kami at umupo sa four-seater table.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon