Nadine's Point of View :
"Kathryn. But call me Kath."
I studied her face. Parang kilala ko siya from somewhere eh.
Pinanlisikan ko siya ng mata, inaalala kung kilala ko ba siya. Nakakagulat kuhg paano kami magkapareho ng mukha, konti lang yung pinagkaiba. Kung may kapatid lang ako, siya na sana. Hahaha pero only child ako, so sad.
Kathryn...
"Kilala ba kita?" tanong ko.
Umiling siya. "I don't think so. Baka hindi."
Ngumiti ako. "Wala lang siguro yun."
"Halika, treat kita." sabi niya. Wow, libre agad? Magiging magbest friend kami ng babaeng 'to, hahahaha.
***
"May boyfriend ka?" tanong ni Kath habang kumakain kami ng frozen yogurt.
Umiling ako. "4 years ago, meron. Pero nakipagbreak siya eh. Di ko alam bakit."
"Talaga?" sabi niya, interesado sa kinukwento ko.
Tumango lang ako.
"Mahal mo pa?" tanong niya.
Sumubo ako at napatingin sa malayo. "Oo eh. Mahal ko pa."
Ngumiti siya ng marahan. "Makakahanap ka rin ng lalakeng para sayo. Yung lalakeng parang yung boyfriend ko."
"Gaano katagal na kayo?" tanong ko. Change-topic muna para masaya.
Ngumiti siya. Mahal na mahal niya siguro yung boyfriend niya. "4 years na kami ngayon. Anniversary nga namin ngayon eh."
Napatigil ako. Anniversary nila? Ito rin yung araw na pinakakinalulungkot ko. Umiling ako. Wala lang siguro yun. Bakit, ako lang ba dapat ang may karapatan sa araw na 'to? Hindi naman, diba?
Kathryn's Point of View:
"Nadine, mauna na ako, kita nalang tayo." sabi ko habang inaayos yung bag ko.
Tumango siya. "Sige, ako rin kailangan nang umalis."
Nginitian ko siya. "It was nice meeting you."
"Ikaw din." balik niya sa akin.
Pagkahiwalay namin ng landas, dumiretso na ako sa kotse ko.
Habang nagdadrive papunta sa bahay, naisip ko si Nadine. Parang kilala ko siya. Parang magiging importante siya sa buhay ko. Napangiti ako ng maalala ko yung gaan ng loob ko sa kanya. Sana makita ko siya ulit. Gusto ko siyang mapakilala kila Liza.
Lumabas na ako ng kotse ko nang makarating na ako sa bahay. Sinalubong ako ni Liza. "Kath! Sa wakas!" sabi niya ng yakapin niya ako.
"Napatagal siguro ako sa mall." natatawang sabi ko.
Tinignan niya ako. "Sa tingin mo?"
Pumasok nalang kami sa bahay at nakita ko si Quen at DJ.
Lumapit sa akin si DJ at inakbayan niya ako. "Bakit ang tagal mo?"
Ngumiti ako. "May nakilala kasi ako."
"Hoy! Sino?" palokong sabi niya.
"Baliw. Babae." natatawang sabi ko.
James's Point of View:
Nakikipagkwentuhan lang ako kay Yassi sa bahay ni Nadine. Umalis yung Daddy niya, at hinihintay namin si Nadine.
"James... sabihin mo na kasi. Hindi niya malalaman yan kahit sobrang halata na. Naging manhid na yun sa pagmamahal simula nang maghiwalay sila ni Daniel eh." sabi niya habang katext si Andre na pumunta dito.
Umiling ako. Nakatingin sa front door ng bahay ni Nadine. "Wag na. Okay lang ako."
"Hindi ka okay. Wala kang niloloko." sabi niya habang umiiling.
"Si Nadine naloloko ko." sabi ko habang inaalala ko siya. Matagal ko nang mahal si Nadine. Nalove-at-first-sight ako sa kanya kahit nung una ko siyang nakita, umiiyak siya sa rooftop ng svchool namin nung high school.
Biglang pumasok si Andre sa bahay. Lahat kami may susi sa mga bahay ng isa't isa. "Si Nadine?"
"Wala." sagot ni Yassi.
Tumingin lang siya sa amin. "Bat tayo nandito?"
"Baka naman kasi trip lang, diba?" sabi ko.
Umupo nalang din si Andre sa tapat ko, si Yassi sa gitna.
Nagkwentuhan nalang kami habang hinihintay si Nadine.
Nadine's Point of View:
Papasok na sana ako ng bahay ng mahulog yung bracelet ko. Hindi ko alam kung saan galing yun. Basta ever since, soot ko na yun. Punong-puno siya ng charms at mahaba, parang necklace, pero mas gusto ko siyang bracelet.
Pinulot ko yun at pumasok na sa bahay. Nakatingin ako sa bracelet ko habang papasok ng bahay.
"Nadz!!!"
Napalingon ako kila Yassi. Nako, mga akyat-bahay talaga sila kahit kelan.
A/N: Sorry so short. Sana nagustuhan niya. COMVO kayo ah? Anyways, shout out to Alijah1123, please do check out her story, Love and Hate.
BINABASA MO ANG
Broken Pieces
FanfictionDid you ever think that maybe the perfect person for you might not be as perfect as the perfect person you thought was perfectly perfect for you like the perfect person for you? Nadine Lustre. Kathryn Bernardo. Daniel Padilla. James Reid. Four peopl...