Chapter 2- Boyfriend?

61 7 2
                                    

Nadine's Point of View :

"Y-Yassi..." tugon ko pagkadilat ko. Puro puti ang nakikita ko. Nasa ospital ako. Ang sakit ng ulo ko. At wala akong masyadong maalala.

Lumapit sa kama ko si Yassi na mukhang nagaalala. "Nadz? Okay ka lang? May masakit ba? Ano bang nangyari? Gusto mo tawagan natin si tito? May gusto ka bang kainin?" sunod-sunod na tanong niya.

Napahawak ako sa ulo ko. Mas lalo siyang sumakit. "Y-yung ulo ko... gaano katagal na akong nandito?"

"Dalawang araw palang, Nadine. Tatawag ako ng doktor para sa ulo mo." sabi niya.

Bigla akong may naalala. Pinigilan ko siya. "Yas, anong nangyari sa recital? Diba kahapon yun?"

Napatingin siya sa akin. "Ano? Last month pa yung recital, Nadz. Anong sinasabi mo?"

Ano daw? Bakit ba wala akong maalala?

Yassi's Point of View:

"Tito, kakagaling lang ng doktor. May retrogade amnesia daw po si Nadine. Wala po siyang maalala since last month." sabi ko habang nakatingin sa natutulog na Nadine. Nakarating na yung Daddy niya. Hiwalay na sila ng Mommy ni Nadine, at hindi namin alam kung nasaan na siya.

Tumango si Tito. "Sige, Yassi. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo."

"Sige po, Tito." pagkasabi ko nun, lumabas na ako sa kwarto ni Nadine.

Pagkasakay ko sa kotse ko, nakita ko si DJ na papasok ng ospital.

Daniel's Point of View:

"Tito, nagising na po ba siya?" tanong ko sa Daddy ni Nadine.

Tumango siya. "Kanina lang. Si Yassi yung nagbabantay. Sabihin mo nga saakin, kelan naging kayo ng anak ko?"

Tinignan ko si Nadine. "Nung araw po ng aksidente."

Tumango siya. "Sige, ikaw na ang maiwan dito."

"Sige po, Tito." umalis na siya pagkasabi nun.

Nagising si Nadine. Alam ko ang tungkol sa amnesia niya. At labag man sa loob ko, nagsinungaling ako at sinabi ko na kami na.

Tinignan niya ako. "S-sino ka?"

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya. Umupo siya ng maayos sa kama at tinignan ko siya. Ngumiti ako ng marahan. "Nadine... hindi mo ba talaga ako naaalala?"

Umiling siya. "Hindi."

Hinawakan ko yung kamay niya. Sana maniwala siya. At kwinento ko sa kanya ang kwinento ko sa Daddy niya. Ako na ang nagpresintang mag-alaga sa kanya. Gusto ko siya bilang kaibigan. Yun lang talaga. Hindi na pwede pang lumagpas dun. Kasi iba na yung nagmamay-ari ng puso ko.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon