Chapter 5- School

32 6 3
                                    

Kathryn's Point of View:

Lumabas na kami ni Liza sa canteen.

"Hindi ba talaga magpapauniform ang school na 'to?" tanong ni Liza habang umiinom ng juice.

Umiling ako. "Wag ka nang umasa."

Naglakad-lakad pa kaming dalawa hanggang sa nakita namin si Quen. Lumapit kami sa kanya dahil hindi pa niya kami nakikita.

"Si DJ?" tanong ko nang makalapit na kami kay Quen.

"Nagbanyo lang." sagot niya.

Magsasalita pa sana ako nang may makita akong babae. May kasama pa siyang isang babae na hindi ko kilala. At dalawang lalake.

Nilapitan ko siya. "Nadine!"

Tumingin siya sa akin at napangiti. Tumakbo siya palapit. "Kath! Anong ginagawa mo dito?"

"Dito ako nag-aaral." sabi ko.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Ako rin naman eh, mukhang tinadhana kaming magkita ni Nadine. Pero bakit ngayon lang? "Weh? Dito din ako! Bakit hindi pa tayo nagkikita sa school eh magaapat na taon na tayong nandito."

"Hindi ko alam. Malaki kasi yung school. Pero at least ngayon nagkita tayo." sabi ko.

"Ay! Nga pala... Si Yassi,-" kumaway sa akin yung isang babae. Kumaway din ako. "-James, at Andre." nginitian ko yung dalawang lalake. Bagay sila nung James, pansin ko lang.

Napalingon ako kila Liza at Quen. Tumingin ulit ako kay Nadine. Gusto ko siyang ipakilala sa kanila.

"Halika, pakilala kita. Pati na rin sa boyfriend ko." sabi ko.

Pumunta kaming lima malapit kay Liza. Bigla nalang nawala si Quen. "Liza, si Nadine nga pala. Tas sila Yassi, James at Andre." pagpapakilala ko.

Kumaway si Liza at ngumiti. Ginawa din yun nila Nadz.

"Si Liza. Kaibigan ko. Si Quen?" sabi ko. Nagkibit-balikat si Liza.

"Si Quen ba yung boyfriend mo?" bulong ni Nadine.

"What? Boyfriend? No way." sabay naming sabi. Tumawa kaming lahat.

"Nasaan na ba kasi yung dalawa?" tanong ko kay Liza.

Daniel's Point of View:

Nakita ko si Kath na may mga kasama. Hindi ko makita kung sino sila kasi nakatalikod sila sa akin. Lalapitan ko na sana sila nang makita ko si Quen.

"Daniel, wag kang pupunta dun." sabi niya.

Kumunot yung noo ko. "Bakit?"

"Basta. Wag." sabi niya habang hinihila ako palayo kay Kath.

Ano ba kasi problema nito? Bawal ko na bang makikilala ang mga kaibigan ng girlfriend ko?

Sumunod nalang ako sa kanya kesa na mag-away pa kami. Mamaya ko nalang sila kikilalanin. Habang hinihila niya ako, nagtext ako kay Kath. Baka magtaka yun kung nasaan kami.

Kathryn's Point of View:

DANIEL:
Sorry, Kath. Nababaliw na naman si Quen. Mamaya nalang tayo magkita.

Sayang. Gusto ko pa naman na magkakilala sila. Mamaya nalang siguro. Nakaalis na rin sila eh. Naglalakad-lakad lang kami ni Liza ulit.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon