Kathryn's Point of View:
Nakayakap sa akin si Daniel patalikod habang nakatingin kami sa kawalan. Wala lang, hinihintay namin sina Liza.
"Okay na ba yang ulo mo?" tanong niya.
Tumango ako. "Wala lang 'to. Malayo sa bituka."
Hinalikan niya yung noo ko. Pumikit ako. Sana ganito nalang kami palagi. Ewan ko. Pakiramdam ko talaga na may mangyayaring masama sa aming dalawa. Natatakot at kinakabahan pero sana wala lang 'to.
Pagkadilat ko, nakita ko si Quen at Liza na papalapit. Umayos ako ng upo at ganun din ang ginawani Daniel.
"Guys, raincheck muna please. May aasikasuhin lang kasi kami ni Quen sa project namin." paalam ni Liza.
Ngumiti ako habang tumatango si DJ. "Okay lang. Sige, ingat kayo, ah?"
"Oh sige, bye na. Thank you. Next time talaga." sabi ni Liza habang hinihila si Quen paalis.
Tumingin ako kay Daniel. "DJ...?"
"Bakit?" bulong niya.
Bumuntong-hininga ako. "Meet tayo kila James."
"Wag na. Dito nalang tayo." sabi niya habang hinahalikan ako sa noo.
Kumunot yung noo ko. "Ayaw mo ba makilala si Nadine?"
"Hindi naman sa ganon, pero kung hindi naman kami nakatakdang magkakilala, wag mo nang ipilit. Dapat dati pa kami nagkakilala kung dapat kami magmeet, diba?" sabi niya.
Umayos ako ng upo. "Magkakilala? O magkita ulit?"
"Anong ibig mong sabi-" gulat na sabi niya.
"Do you still have feelings for her?" bulong ko.
Niyakap niya ako, pero pumalag ako.
Tinignan ko siya. "Daniel, kaya ba ayaw niyong magtagpo? Dahil sa past niyo?"
"Kath, di naman sa ganon." sabi niya.
Umiling ako. "Edi ano? Gusto mo pa siya?"
"Hindi. Ikaw lang, Kath. Alam mo yun." sabi niya.
Niyakap niya ako. "Past mo lang naman siya diba? Pero tuwing kasama ko siya, naiisip ko kung bakit ako yung pinili mo, hindi siya. Sinaktan kita dati, DJ. Siya, hindi. Pero ako pa rin ang pinili mo. Sinaktan mo siya para sa akin. Halos magkaparehong-magkapareho kami, pero bakit ako?"
"Kasi ikaw ang mahal ko. Aaminin ko, niligawan ko lang siya dahil naaalala ko siya sayo. Pinagsisisihan ko yun, pero sinagot niya ako. Hindi ko siya kayang saktan. Pero dumating ka. Sinabi mo ang totoo. Nung panahon na yun, mahal pa rin kita. Kaya nakipaghiwalay ako. Sorry, Kath. Sorry." sabi niya sa akin habang hinihigpitan ang yakap niya.
Pinunasan ko yung mga luha ko. "Past lang naman siya, diba? Ayoko man sabihin pero, rebound lang? Panakip-butas."
Tumango siya. Hindi ko naman talaga intensyon na kaibiganin si Nadine. Nangyari lang talaga. Parang kilala ko siya dati pa. Ang gaan ng loob ko sa kanya.
Ayokong lumabas bilang masamang tao. Ayokong ipamukha kay
Nadine na ako ang pinili ni Daniel. Na panakip-butas lang siya. Ayokong manakit ng kahit na sino."Kath... kung guasto mo pa rin na magkita kami, okay lang. Para sayo." bulong niya.
Tumango ako. "Gusto ko magkaayos kayo. Kahit subukan mo lang. Please?"
"Okay. Susubukan ko." sabi niya. Pero nararamdaman ko ang kaba at takot niya.
Wala naman akong dapat ikatakot, diba? Past lang naman sila eh.
Nadine's Point of View:
Naglalakad-lakad lang kaming apat, su Yassi at Andre nasa likod namin, naglalandian. Joke lang, sweet lang talaga sila.
Bigla akong napatingin kay James. Medyo problemado mukha niya. Malalim iniisip.
"James? Okay ka lang?" tanong ko.
Napatingin lang siya sa akin. "Ahhh? Wala."
"Sure ka? Nawawala ka nalang bila-bigla." sabi ko.
Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Nadine!" napalingon ako at nakota si Kath na nasa tabi ko na pala.
"Lika! May papakilala ako sayo! Please? Miss na kita!" sabi niya at hinila ako, pero hinablot ako ni James. Napatingin ako sa kanya.
Kumunot yung noo ko. "Uyyy, sandali lang ako."
Pagkalingon ko kay Kath na nakangiti at may nakaakbay sa kanyang lalakeng ayaw na ayaw kong makita ulit.
Nang magkatugma ang mga mata namin, halos maiyak ako nang lahat ng sakit na naramdaman ko for the past 4 years bumalik.
"Nadine..."
"Daniel..."
BINABASA MO ANG
Broken Pieces
FanfictionDid you ever think that maybe the perfect person for you might not be as perfect as the perfect person you thought was perfectly perfect for you like the perfect person for you? Nadine Lustre. Kathryn Bernardo. Daniel Padilla. James Reid. Four peopl...