Chapter 16- Bad Luck

22 0 0
                                    

A/N:
Naaadik na si Julianna sa pagpiprint ng songs ng JaDine kasi wala lang hehehe share lang hahaha. ~Alijah

Kathryn's Point of View:

Lumingon-lingon ako habang hawak-hawak yung chain ni Nadine at yung akin. Magkaparehong-magkapareho in size, color at yung alignment of charms. Identical na identical. Yung akin nga lang may KC at yung kanya may NA sa gitna. Baka sa parehong store binili yung chains namin. Nakita ko si James na naglalakad-lakad at lumilingon-lingon. Linapitan ko siya.

"James! Si Nadine?" tanong ko kay James nang makalapit ako.

Kumunot ang noo ko. "Di ko nga rin alam eh. Nawala siya bigla."

"Pakibigay nalang. Sige, thank you, nagmamadali na ako eh. Bye!" sabi ko at binigay sa kanya lahat ng hawak ng kamay ko tapos ay tumakbo na paalis.

Nasa hagdan na ako ng mapansin kong nabigay ko din yung akin. Umakyat ako para habulin siya pero wala na si James. Napasandal nalang ako sa pader.

Hala...

Lagot...

Aalagaan naman ni James yun, diba?

Hindi ko siya masyadong nakikita, kaya baka medyo matagal bago ko makuha ulit yung kwintas ko. Pero okay lang yan, responsable si James.

Kaya ko naman magsurvive ng wala yun eh.

Ano ba kasing mangayayari kung hindi ko yun suot ng ilang araw?

James's Point of View:

Tinignan ko yung dalawang charm sa kamay ko. Pumasok ako sa classroom na walang laman nang makita kong pabalik si Kath.

Huminto siya kung nasaan kami nag-uusap kanina habang lumilingon-lingon. Kinakabahan at natatakot siyang napasandal sa pader habang hindi mapakali. Humihinga siya ng malalim habang hinihilamos sa mukha niya yung dalawang kamay niya. Tumayo nasiya ng maayos at umalis nalang.

Binalikan ko yung mga chain at tinignan ng mabuti. Identical na identical.

Nabitawan ko yung hawak ko at nanlakio ang mga mata ko.

Di kaya...?

Kinuha ko kaagad yung phone ko at may tinawagan.

"Hello po? May kailangan po kayong malaman. Nahanap ko na po sila." sabi ko nang sagutin niya yung tawag ko. pinulot ko yung mga charm at tinitigan yung KC nung isa.

Kathryn's Point of View:

Nakababa na ako sa parking lot. Kinukuha ko yung susi ng kotse ko sa bag nang mapansin ko si Quen at Liza. Si Liza umiiyak habang si Quen nagpupunas ng dugo sa labi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sitwasyon nila. Nilapitan ko sila na nag-aalala. "Anong nangyari sa inyo?"

Umiling si Liza habang niyayakap ako. "I'm sorry, Kath. Sorry talaga. Hindi naman namin alam na aabot sa ganito eh. Nung una okay lang talaga. Pero ngayon, masama na ang kinalabasan."

"Liza? Quen? Bakit ba? Tell me. Hindi ko maintindihan." bulong ko.

Tinignan ko yung sugat ni Quen. "Enrique, sino gumawa niyan sayo?"

"Ako." Napalingon ako sa likod nila at nagulat nang makita si Daniel.

"Bakit? Nag-away kayo? Bakit kailangan pang manakit?" sambit ko nang makalapit ako sa kanya.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon