Chapter 7- Serenade

22 6 2
                                    

Kathryn's Point of View:

Binuksan ko ng konti yung pinto ng kwarto ni DJ. Nakita ko na wala siya. Napangiti ako. Nilagay ko yung gitara sa kama kasama yung note ko at tahimik na lumabas ulit ng kwarto niya.

Sana magustuhan niya yung regalo ko.

Nadine's Point of View:

Naglalakad na kami ni Yassi papuntang canteen. Monday na Monday saksak trabaho na agad.

Habang papuntang canteen, may nakita akong puting gitara na pamilyar. "Diba yun yung binili ni Kath?"

Lumingon si Yassi sa gitara at tinignan ng mabuti. "Seems like it. Pero diba sabi niya bibigay niya sa boyfriend niya?"

"Oo nga pala." sabi ko at dumiretso na kami sa canteen.

Habang kumakain kami ni kasama nila Kath, tumayo ako para magbanyo.

"Samahan na kita." sabi ni Yassi. Lumabhas na kami ng canteen at pumunta sa CR.

Kathryn's Point of View:

Pagkaalis nila Nadine, may narinig akong naggigitara. Lumingin ako sa likod ko at nakita si DJ na nakangiting nakatingin sa akin habang ginagamit niya yung gitara na bigay ko. May mga nasa likod niya, lima, at si Quen yung isa.

I always get this funny feeling
Every time you come around
It's like I'm walking on the ceiling
Both feet off the ground

And it's so right but feels so left
Upside down like I'm losing my head
'Cause I know where my heart belongs-
With you again


Nginitian niya ulit ako at nginitian ko siya. Nasa may pintuan siya ng canteen. At nagsimula na siyang maglakad papunta sa akin ng dahan-dahan habang kumakanta pa rin.

So I say hey, I'm crazy into you
And I say hey, every minute's overdue
And I can't wait, no, I don't care, I'll do what it takes
Driving all night, catch the first flight
Just to see you, I'll explain

Nakaabot na siya kung nasaan ako at harapan niya akong kinakantahan, nakatingin siya sa mga mata ko, at ganun din ako sa kanya. Napangiti ako ng maalala ko yung ibang panahon na ginawa niya 'to. Ito ang isa sa mga bagay na gusto ko sa kanya, hindi siya nagsasawang sorpresahin ako.

You got me like upside down
You standing there
I swear my whole world's turned around
I can't believe you're here, I was looking in the crowd
But you're here now
You standing there
I swear my whole world's turned around
You got me upside down

Do do do do do do do do do do do

You got me upside down

Do do do do do do do do do

I'm upside down

Pagkatapos ng kanta, niyakap ko siya at nagpalakpakan lahat ng mga nasa loob ng canteen, yung iba na kumakain lang talaga, yung mga nagbebenta, yung mga pumunta para talagang manood.

"I love you."

"I love you, too."

Nadine's Point of View:

Pabalik na sana kami ng canteen ng makita namin si James at Andre na nagbabasketball.

"Pati ba naman sa school basketball pa rin?" tanong ni Yassi ng makalapit kami.

Tumango si James sabay shinut yung bola. "Wala kaming magawa eh."

"So nagwa-one-on-one kayo?" tanong ko.

Drinible ni Andre yung bola tas shinut. "Yup." sabi niya nang pumasok yung bola.

"Bat hindi kayo sumabay sa amin nila Kath?" tanong ni Yassi.

"Puro babae." sabi ni Andre. Na umaray ng agawin ni Yassi yung bola kay James at binato sa mukha ni Andrea sabay sabi niya na makapal daw ang mukha.

Natawa nalang kami ni James sa nangyari. Palaging ganito yung dalawang yan, palarong nag-aaway at madalas parang bata. Hindi mo alam kung mag-aaway ba o magkabati sila eh.

"Pero seryoso... bakit parang busy kayo lately?" tanong ko.

Kumibit-balikat siya. "Hindi naman ata. Sige na, magkaklase na. Kita nalang tayo, magpapalit lang kami ni Andre.

"Sige. Bilisan niyo ah!" pahabol ko sa kanila.

Naglakad na kami ni Yassi papuntang classroom at may narinig kaming mga nagbubulungan.

Ang swerte talaga ni Kath sa kanya, noh?

Grabe yung eksena kanina! Navideohan ko!

Weh? Patingin nga.

Mamaya na, magsisimula na yung klase eh. Pero grabe, kakilig! Sana makahanap din ako ng ganun.

Ng gitara? Ipush mo.

Ng relasyon ng parang kay Kath kasi! Parang walang flaws, palaging sweet, yung totoo at meant-to-be!

Sa bagay, sino bang may ayaw nun?

"Anong nangyari nung wala tayo sa canteen?" tanong ni Yassi.

Tinignan ko siya. "Paano ko malalaman? Eh tayo nga yung wala, diba?"

"K then. Edi sorry." sabi ni Yassi.

Dumiretso na kami sa classroom pagkatapos nun, nagtataka kung anong nangyari nung alis namin. Hindi ko pa nga nakikita kung sino yung boyfriend ni Kath eh, natawa pa nga ako sa sabi ni Yassi na baka wala naman talaga. Loka-loka yun paminsan eh.

Tanungin ko nalang siya mamaya.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon