Chapter 8- Coincidences

24 6 4
                                    

Nadine's Point of View:

"Halika naaa...!" kulit sa akin ni Yassi.

Biglang may nagtext sa kanya kaya napaupo siya sa tabi ko at nagphone nalang siya, tumatawa ng konti at ngumingiti-ngiti pa. Kami nalang kasi yung nasa classroom, may tinatapos pa kasi akong project na ayokong tapusin bukas.

Inayos ko na yung mga gamit ko at tumayo na. Lumingon ako kay Yassi. "Huy! Lika na, diba nagmamadali ka?"

Tinapat niya yung kamay niya sa mukha ko habang nakikipagtext pa rin yung isa niyang kamay. "Wag ka, Nadine. Mamaya ka nang dumaldal diyan, may kausap ako."

Napairap ako at umupo sa upuan ko habang tumitingin-tingin sa classroom. Tumayo ako para maglakad-lakad at kinulit ko pa si Yassi.

"Magbabanyo muna ako, ah?" paalam ko habang papunta sa pintuan.

"Sige, sige. Bilisan mo." sabi ni Yassi ng hindi ako tinitignan.

Palabas na ako ng stall ko ang may narinig akong mga babae na nasa kabilang dulo ng pintuan ng stall kung nasaan ako.

"Grabe, ang sweet nila Kath! Nakakainggit!"

"Oo nga eh! Sana makahanap din ako ng bebelabs ko."

"Meant-to-be lang talaga ang peg nila! Pakipasa nga ng lipstick."

"Eto oh. Pero seryoso, nilalanggam ako sa kanila!"

"Okay na ba 'to? O makapal masyado?"

"Hindi pantay."

"Ay, ok. Sana makahanap na din ako ng kapantay ko. Ang sweet talaga nila, kakalbuhin ko talaga kung sino ang hahadlang sa kanila."

"Ikaw lang ba? Maski mga lalake suporta sa kanila eh."

"Ok na 'to. Dali na, baka maabutan pa tayo dito ng kung sino. O kaya si Kath pa mismo."

Narinig ko nang nagsarado yung pintuan. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng stall. Buong araw na pinaguusapan yung pagharana ng hindi ko kilalang boyfriend ni Kath. Ang sweet naman talaga eh, sayang, hindi ko nakita, kaasar lang noh? Kilig na kilig yung mga babae, yung mga lalake, pinagloloko yung nangyari, yung mga teacher buong araw ginawang hot topic sa lesson.

Naghugas na ako ng kamay at bumalik sa classroom. Pagkapasok ko ng classroom, nakita ko si Yassi na nagtetext pa rin. Linapitan ko siya at hinablot yung phone niya. Pinatay ko yung phone niya ng hindi tinitignan kung sino ba yung katext niya at binuksan ulit. Pagkatapos ay binalik ko sa kanya yung phone niya.

"Halika na nga." sabi ko habang kinukuha yung backpack ko at mga libro at naglakad palabas ng classroom habang nakasunod si Yassi.

"Uy, Nadz, okay ka lang? Bakit bv ka na kaagad? Anyare sayo, teh?" sabi niya habang tinatago yung phone niya.

Umirap nalang ako at tumigil sa paglalakad at umupo sa bench pagkatapos kong nilapag yung gamit ko sa tabi ko. Ginawa din yu ni Yassi, pero sa kabing bench. So nasa gitna kami, habang katabi namin yung mga gamit namin. At magkaharap na may konting space na agwat ng mga bench sa isa't-isa.

"Basta. Bigla nalang akong nakaramdam ng something." sabi ko habang binubuksan yung phone ko.

Napatingin ako kay Yassi na pinagaaralan yung mga galaw ko. Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Ano bang nangyari?"

"Wala." sabi ko.

"Ano nga?" pangungulit ni Yassi. Alam kong hindi siya titigil. Pero bahala siya sa buhay niya. Tinapat ko nalang yung phoine ko sa mukha ko at nagopen-close ng mga apps.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon